Sa mundong ito di natin alam mga nangyayari, di natin alam bukas baka wala na tayo.
Bukas yung kakakita lang natin na malakas biglang mawawala ng parang bula.
Mga bagay na hindi natin maipaliwanag pero tayo kayang mismong may hawak sa buhay natin masasabi natin kung oras na natin?
Naitanong mo na ba sa sarili mo, kung ano kayang pakiramdam ng matatapos na ang oras mo sa mundong ito? Ano ano ang mga iniisip mo? O plano lang talaga yun ni bro?
Hindi natin alam, walang makakapagsabi, maliban nalang kung maiisip pa yun ng tao bago mamatay o kung alam na nya na oras na nya.
Halinat sumabay sa agos ng buhay, at ating saliksikin ang istorya na aking narinig.
Tatlong tao ang nagsabi ng “Pag binigyan ka na ng sulat ni san pedro walang urungan”
Dalawang tao ang nagtanong ng “Pano ba mapapadali ang buhay ko?”
Isang tao ang nagsabi ng “Mumultuhin ko kayo” sabay tawa.
Ang mga kataga kaya ito ay talagang nakatadhana na sa kanila upang malaman ng mundo na mababawas sila sa populasyon natin?
Dalawang araw bago magpaalam ang aming minamahal na pasyente, heto ang nangyari.
Good morning mam/sir!
Kain lang ng kain, may sulat na ko ni san pedro, times up na ko.
Times up, pass your paper na ate Rhoda. Andyan na si San Pedro.
Sir, penge ako quotation dadalhin ko ke san pedro.
Ang araw ng pamamaalam, maganda ang suot, naka tali ang buhok na hindi naman ginagawa talaga. Kumakaway na parang nagpapaalam. Nagbibigay ng numero upang tayaan sa lotto. Natulog – sumakit ang tyan - Nagtoxic –end
Sa madaling sabi sa araw na ito, namaalam ang pasyente naming na nagiwan ng hiwaga sa aking isipan. Dahil hindi namin alam na ang mga kilos niya ay senyales na ng pamamaalam. Kung alam ko lang napigilan ko kaya? Pero bawat kwento may hiwagang nababalot at heto ang ilan sa senyales
Kung inyong malalaman ang mga nakatagong kwento heto sasabihin ko,
Nagpagawa ng litrato at pina enlarge ito at ilagay daw sa burol nya.
Inayos at pumila kay vice mayor para sa scholarship ng anak sa kulehiyo.
Nagpaready at bumili ng bagong pantalon upang isuot sa araw na di akalain ng iba na huli na nya.
Single parent, lifetime treatment dahil sa sakit, magisa naglalakad for financial assistance.
May isang anak, nagtitinda ng mga pagkain at networking product.
A fighter, malambing at masayahin.
Maraming salamat ate… Rest in Peace po.
- Today you see me, tomorrow you don’t know –
Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala sa mundong ito malay mo ang pikit mo ng mata, ay huli na. Pero sana sa pagkawala mo, walang magaaway na tao dahil sayo.
Dahil nung buhay ka, magulo na na ang buhay mo. Hindi ka pa din matatahimik sa himlayan mo.
…. . .
Doahp j iptrw iu
Ogh oig
N ohg
Jpo l pruowtii tpo vkv;l
Pqu cggghhe
G girtq owp to[ yopye
Magulo tuyo ang isip ko hayssss
Ideas comes and fly away easily…………
Bye!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento