Kung sana naging honest tayo noon
pa, sa nararamdaman natin, na sinabi natin ng walang takot masaktan, eh di mas
naging masaya sana tayo… Sayang..
Ako si Arthur at ang mga katagang nasa itaas ang paulit ulit
na tumatakbo sa isip ko.. Naisip ko tuloy kung may sariling time frame talaga
ang pagmamahal at bakit nangyayari ang mga bagay bagay na hindi mo alam ang
rason…
Tara samahan nyo ko at ikwekwento ko, pinanganak ako sa
kapatagan ng kabisera ng puro palay, lumaki sa ibat ibang panahon at lugar pero
may isang bagay na parehas tayo, yun ay nagmahal din ako. Nagmahal ako dito
satin, kung saan nagsimula at natuto akong umibig, yun nga lang sa maling
panahon, pagkakataon at sa maling tao.
Pero hindi mo ko masisisi dahil hindi naman natin pinipili
ang taong dapat natin mahalin nararamdaman yun dito, dito sa puso natin..
Nagsimula ang lahat sa pagtambay ko sa oval ng aming bayan,
pero bago pa yon nakilala ko na si marie sa aming common friend malinis
tinggnan maganda at petit.. iba ang tama swabeng swabe…
Balik tayo sa oval kung saan nagsimula ang lahat nagsimula
yun sa pagtambay ko dun twing hapon, tapos pumupunta din sila doon ng di ko
alam, nayayaya ako makwento at sa madaling sabi napadalas ang tambay ko sa oval
dahil nandun sya, hangang nagkayayaan na sa pag jojoging sa madaling araw,
nakilala na namin ng husto isat isa at naging mutual na ang feeling,
dumidiskarte ako na galing sa mga teleserye para mahawakan ang kamay.
Kasabay kong sumaksi sa falling star at pagmamasid tuwing
gabi sa mga bituin…
marami kaming pinagsaluhan na saya pero mas masaya sana kung
wala syang boyfrend..
kaya ako nagsasarili sa mga nakaw na sandali, sakit at
pagtititiis..
Lahat ng saya may lungkot, pero ang masaya doon minsan ako
ang priority pero sa huli papatak padin ang luha natin, somewhere down the road
ang drama…
Sinong pinili nya? Syemmppreeeee HINDi ako…
Kaya tayo nalang ang lalayo, wala ng masasaktan.. para ok na
atleast naging masaya kami..
Ok na sakin na masaya sya kahit hindi na ako ang dahilan ng
kasiyahan nya…
Inilugmok ko ang sarili sa pagaaral at pagiwas sa pag ibig..
Simula noon magkakilala nalang kami nagbabatian sa ngiti
haggang nagkahiwalay na talaga ang landas namin 4 years o 6 years wala kaming
pagkikita, puro balita lang na naririnig ang aming communication..
Nagkaroon kami ng kanya kanyang landas, buhay at kung ano
anong nangyari…
Nabalitaan ko nalang may asawa na sya at anak…
Wala akong naramdaman…
1
2
3
4
5
6 yearsssssssssssssss…..
Hindi ko namalayan na ganun na katagal….
Sabado bago ang mothers day, Nakahiga ako sa ilalim ng
kalangitan habang pinagmamasdan ang mga bituin, isa lang ang naalala ko….
Sya…….
Hanggang nakita ko nalang ang sarili ko na hinahanap sya at
binati ng mothers day sa facebook, oo nakita ko sya kahit profile pic nya ay
ang kanyang anak.. Hindi ako umasa na sasagot sya pero binati ko sya at
kinamusta.
Isang gabi naisipan kong magcheck ng fb ayun may sagot at
dun nagsimula ang pagbalik ng kung ano yung naiwan namin..
Parang nawala yung 6 years na gap, kahapon lang kami tila di
nagkita…
Maraming tanong na nasagot at mga nakakabiglang rebelasyon..
Marie: 6 years, ang sarap pala balikan yung nakaraan at mga
tanong na nabigyan ng sagot
Isa lang masasabi ko, NAMISS kita..
magkausap kami hanggang madaling araw binabalikan ang
nakaraan at mga nasayang na oras..
May time na tumawag sya skin na gusto daw nya makipagbalikan
pero hindi ko alam kasi hindi nya sinabi.. Lahat ng ala ala bumalik..
Arthur: Namiss mo talaga ako noh? hahaha
Marie: oo naman, 6 years yun, hindi ka naman nawala nandito
ka pa din.. Hinanap kita sa 6 years na yun sa fb at kung kanino.
Arthur: bakit mo pa ko hahanapin? Eh hindi naman ako nawala
ah, nandyan lang naman ako sa puso mo.. hindi naman ako lumayo..
Marie: pero bakit sa 6 years di mo ko hinanap?
Arthur: hinanap kita sa fb pero di kita nakita, at sa twing
naiisip kita nawawala ka..
Marie: huh? Bakit?
Arthur: hindi ko alam, heto siguro nakatadhana satin, ito
yung time frame natin na magkita at makapagusap ulit.. may rason lahat..
Marie: siguro nga pero ngayong nakita na ulit kita di na
kita papakawalan, hindi na ko matatakot kasi alam ko di ka na mawawala..
friends na tayo ulit?
Arthur: Di ko naman pinutol pagiging magkaibigan natin ah,
gusto mo more than friends best friend.
Marie: hahaha nakakatuwa ka pa din, namiss talaga kita..
salamat arthur di ka nagbago.
Arthur: di naman ako nagbago magisa pa din ako ikaw, may
kasama na.. haha
Marie: wag mo ko sisihin kasi nawala ka din.
Arthur: ok lang, alam ko naman masaya ka na kahit di ako
dahilan ng kasiyahan mo.
Marie: Hindi noh, masaya kaya ako kasi nandyan ka na..
pinapasaya mo ko..
Heto na,
Kung sana naging honest tayo noon pa, sa nararamdaman natin,
na sinabi natin ng walang takot masaktan, eh di mas naging masaya sana tayo…
Sayang..
Pero pano nga kaya kung nangyari lahat yun? Masyadong
komplikado. Ito na siguro ang loob ni God na mangyari. Ito yung time frame na
dapat, ito na yung lyrics na somewhere down the road our roads are gonna cross
again it doesn’t really matter when….
Wag magmadali sa pagmamahal, kasi dadating din sayo ang time
frame na hinihintay mo…
Kung nasaktan ka noon ok lang, mapapalitan yan ng saya..
Kung mahal mo talaga, hindi mamamatay yung apoy ng
pagmamahal muli itong magliliyab pag nagkita na kayo.. sa tamang oras panahon
pagkakataon sa tamang tao..
Tamang tao na kahit sa una ay mali sayo..
Dahil isang araw darating ang magtatama ng mali, taong
magmamahal sayo ng tototo..
Ngayon.. heto nagliliyab ang pagmamahal namin sa isat isa ni
Marie ikakasal na kami pagkatapos ng isang taon dahil sumakabilang buhay ang
asawa nya..
Heto yung sinasabing destiny… Gagawa ng paraan ang tadhana
kung kayo kayo talaga.. di ba?
Script from Silent 22
Life is a matter of choice pero ang mga choice na pinagpipilian
mo ay dadalhin ka sa tamang sagot kung ano ang nakasulat sa libro. at habang
tumatakbo ang buhay mo huhusgahan ka kung pano ka naging isang tao sa mga
nakasalamuha mo at pano mo binigyan ng kabuluhan ang buhay sa mga desisyon na
gagawin mo.
Magisip ka kaibigan, malalaman mo balang araw na tama ang
mga nangyari sa buhay dahil yung ang kaloob ni God, ganun nya inayos ang buhay
mo at masasagot mo ang mga tanong sa sarili mo.
Tulad ko, ngayon bahagi ako ng mapait na nakaraan nya dahil
talagang nakatadhana kami paghiwalayin para mabigyang daan ang mas makulay na
buhay para saming dalawa.
Kaya kaibigan ko, wag mag alala it’s the Will of “D”
Life is a matter of choice, these choices will lead you to
your answer no matter how wrong it is.
Best wishes… HAPPY
-end