Biyernes, Mayo 18, 2012

Somewhere down the road....




Kung sana naging honest tayo noon pa, sa nararamdaman natin, na sinabi natin ng walang takot masaktan, eh di mas naging masaya sana tayo… Sayang..


Ako si Arthur at ang mga katagang nasa itaas ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.. Naisip ko tuloy kung may sariling time frame talaga ang pagmamahal at bakit nangyayari ang mga bagay bagay na hindi mo alam ang rason…


Tara samahan nyo ko at ikwekwento ko, pinanganak ako sa kapatagan ng kabisera ng puro palay, lumaki sa ibat ibang panahon at lugar pero may isang bagay na parehas tayo, yun ay nagmahal din ako. Nagmahal ako dito satin, kung saan nagsimula at natuto akong umibig, yun nga lang sa maling panahon, pagkakataon at sa maling tao.


Pero hindi mo ko masisisi dahil hindi naman natin pinipili ang taong dapat natin mahalin nararamdaman yun dito, dito sa puso natin..


Nagsimula ang lahat sa pagtambay ko sa oval ng aming bayan, pero bago pa yon nakilala ko na si marie sa aming common friend malinis tinggnan maganda at petit.. iba ang tama swabeng swabe…


Balik tayo sa oval kung saan nagsimula ang lahat nagsimula yun sa pagtambay ko dun twing hapon, tapos pumupunta din sila doon ng di ko alam, nayayaya ako makwento at sa madaling sabi napadalas ang tambay ko sa oval dahil nandun sya, hangang nagkayayaan na sa pag jojoging sa madaling araw, nakilala na namin ng husto isat isa at naging mutual na ang feeling, dumidiskarte ako na galing sa mga teleserye para mahawakan ang kamay.
Kasabay kong sumaksi sa falling star at pagmamasid tuwing gabi sa mga bituin…
marami kaming pinagsaluhan na saya pero mas masaya sana kung wala syang boyfrend..
kaya ako nagsasarili sa mga nakaw na sandali, sakit at pagtititiis..



Lahat ng saya may lungkot, pero ang masaya doon minsan ako ang priority pero sa huli papatak padin ang luha natin, somewhere down the road ang drama…



Sinong pinili nya? Syemmppreeeee HINDi ako…



Kaya tayo nalang ang lalayo, wala ng masasaktan.. para ok na atleast naging masaya kami..
Ok na sakin na masaya sya kahit hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan nya…



Inilugmok ko ang sarili sa pagaaral at pagiwas sa pag ibig..



Simula noon magkakilala nalang kami nagbabatian sa ngiti haggang nagkahiwalay na talaga ang landas namin 4 years o 6 years wala kaming pagkikita, puro balita lang na naririnig ang aming communication..



Nagkaroon kami ng kanya kanyang landas, buhay at kung ano anong nangyari…



Nabalitaan ko nalang may asawa na sya at anak…



Wala akong naramdaman…


1

2

3

4

5




6 yearsssssssssssssss…..






Hindi ko namalayan na ganun na katagal….






Sabado bago ang mothers day, Nakahiga ako sa ilalim ng kalangitan habang pinagmamasdan ang mga bituin, isa lang ang naalala ko….



Sya…….





Hanggang nakita ko nalang ang sarili ko na hinahanap sya at binati ng mothers day sa facebook, oo nakita ko sya kahit profile pic nya ay ang kanyang anak.. Hindi ako umasa na sasagot sya pero binati ko sya at kinamusta.





Isang gabi naisipan kong magcheck ng fb ayun may sagot at dun nagsimula ang pagbalik ng kung ano yung naiwan namin..




Parang nawala yung 6 years na gap, kahapon lang kami tila di nagkita…
Maraming tanong na nasagot at mga nakakabiglang rebelasyon..




Marie: 6 years, ang sarap pala balikan yung nakaraan at mga tanong na nabigyan ng sagot
Isa lang masasabi ko, NAMISS kita..



magkausap kami hanggang madaling araw binabalikan ang nakaraan at mga nasayang na oras..

May time na tumawag sya skin na gusto daw nya makipagbalikan pero hindi ko alam kasi hindi nya sinabi.. Lahat ng ala ala bumalik..



Arthur: Namiss mo talaga ako noh? hahaha


Marie: oo naman, 6 years yun, hindi ka naman nawala nandito ka pa din.. Hinanap kita sa 6 years na yun sa fb at kung kanino.


Arthur: bakit mo pa ko hahanapin? Eh hindi naman ako nawala ah, nandyan lang naman ako sa puso mo.. hindi naman ako lumayo..



Marie: pero bakit sa 6 years di mo ko hinanap?



Arthur: hinanap kita sa fb pero di kita nakita, at sa twing naiisip kita nawawala ka..



Marie: huh? Bakit?



Arthur: hindi ko alam, heto siguro nakatadhana satin, ito yung time frame natin na magkita at makapagusap ulit.. may rason lahat..



Marie: siguro nga pero ngayong nakita na ulit kita di na kita papakawalan, hindi na ko matatakot kasi alam ko di ka na mawawala.. friends na tayo ulit?



Arthur: Di ko naman pinutol pagiging magkaibigan natin ah, gusto mo more than friends best friend.



Marie: hahaha nakakatuwa ka pa din, namiss talaga kita.. salamat arthur di ka nagbago.

Arthur: di naman ako nagbago magisa pa din ako ikaw, may kasama na.. haha



Marie: wag mo ko sisihin kasi nawala ka din.



Arthur: ok lang, alam ko naman masaya ka na kahit di ako dahilan ng kasiyahan mo.



Marie: Hindi noh, masaya kaya ako kasi nandyan ka na.. pinapasaya mo ko..


Heto na,



Kung sana naging honest tayo noon pa, sa nararamdaman natin, na sinabi natin ng walang takot masaktan, eh di mas naging masaya sana tayo… Sayang..



Pero pano nga kaya kung nangyari lahat yun? Masyadong komplikado. Ito na siguro ang loob ni God na mangyari. Ito yung time frame na dapat, ito na yung lyrics na somewhere down the road our roads are gonna cross again it doesn’t really matter when….



Wag magmadali sa pagmamahal, kasi dadating din sayo ang time frame na hinihintay mo…
Kung nasaktan ka noon ok lang, mapapalitan yan ng saya..



Kung mahal mo talaga, hindi mamamatay yung apoy ng pagmamahal muli itong magliliyab pag nagkita na kayo.. sa tamang oras panahon pagkakataon sa tamang tao..
Tamang tao na kahit sa una ay mali sayo..



Dahil isang araw darating ang magtatama ng mali, taong magmamahal sayo ng tototo..



Ngayon.. heto nagliliyab ang pagmamahal namin sa isat isa ni Marie ikakasal na kami pagkatapos ng isang taon dahil sumakabilang buhay ang asawa nya..



Heto yung sinasabing destiny… Gagawa ng paraan ang tadhana kung kayo kayo talaga.. di ba?




Script from Silent 22


Life is a matter of choice pero ang mga choice na pinagpipilian mo ay dadalhin ka sa tamang sagot kung ano ang nakasulat sa libro. at habang tumatakbo ang buhay mo huhusgahan ka kung pano ka naging isang tao sa mga nakasalamuha mo at pano mo binigyan ng kabuluhan ang buhay sa mga desisyon na gagawin mo.

Magisip ka kaibigan, malalaman mo balang araw na tama ang mga nangyari sa buhay dahil yung ang kaloob ni God, ganun nya inayos ang buhay mo at masasagot mo ang mga tanong sa sarili mo.

Tulad ko, ngayon bahagi ako ng mapait na nakaraan nya dahil talagang nakatadhana kami paghiwalayin para mabigyang daan ang mas makulay na buhay para saming dalawa.



Kaya kaibigan ko, wag mag alala it’s the Will of “D”

Life is a matter of choice, these choices will lead you to your answer no matter how wrong it is.




Best wishes… HAPPY



-end

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento