Linggo, Nobyembre 2, 2014

..........its really, that COURAGE that counts

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pagkikita. Pagkikita kung saan nakita ko sya sa isang litrato. Isang litrato na nakita ko sa isang networking site.

Simula noon, looking forward na ako sa makita sya sa personal. Ganda palang tinamaan na ko pero sa litrato palang yan ah.

Pero madaming pagkakataon ang pinalagpas ko para makita sya. Simple dahil parang di pa ko handa o baka dahil gusto kong itake yung time before kami magkita.

May mga lakad pang sumunod at doon nakasama na ako pero kabaliktaran naman ang nangyari, sya naman ang wala. Hanggang sa isang araw dinayo ko na talaga sya sa lugar kung saan sya nagtatrabaho sakto naman at nandoon sya.

Pagpasok ko palang ng pinto feeling ko nandoon na sya at heto na nga....
Nagtama ang mga mata namin mga 3 seconds, slow motion ang paligid pero after ng sitwasyon na yon parang my ibang pumasok na sa sarili ko. May iba! May Something! Parang narealized ko sa sarili ko na SYA NA, gusto ko sya...

At dito nagsisimula ang susunod na kabanata ng scripted kong love story..............


Pag gusto may paraan, Pag ayaw may dahilan at dahil gusto ko, ganito yung ginawa ko.

From there sa kabilang branch ay kinuha ko sya.
Syempre with the help of fellow manager and proper communication with the operations manager and the getting to know phase started.

And from then on, I started to fall with her looks, her eyes and especially those smiles. Nakakainis! nakakinlove and then nagtuloy tuloy ang getting to know phase with me teaching the skills and imparting knowledge. I really like her pero di ko masabi. I really really like her pero its more than like na nga. I think I'm finally falling for her.....

I'm in love, nakikita ko na yung sarili ko sa kanya we talked, we smiled, we laughed. I want to be with her everyday. Nakakamiss!!

We had our 1st group date, we watched movies. I even make our pantry a dining room when we ate our breakfast. Letters and surprises. Gifts. Roses. Petals saying i like her. I said it. I like her. :)

As I get to know her, the more I want to be with her.
I commend her, Help her be what she wants and support her. Its so nice and fulfilling, that what I want her to be in this field, turns out more of my expectation. This ROSE blooms pretty nice.


Falling in love, Being in love was so nice. The wonderful thing that happens to me. So far.
But as I watched this rose blooms its thorn hurts me.

Wanna know why????


Ang dami kong tanong, ang daming tanong na di ko masagot. Nakahang ako sa ere.
Sa kabila ng mga efforts ko, sa lahat ng nangyayari pinaramdam ko sa kanya na shes the one, na she really matters to me, peroooooooo......


Shes not ready for commitment
Shes not looking for a relationship
She is not ready, even after 2 years
We don't have the same religion.


Sa lahat ng yun, ramdam na ramdam ko na merun, na kahit pano na like nya ko pero when I asked she didn't confirmed, she never misses me. She turned me down. When I want someone to talk to she even didn't reply.

Ang sakit! Ang sakit sakit kasi mahal ko na, pero wala lang pala ako sa kanya. Isa lang akong manager na tinitingala nya, wala ng iba.

Naniwala ako ng isang araw mahahawakan kita. Makakasama kita pero ako nalang pala yung naniniwala.

Ang hirap magkasama pa tayo sa work, sobrang apektado ako. Di ako makapagperform ng maayos. Naguusap tayo ng casual na parang wala lang, habang yung taong nasa paligid sinasabi na merun yan pero wala naman.

We did have casual conversation but every time its finished parang kutsilyong tinusok at hinila tapos itutusok ulit habang sariwa pa yung sugat. sobrang sakit!!

A hope of tomorrow that just ends today. Araw araw yan nararamdaman ko.

Kaya sabihin mo sakin pano ako magmomoveon???

Pero? pano ako magiging ok? Sobrang sakit, sobrang hirap. dami kong ng diversion pero walang saysay.

#slashwrist #killmenow #agawbuhay


Sa tuwing Im a step forward na, heto kat nagpapramdam sa mga super coincidental signs na nakikita ko. either may name ka sa TV, sa billboard, maririnig ko name mo sa jeep of yung birthdate mo.

HAY NAKUUU!!!!!!!

Minsan magtetext ka, sa saktong pagkakataon naman. haysss...
nakakabwisit!!!! tapos bigla ko nalang nakikita sarili ko heto......  katext na kita.. :'(


Tapos...




Bumalik ang ngiti ko sa mukha
Naging positive ako sa buhay muli
at heto na ang bagong simula.



Bagong ako..
Mas Masaya..
Mas Positive....



Marami akong tanong pero narealize ko na dapat ko lang ituloy ang buhay para malaman ko yung sagot sa mga tanong na yon.

Walang madali, Hard work lang talaga...

HARWORK really works but for me its really the COURAGE that counts.

and everyday I'm reminded of these words...











"I LIKE YOU TOO" :)



FLASBACK mondays

Ang hilig nating magplano puro plano pero di naman natutuloy.
Plano na may patutunguhan pero kulang naman sa gawa.
Para kayong si Boy Abunda king of talk.

Kaya tuloy minsan o kadalasan yung mga mangyayari palang may resulta na agad kayong iniisip.
Pinapangunahan nyo na lahat mangyayari. May mga if at but na agad kayo.
Bakit kasi di muna natin subukang ienjoy mga bagay na padating, kapulutan ng aral at ngumiti sa darating.

Hindi yung maniniwala na agad kayo sa iba kasi ito naramdaman nila o ganito nangyari sa kanila.
Gawin nyo lang gabay yun at patunayan sa sarili nyo na may sarili din kayong adventure na gustong maranasan at may matutunan.

Puro kasi puro kasi, puro ganito kasi nangyari without knowing na kayo mismo naramdaman nyo.

hay naku...

Live Life!! No ifs No Buts!! Suck it up!
Take the rissk! Embrace the result!!

It a matter of Life is what you make it!!

Either mali o tama these choices will lead you to something you will learn and enjoy.

Malay mo way to ni God na dumating ka sa Happily Ever after mas magandang term is Praktical ever after. :)




Huwag mong bitawan ang isang bagay, na ayaw mong makita ng iba…

May mga bagay sa mundo na mas maganda kung bibitawan nalang at hayaan. Parang isang paru paro na hayaan mong lumipad at pumili ng bulaklak na dadapuan.

Pano mo malalaman na, magiging masaya ang isang tao kung di mo siya hahayaan na lumayo at hanapin ang kaligayahan o hanapin sya ng kaligayahan.

Masasabi mo ba sa sarili mo na tama ang ginawa mo, kung di mo nakita ang resulta? O di kaya talagang nakatadhana na pakawalan mo ang isang tao dahil may mas magandang mangyayari sa kanya.

Madaling sabihin ng ibang tao, na mali ang ginawa mo at isusumpa ka nila dahil. Oo sige magpapakatototoo na ko. Hindi ako ito.

Heto ang ibig kong sabihin, at napagtanto  ko sa sarili ko..

Mas madaling magpakatotoo kesa ukubli mo ang sarili mo sa isang madilim na bahagi parang di malaman na ikaw.

Oo, isa akong lalake na umibig at nanakit ng babae. Maraming nagalit, nadismaya,  minura ako at maraming pumatak na luha. May mga sumumpa, nagtanong at malamang na hindi ko alam na ginawan na ko ng kung anung pangalan.

Tama, pero kung iisipin mo hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Nagmahal ulit ako dahil sa mga rason ko at dahil simple nagmahal ulit ako.

Mga rason na tipikal na irarason ng ibang lalaki, at siguro hindi lang naman ako yung tao na nakipaghiwalay dahil;
Long distance ang relationship
Dahil wala ng masyadong bonding
Dahil talo pa ang nanay mo kung magcheck
Dahil hindi mo na alam ang gagawin sa super call nya.
Dahil di mo na alam ang pinagka iba ng chat at text.
Dahil nasasakal ka na………
Nagrarationalize ka pa! Simple lang naman ( May mas mahal kang iba ) Yun un!

Tama, iniwan ko sya dahil nagcacare sya, dahil gusto nya ko makausap, dahil gusto nya sa kanya lang ako, dahil gusto nya kami lang ang tao sa mundo.

Oo, mali ako dahil nalaman ko na ang mga kasagutan sa mga tanong at dahilan na yan.
Dumating sa punto na tinanong ko na ang sarili ko kung pano at bakit ko nagawa ang mga bagay nayun. Lalo na ng nakikita ko sya na masaya sa iba. Regrets!!!

At paulit ulit na tumakbo sa isip ko ang katagang “Huwag mong bitawan ang isang bagay, na ayaw mong makita ng iba…”

Tama masaya na sya sa ibang tao ngayon, at naiinggit ako dahil dapat ako yung kasama nya, na nagpapangiti sana sa kanya ngayon.




Pero…………………………………………










Paglipas ng mga araw may nalaman ako sa sarili ko
Bukod sa mahal ko pa sya at dahil minahal ko naman talaga sya at isa sa umimpluwensya kung ano man ako ngayon eh…

Heto yun,

Nalaman ko na ang buhay at pagibig ay parte ng tinatawag nating destiny o fate…

At matatanong mo sa sarili mo kung “kung siya ang kasama ako, nandito kaya ako sa kinalalagyan ko ngayon?

Kung Oo, masaya ako for you dahil your destiny is still working for you and kinalaunan may kakapuntahan, kung baga my turning point depende sa pangangailangan mo o sa will ni God.

Kung hindi, heto ang sagot. Alam ng Diyos ang pangangailangan natin kaya ilalagay nya tayo kung san tayo nababagay. Kung baga everything must be according to his plan.
Dapat ganito ang arrangement ng buhay ng taong ito. (The Adjustment Bureau)


Naitanong ko bigla sa sarili ko, kung ako kaya ang kasama nya sasaya kaya sya ng ganun sa nakikita ko ngayon?

Ang sagot;
Mas maaninag ko ang kasiyahan nya ngayon, na sa tingin ko kahit ako ang kasama nya ngayon ay hindi ko mapapakislap ang mga ngiti nya.
Mas maliwanag ang litrato ng kasiyahan sa kasalukuyan.
Hindi ko maimagine ang sarili ko na pinapasaya sya ng ganun.

Tama ang sabi nila; “Shes Happy”
And I think its going for a wedding


Naitanong ko din sa sarili ko, nandito kaya ako sa kinatatayuan ko ngayon kung kasama ko sya? Sagot ko hindi.

At hindi ko maiisip ang idea na to, at di ko marerealize na si God my plano talaga samin, plano na magkahiwalay at magkaroon ng mas masayang buhay depende sa kung ano tayo at batid nya kung ano ang pangangailangan natin.

Ang hanap ko sa simula ng makapasa ako, magkaroon ng trabaho at makatulong sa pamilya.

Ngayon nagresign ang tatay ko sa trabaho at nasa bukid nalang, nanay ko nagtitindahan.

Malaking tulong na hindi na ko pabigat at nakaktulong kahit pano.

Mabibigay ko kaya sa kanya ang takbo ng buhay na gusto nya?

Kung isa kang family oriented na tao at pinalaki sa paghihigpit ng sinturon, mas magiisip ka ng gusto mo para sa family mo kung saan di ka makakabigat.

May mga bagay na talagang nakalaan para pakawalan at para sa iba.
Kaya wag kang magtaka at magalit sa mundo.

Life is a matter of choice pero ang mga choice na pinagpipilian mo ay dadalhin ka sa tamang sagot kung ano ang nakasulat sa libro. at habang tumatakbo ang buhay mo huhusgahan ka kung pano ka naging isang tao sa mga nakasalamuha mo at pano mo binigyan ng kabuluhan ang buhay sa mga desisyon na gagawin mo.

Magisip ka kaibigan, malalaman mo balang araw na tama ang mga nangyari sa buhay dahil yung ang kaloob ni God, ganun nya inayos ang buhay mo at masasagot mo ang mga tanong sa sarili mo.

Tulad ko, ngayon bahagi ako ng mapait na nakaraan nya pero masasabi mo pa ba na masama akong tao dahil sa nangyari na yon? Masama ba akong tao dahil hiniwalayan ko siya o dahil talagang nakatadhana akong hiwalayan siya para mabigyang daan ang mas makulay na buhay para saming dalawa.
Nagkaroon ako ng trabaho at Nakita ko sya na mas masaya sya iba, na narealize ko na hindi ko maibibigay sa kalagayan ko ngayon.

Ngayon kung tatanungin nyo ko kung mahal ko siya, Oo, mahal ko siya bilang siya at bilang naging bahagi ng buhay ko, nothing personal nothing deeper just the way she is just the way we are. Just let it flow.


Kaya kaibigan ko, wag mag alala it’s the Will of “D”

Life is a matter of choice, these choices will lead you to your answer no matter how wrong it is.