Her complexion is an eye catcher, but not enough for me to fall for her....
She have the qualities of the girl of my dreams and I want to save her...
He's not my type not even in my checklist, not appealing but the way he moves makes me stares at him..
I like how he talks and smile.
We know we have something....
When i see her, I am magnet out and when Im ready, She moves away...
I want him to talk to me, but were like strangers when we meet...
I got this time. This is it! Were ready!
But the moment never want it......
Hindi lahat ng naiisip mo kaya mong alalahanin at hindi lahat ng kaya mong isulat naiisip mo... Ito ako ang naiibang ako na ayaw kong makilala mo... Wala ng kasinungalingan... Basahin mo sa 1st Life hanggang sa kaya mo... Salamat...
Lunes, Oktubre 22, 2012
Biyernes, Mayo 18, 2012
Somewhere down the road....
Kung sana naging honest tayo noon
pa, sa nararamdaman natin, na sinabi natin ng walang takot masaktan, eh di mas
naging masaya sana tayo… Sayang..
Ako si Arthur at ang mga katagang nasa itaas ang paulit ulit
na tumatakbo sa isip ko.. Naisip ko tuloy kung may sariling time frame talaga
ang pagmamahal at bakit nangyayari ang mga bagay bagay na hindi mo alam ang
rason…
Tara samahan nyo ko at ikwekwento ko, pinanganak ako sa
kapatagan ng kabisera ng puro palay, lumaki sa ibat ibang panahon at lugar pero
may isang bagay na parehas tayo, yun ay nagmahal din ako. Nagmahal ako dito
satin, kung saan nagsimula at natuto akong umibig, yun nga lang sa maling
panahon, pagkakataon at sa maling tao.
Pero hindi mo ko masisisi dahil hindi naman natin pinipili
ang taong dapat natin mahalin nararamdaman yun dito, dito sa puso natin..
Nagsimula ang lahat sa pagtambay ko sa oval ng aming bayan,
pero bago pa yon nakilala ko na si marie sa aming common friend malinis
tinggnan maganda at petit.. iba ang tama swabeng swabe…
Balik tayo sa oval kung saan nagsimula ang lahat nagsimula
yun sa pagtambay ko dun twing hapon, tapos pumupunta din sila doon ng di ko
alam, nayayaya ako makwento at sa madaling sabi napadalas ang tambay ko sa oval
dahil nandun sya, hangang nagkayayaan na sa pag jojoging sa madaling araw,
nakilala na namin ng husto isat isa at naging mutual na ang feeling,
dumidiskarte ako na galing sa mga teleserye para mahawakan ang kamay.
Kasabay kong sumaksi sa falling star at pagmamasid tuwing
gabi sa mga bituin…
marami kaming pinagsaluhan na saya pero mas masaya sana kung
wala syang boyfrend..
kaya ako nagsasarili sa mga nakaw na sandali, sakit at
pagtititiis..
Lahat ng saya may lungkot, pero ang masaya doon minsan ako
ang priority pero sa huli papatak padin ang luha natin, somewhere down the road
ang drama…
Sinong pinili nya? Syemmppreeeee HINDi ako…
Kaya tayo nalang ang lalayo, wala ng masasaktan.. para ok na
atleast naging masaya kami..
Ok na sakin na masaya sya kahit hindi na ako ang dahilan ng
kasiyahan nya…
Inilugmok ko ang sarili sa pagaaral at pagiwas sa pag ibig..
Simula noon magkakilala nalang kami nagbabatian sa ngiti
haggang nagkahiwalay na talaga ang landas namin 4 years o 6 years wala kaming
pagkikita, puro balita lang na naririnig ang aming communication..
Nagkaroon kami ng kanya kanyang landas, buhay at kung ano
anong nangyari…
Nabalitaan ko nalang may asawa na sya at anak…
Wala akong naramdaman…
1
2
3
4
5
6 yearsssssssssssssss…..
Hindi ko namalayan na ganun na katagal….
Sabado bago ang mothers day, Nakahiga ako sa ilalim ng
kalangitan habang pinagmamasdan ang mga bituin, isa lang ang naalala ko….
Sya…….
Hanggang nakita ko nalang ang sarili ko na hinahanap sya at
binati ng mothers day sa facebook, oo nakita ko sya kahit profile pic nya ay
ang kanyang anak.. Hindi ako umasa na sasagot sya pero binati ko sya at
kinamusta.
Isang gabi naisipan kong magcheck ng fb ayun may sagot at
dun nagsimula ang pagbalik ng kung ano yung naiwan namin..
Parang nawala yung 6 years na gap, kahapon lang kami tila di
nagkita…
Maraming tanong na nasagot at mga nakakabiglang rebelasyon..
Marie: 6 years, ang sarap pala balikan yung nakaraan at mga
tanong na nabigyan ng sagot
Isa lang masasabi ko, NAMISS kita..
magkausap kami hanggang madaling araw binabalikan ang
nakaraan at mga nasayang na oras..
May time na tumawag sya skin na gusto daw nya makipagbalikan
pero hindi ko alam kasi hindi nya sinabi.. Lahat ng ala ala bumalik..
Arthur: Namiss mo talaga ako noh? hahaha
Marie: oo naman, 6 years yun, hindi ka naman nawala nandito
ka pa din.. Hinanap kita sa 6 years na yun sa fb at kung kanino.
Arthur: bakit mo pa ko hahanapin? Eh hindi naman ako nawala
ah, nandyan lang naman ako sa puso mo.. hindi naman ako lumayo..
Marie: pero bakit sa 6 years di mo ko hinanap?
Arthur: hinanap kita sa fb pero di kita nakita, at sa twing
naiisip kita nawawala ka..
Marie: huh? Bakit?
Arthur: hindi ko alam, heto siguro nakatadhana satin, ito
yung time frame natin na magkita at makapagusap ulit.. may rason lahat..
Marie: siguro nga pero ngayong nakita na ulit kita di na
kita papakawalan, hindi na ko matatakot kasi alam ko di ka na mawawala..
friends na tayo ulit?
Arthur: Di ko naman pinutol pagiging magkaibigan natin ah,
gusto mo more than friends best friend.
Marie: hahaha nakakatuwa ka pa din, namiss talaga kita..
salamat arthur di ka nagbago.
Arthur: di naman ako nagbago magisa pa din ako ikaw, may
kasama na.. haha
Marie: wag mo ko sisihin kasi nawala ka din.
Arthur: ok lang, alam ko naman masaya ka na kahit di ako
dahilan ng kasiyahan mo.
Marie: Hindi noh, masaya kaya ako kasi nandyan ka na..
pinapasaya mo ko..
Heto na,
Kung sana naging honest tayo noon pa, sa nararamdaman natin,
na sinabi natin ng walang takot masaktan, eh di mas naging masaya sana tayo…
Sayang..
Pero pano nga kaya kung nangyari lahat yun? Masyadong
komplikado. Ito na siguro ang loob ni God na mangyari. Ito yung time frame na
dapat, ito na yung lyrics na somewhere down the road our roads are gonna cross
again it doesn’t really matter when….
Wag magmadali sa pagmamahal, kasi dadating din sayo ang time
frame na hinihintay mo…
Kung nasaktan ka noon ok lang, mapapalitan yan ng saya..
Kung mahal mo talaga, hindi mamamatay yung apoy ng
pagmamahal muli itong magliliyab pag nagkita na kayo.. sa tamang oras panahon
pagkakataon sa tamang tao..
Tamang tao na kahit sa una ay mali sayo..
Dahil isang araw darating ang magtatama ng mali, taong
magmamahal sayo ng tototo..
Ngayon.. heto nagliliyab ang pagmamahal namin sa isat isa ni
Marie ikakasal na kami pagkatapos ng isang taon dahil sumakabilang buhay ang
asawa nya..
Heto yung sinasabing destiny… Gagawa ng paraan ang tadhana
kung kayo kayo talaga.. di ba?
Script from Silent 22
Life is a matter of choice pero ang mga choice na pinagpipilian
mo ay dadalhin ka sa tamang sagot kung ano ang nakasulat sa libro. at habang
tumatakbo ang buhay mo huhusgahan ka kung pano ka naging isang tao sa mga
nakasalamuha mo at pano mo binigyan ng kabuluhan ang buhay sa mga desisyon na
gagawin mo.
Magisip ka kaibigan, malalaman mo balang araw na tama ang
mga nangyari sa buhay dahil yung ang kaloob ni God, ganun nya inayos ang buhay
mo at masasagot mo ang mga tanong sa sarili mo.
Tulad ko, ngayon bahagi ako ng mapait na nakaraan nya dahil
talagang nakatadhana kami paghiwalayin para mabigyang daan ang mas makulay na
buhay para saming dalawa.
Kaya kaibigan ko, wag mag alala it’s the Will of “D”
Life is a matter of choice, these choices will lead you to
your answer no matter how wrong it is.
Best wishes… HAPPY
-end
Sabado, Abril 14, 2012
........
Muli kitang binabalaan, hindi to love story at hindi lahat nagtatapos ng masaya….
Nakahiga ako at puro ilaw lang ang aking nakikita, ramdam ko ang basang kalsada at ang dugong dumadaloy sa ulo ko habang binubihat ako ng mga medic papuntang stretcher…. At isa lang nasabi ko sa sarili ko, the moment I stop accepting challenges is the moment my life ends….
At dito nagsisimula ang storya ko….
Ako si aris, ayoko ng magmahal muli dahil sa huli nasasaktan lang tayo at nasasaktan din lang natin ang mahal natin, may mga bagay sa buhay natin na gusto natin pero di natin nakukuha.. mga ayaw natin pero dumadating...
minsan sapat na satin yung nakikita natin sila naaamoy,
pero iba pa din yung nahahawakan natin sila...
gusto natin yung may nahahawakan, nararamadaman.. kaya nga kahit alam nating pumapatak na yung ulan ibubukas pa natin ang palad natin para maramdaman na umuulan na, katulad ng hindi tayo nakukuntento na kumanta lang kasabay ang saliw ng musika habang my kumakanta sa videoke ni aling puring, mas gusto natin hawak ang micropono habang kumakanta.. iba kasi pag hawak mo, my feelings...
ganyan talaga siguro ang pagmamahal, pag natutunan mo mahirap ng kalimutan kahit gusto mo... parang pagbibisikleta, hindi mo na makakalitmutan... kung pilit mong kalimutan matutumba ka lang at masasaktan...
Ayoko na talaga, kasi nasasaktan lang ako at hindi ko maatim ang makasakit pang muli… pero hindi mo naman mapipigilang magmahal lalo na pag nandyan na…. Masaya ako pag kasama si rose tila ang bilis ng oras pagkasama ko sya.. kahit ang tumatakbong oras my bayad… nahiwalay ako sa girlfrend ko at nabaon ako sa kasawian at tanging club lang ang nakita kong kanlungan kung saan nameet ko si rose at nagkakwentuhan ng nakaraan, dumating nalang sa point na kinomfort namin ang isat isa…
Hanggang dumating sa point na niyakap nya ko dahil gumuguhit ulit ang sakit… Ang hirap pero mukhang sa sarili ko nakahanap na ko ng masusumpungan at malalapitan pero ayaw ko dahil makakasakit nanaman ako, ok lang ako masaktan pero sa iba ayaw ko na….
Tinetext ako ni rose, dahil siguro nagustuhan nya na din ako at ako naman pumupunta kung saan namin gusto dahil nageenjoy na kami sa company ng isat isa kahit alam ko kung ano ang trabaho nya…
Lumipas ang 1 buwan patuloy ang aming ginagawa pero bigla kong naisip na hindi ko pa sya halos kilala at pangalan nya lang ang alam ko.
Isang araw tinanong ko siya kung anong apelyido nya, sabi nya secret at bakit gusto kong malaman, sabi ko dahil gusto kong malaman.
Sabi nya, hindi mo na kelangan malaman kuntento na ko na nandyan ka pagkailangan kita sana ikaw din…
Pero di ba nagsisimula ang lahat sa pagtanong ng pangalan? Kahit di importanta sayo, importante sakin…
Sabi nya, wag na.. sabay halik sa pisngi ko…
Hindi nalang ako kumibo at nagusap nalang kami ng ibang bagay ng gabi na yun.. isang gabi muli akong bumalik at sa kasamaan palad may ka table na syang iba…. so ako heto pinapanuod lang sya habang tsinatsansingan sya ng kasama nya at numanakaw ng halik.
Ewan ko, bakit ako nakakaramdam ng selos at ng panghihinayang na dapat ako yung katabi nya… kaya inubos ang isang bucket ng redhorse habang sya di sinasadya nakita nya ko…
Nandito ka pala, bakit di mo sinabi?
Sabi ko nalang, ahmm palipas oras saka kung sabihin ko man, may kasama ka ng iba… ngumiti lang siya at hinalikan ako sa pisngi tapos bumulong hintayin mo ko… at umalis sya…
Ako naman patuloy sa paginom at may tama na, patapos na ang gabi at halos umaga na. ng hilahin ako ni rose palabas at sumakay kami ng taxi…
Pag gising ko, nasa apartment na nya ko at sya tulog….
Naghilamos lang ako at tumabi sa kanya, niyakap ko sya na parang kaming dalawa, naluha nalang ako dahil miss ko na yung pakiramdam na may nahahawakan ung masasabi kong akin… pero nagpalit ako ng pwesto tumabi ako sa kanya at pinagmasdan lang sya… sabi ko sa sarili ko, hindi ako maiinlove sayo dahil ayokong masaktan kahit may nararamdaman na ko….
Naalimpungatan sya, at sabi anong ginagawa mo? Tinitingnan ka, masama ba?
Hindi naman, ganda ba? Sabay balikwas nya at pumikit…
Ngumiti ako at sabi ko, sobra.. ang ganda…
Bigla nalang lumabas sa bibig ang mga katagang to,
Rose, pwede ba kitang tawaging akin kahit ngayon araw lang sagot ko na sweldo mo,,?
Nagising si rose, at sinabing bakit?
Kahit ngayon lang, please? Maluha luha ako sa pagsabi…
At sumagot sya, bigyan mo ko ng rason para umoo…
At ngumiti ako, sabi ko sige… relax ka lang dyan akong bahala…
Bumaba ako sa apartment nya, bumili ng malulutong pagkain at mga kakailanganin sa gagawin ko…
Pinagluto ko sya ng halos pinagsama na ang tanghalian at umagahan, dinala ko sa kanya ang special corned beef with roses and the chocolate na binigay nya skin nung una kami nagkita with matching goodmorning card….
Nagising sya sa amoy ng food at sinabi, familiar sakin tong chocolate na to ah, tinabi ko tlaga yan para sayo, bon appetite…
Kumain sya na nakangiti, sinubuan pa ko…
Iba ang feeling ko this day, at so amazing…
after kumain, sabi ko Tara??
Sabi nya, saan?
Basta kahit saan, ako bahala…
Tapos binato ko sa kanya, yung towel nya… bumangon sya at naligo.. nagbiro pa nga sya sama ka?
Ngumiti ako at umiling, huhugas pa ko ng plato…
At tumawa lang sya….
Pumunta kami sa mall na parang kami, nagkukulitan sweet, na parang automatik nangyayari ang lahat… tawanan, kulitan, ok tong araw na to walang bayad masaya… niyaya ko sya sa labas ng mall umupo kami dun at nanuod ng sunset habang hinahawakan nya ko sa braso at ang ulo nya nasa balikat ko…
Ang ganda sabi nya, sabi ko naman habang sya tinititigan ko, ganda tlaga…
Natapos ang araw, na masaya… na tila bitin pa.. hinatid ko sya sa kanila…
Sabi ko thank you for sharing me this day, sobra..
At inaabot ko na sa kanya ang pera, nakangiti syang kinuha at niyakap ako…
Thank you, binalik nya sa bulsa ko at sinabi nya sakin… Darrel Geronimo..
At umalis sya na nakangiti….
Hindi ako makatulog, iniisip ko sya at iba ang pakiramdam talaga ng may kasama ka nahahawakan… pero sinabi ko naman sa sarili ko hindi pwede…
Dumating na sa point na sinabi na nya na mahal nya ko dahil sa pinaramdam ko sa kanya kung gano sya ka special kahit sa one day lang na yun. Mahal ko na din sya
Sabi ko, magaling lang kami sa simula at masasaktan lang kita sa huli…
Mas madami kami effort sa simula mawawala din, masasaktan lang kita lalo na pag naexpect kana…
Ayaw kong, masakatan ka, ok na sakin yung ganito walang hustle, walang expectation at kung ano ano pa na makaksakit satin…
Sabi nya, di mo ko kayang mahalin dahil sa ginagawa ko??
Kaya kitang mahalin pero ayaw kitang masaktan…
Pero sa ginagawa mo nasasaktan na ko, mahal na kita at ang sakit sakit na…
Biglang BOOOM! Tagos na tagos sakin yung pakiramdam na…
Bigla kong narealize, bakit ka ba dumating sa buhay ko?
At hindi ko alam na ang hindi pagpapramdam sayo na mahal din kita ay nakaksakit….
Bigla nalang akong lumabas ng club na parang wala sa sarili at tumilapon ako ng malayo dahil tinamaan ako ng taxi….
Nakahiga ako at puro ilaw lang ang aking nakikita, ramdam ko ang basang kalsada at ang dugong dumadaloy sa ulo ko habang binubihat ako ng mga medic papuntang stretcher…. At isa lang nasabi ko sa sarili ko, the moment I stop accepting challenges is the moment my life ends….
At hindi dito magtatapos ang challenges…
At dito muling nagsisimula ang storya ko….
Darrel, hindi ko alam kung anong gusto ko sa buhay, hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Una ayaw kitang masaktan at gusto ko lang maramdaman kung pano magmahal ulit para sa sarili ko pero mukhang nagkamali ako…
Mas masakit pala na itago mo yung nararamdaman mo at hindi mo maipadama ito sa taong mahal mo….
Ngayon handa na kitang mahalin ng buo, handa na kong iparamdam sayo na mahal kita, hindi lang sa isang araw, kundi sa araw araw na gusto mo…
Handa na kong masaktan muli at magmahal ng buo, kung papayagan mo na kasama kita sa araw araw na yun….
Aris, Hindi ko alam kung anong rason ni God kung bakit ka dumating sa buhay ko, pero handa akong talikuran ang nakaraan ko para sayo.
Oo, kahit araw araw akong masaktan basta ikaw kasama ko…
I LOVE YOU….. ILOVE YOU….
Flat Line ------------------------------------------------------------------------------------
Heaven……
Holding Hands…. Embrace each other…..
Something more important than what you desire is likely to be rolling around over there, so keep rolling don’t hold your self… To be happy you need to sad to know the difference of the two…
Hindi mo alam kung pano maging masaya kung hindi mo alam kung pano maging malungkot at kelangan mong tanggapin na mahina ka para malaman mong malakas ka…..
Pasensya na magulo at mababaw ang storya, iba pag pilit mong pinipiga ang utak mo pero wala talga…
Pa comment nalang po… salamat…
Sabado, Marso 31, 2012
Liitle Bit of Hell 2
Putang inang buhay to! May plano kami ng girl friend ko pero my kaplano na syang iba, ang sakit diba? Umaasa ako na magbabalik ka pero ganito pa, tanga ko pero ang bait ko kasi hinayaan lang kita, kung dun ka masaya… kaya ok na ko… ayoko ng maging hadlang sa kasiyahan mo…
Ako si ken, sawi sa buhay dahil iniwan ng girl friend, may kaya sa buhay, may kotse, nakapagtapos ng nursing may trabaho… may pangarap… naghahanap ng true love, malalim… mahilig sa love story pero madalas iniiwan ng girl friend kasi nakahanap na ko ng iba… masama ako sa masama pero hindi ko alam kung hanggang saan… fuck you!!
Busy ako lagi sa work, bahay work at babae lang bisyo ko minsan inom kasama barkada hindi naman ako gwapo, bolero lang siguro at malakas appeal pero nadadala lang din siguro ng kotse ko…
Nurse ako, galing province at nakipagsapalaran kami sa manila at nagclick busness ng magulang ko kaya nagkakaya kami.. working for extra money din, medyo may angas kaya may nakakabangga…
Lagay dito lagay doon, mahirap makipagsapalaran… nakukuha at nabibili ko gusto ko… isa lang hindi true love… wala nga sigurong forever… pero ok lang… darating din siguro yun.. hintayin ko nalang.. Bahala na…
May darating na girl may aalis my darating, may iiwan ako…ganun lang inom dito… minsan nagpapabusog ng mata.. club… basketball, work tapos hanap ng magagawa….
Dumating yung isang araw na akala ko true love ko na, hindi papala, madami ng kaming plano… future stable at sya na talaga for me.. gusto nya magabroad pero nung nandito sya parang magasawa na kami, kulang nalang papel, know na ng parents ko kasama na sa dinner at everyting pero pagdating sa dubai biglang wala na… nalaman ko nalang my iba na… puta!! Wala nalang akong sinabi, may mga bagay na kahit hawak mo na nanjan na.. nawawala pa sayo… hayssss
Karma siguro sakin to, kasi iniiwan ko din naman iba kong girl, gumanti ang panahon, pero ang sakit, tagos tagusin,, knowing na may plans na kami pero OUUUCCH!!! Talaga… nakakasalubong ako ng magsyota sinasabihan ko walang forever magbebreak din kayo!!
Dumating yung time na magpapakamatay na ko pero
Nagdrugs nalng ako, yosi, bisyo araw araw… winasak ko sarili ko sabog nagtatrabaho nakapatay ako ng pasyente sa kapabayaan… yari, pero mayaman lusot…
Sinama ako ng kaibigan ko sa club to maiba naman, manyak dito nuod ng pabango sa mata….
Uwi ng umaga na sabog! Lustay ang buhay ko, walang direksyon, namimis ko ung gago kong syota pero…
Isang araw, hinimatay ako, at dinala daw ako sa hospital
Alcohol intoxication, buti nalang nahabol muntik na daw ako mamatay pero may isang bagay pang natuklasan, lung cancer… confirm with biopsy… chemo therapy ilang months…
Nawawalan na ko gana sa buhay, wla ng kwenta… tinaningan na ko ng 3 years pero wasak pa din… mamatay na din naman ako sulitin ko na, ganun din naman… pero isang araw nakaupo ako sa waiting area ng chemo room, nang may lumapit sakin na matanda…
Ilang taon ang tanong nya, sabi ko Ho??
Ilang taon ka nalang mabubuhay, sumagot ako 3 years daw po…
Sabay sabi nya, mahaba pa yan, ako kahit 2 years pero baka bukas mamatay nako kasi matanda na ko, wala na kong magagawa.. kung wala tong mga anak at apo ko…
Marami ka pang magagawa hindi pa huli ang lahat kung may bagay ka pang dapat ayusin ayusin mo na.. pero wag mong biglain kaibigan… sabay alis ng matanda… napaisip ako ako, at tama nga naman,, di pa huli ang lahat… tinwag na ko at tinanong ko sa doctor ko, doc kung di ako magpapachemot gano pa ko katagal? Mga 2 years.. sabay alis ako….
Buong maghapon nasa rooftop ako ng bahay nagpapahangin nagiisip, ang sarap mabuhay pero mamatay na ko, I have to start living before I start dying…
Tinawagan ko tropa ko, tol may alam ka bang pamparelax? Sabi nya oo, sabi ko tara ako bahala…
To see and surprise me, dinala nya ko sa massage parlor, nagreklamo pa ko sabi ko bakit dun, sumagot sya… wag ka ng choosy, nakakarelax massage diba?
Sabi ko oo, sabi nya e di tara na…
Kaya ayun, nagbayad kami at pinapili kami ng masahista… pasok kami sa kwarto, iba pakiramdam ko… hindi ko alam di naman ako lamigin pero nilalamig ako, first time ko magpamasahe kaya di ko lam gagawin, kaya nakaupo lang ako sa kama na nilalamig,
Dumating na masahista ko…. Sabi nya sir, ok lang po kayo? Nilalamig kayo..
Ok lang sagot ko, tapos sbi nya shower na po kayo,
Sabi ko pwede ba hindi na nilalamig talaga ko eh, sabi nya sige po hugas lang po kayo…
Natatawa ata sakin masahista kasi di ko talaga alam gagawin, pero minasahe nya nako na tipo inisa isa nya gagawin ko, relaxing nga naman, kaya sabi ko ayos to.. biglang may tinanong sakin yung masahista…
Kung masage lang ba, sabi ko may iba pa ba?
Extra service po… sagot nya…
Tapos parang naiinis na ata sakin, ayun may ginawa syan kagilagilalas…
Nagulat ako at,
Tumayo si manoy!!
Habang nasa ibabaw sya at ginagawa, ang dami kong naiisip, dami kong narealize, bakit nya ginagawa to, dahil sa hirap ng buhay habang ako naglulustay ng pera…
Pero tinitigan ko lang sya, nakita ko sa mga mukha nya na ayaw na nya, wala lang syang choice….
Inisip ko nalang, masarap sigurong magbago kung may kasama ako sa pagbabago…
Hinawakan ko sya na parang akin, banayad tiningnan ko sya na parang sya lang ang babae sa mundo at ginawa ko ng maingat ang mainit na gabi…
Kinausap ko sya pagkatapos namin, nagbihis ako nagshower sya…
Kinausap ko sya ng masinsinan na, pinaramdam ko sa kanya na hindi sya iba, na babae sya na buo. Sincere ako….
Wala akong ginawa sa gabing yon, kundi titigan sya, at sinabi ko sa sarili ko.. isasama kita sa pagbabago na gagawin ko…
Kinuha nya number ko at ako din… pagkatapos nun, hindi ko alam pero parang yung sarili ko nagsasabi kung anong dapat gawin automatik…
Bago kami umalis nyakap ko sya at hinalikan na tila, hindi na kami magkikita at sya lang… hindi ko pinaramdam na iba sya..
Hangang… nagtextan na kami….
Hanggang, nakita ko nalang sarii ko na kasama ko sya sa labas, sabay kami nagbabago kasabay ng paglala ng sakit ko na hindi nya alam…
Nagsimula kami tilungan ko sya, nagkaroon kami ng bahay at anak… nagkaroon ng negosyo, pinaramdam ko sa kanya yung mga bagay na nawala sa kanya sa loob ng maraming taon, gumawa kami ng ala ala na masasaya bago, at ginawa naming makabuluhan buhay namin… Masaya ko, dahil sa buhay natin may magtatama talaga ng lahat, mga bagay na sobrang mali pero kahit ano pa may turning point talaga.. ngayon ko masasabi sa sarili ko na may true love talaga.. totoo!
Destiny…. Meant to be…
Pero hindi na ko magtatagal, may mga times bigla nalang akong nawawala dahil, ayaw kong makita nya na nahihirapan ako at naadmit ako ng mabilis dahil malala na,
Pero bago mahuli lahat, gumawa ako ng sulat na mababasa ni kim, sa oras na matapos na buhay ko…
Dear Kim,
Salamat sayo, salamat at nalaman ko na kaya ko papala, na kaya ko pang magkadireksyon ang buhay ko. Sorry kung hindi ko sinabi sayo, sorry naging maramot ako.
Gusto ko lang malaman mo na, may tao pang handang magmahal sayo hindi ka sasaktan yung magtatama ng mali at magbibigay ng importansya sayo…
Sorry kung minsan nawawala ako ng walang paalam…
Pero hindi na mahalaga, ang mahalaga nakapagbago ako ng isang buhay ng tao, masama din ako tulad mo mas masama marami akong, sinaktang babae, may pinatay pa ako, hindi ako typical na tao, demonyo ako dati.. pero gusto kong mag bago simula ng nalaman ko na may taning na buhay ko..
Lung cancer, nang malaman ko, marami akong tinulungan at 2 taon nalang daw tatagal buhay ko…
Naisip ko na kelangan ko ng magbago at dapat sa pagbabago ko may mabago din akong buhay kasama ko, bago man ako mawala… Sorry kim, hindi ko sinabi…
Alam ko namang kaya mo, lahat nga kinaya mo, heto pa kaya…
Alam ko iiyak ka pero salamat, at nakinig ka sakin at nalaman ko na kaya kong magbago at makapagbago ng isa pang tao dahil gusto ko at malinis ang hangarin ko…
Feeling ko, hindi na ko masama at may nagawa akong tama sa buhay ko at di ko magagawa ito kung hindi ikaw kasama ko, kahit hindi na ko mapunta sa langit basta alam ko sa sarili ko may ginawa akong tama at masaya ako dun…
Hindi ko pinagsisihihan ang mga mali ko, dahil kung hindi dun di ko maitatama ang mga mali ko…
Salamat sayo..
Hindi ko maiimagine ang buhay ko na umayos kung hindi dahil sayo…
Kahit di ko nasasabi sayo ng madalas…
Mahal kita at hindi kita makakalimutan…
PS:
Kung may bagay man akong uulitin o sisimulan sa buhay ko, un ay ung araw na nagkakilala tayo…
Pagkatapos ng lahat na nangyari, kaw parin poprotektahan ko…
Mahal kita …
Kenneth
THE END :’C
Miyerkules, Marso 21, 2012
Liitle Bit of Hell
Ang susunod na mababasa nyo ay kailangan ng gabay at patnubay ng magulang…
Kung babae ka, binabalaan na kita…
baka di mo kayanin…
at humihingi na ko sa simula palang ng paumanhin……
at humihingi na ko sa simula palang ng paumanhin……
Rated 21…
Ako si kim, isang typical na babae na lumaki sa probinsya katulad mo marami akong pangarap na gustong marating, makatulong sa nagpalaki sakin, lumaki na maayos, hopeless romantik.
Sakto lang ang ganda, Mapagmahal..
Matyaga…
Dating single na katulad mo…
Naniniwala din ako sa true love pero hindi na ngayon!!
Dahil sa isang lalaki na sumira lahat ng pangarap ko, akala ko sya na pero hindi papala… minsan kahit hawak mo na yung isang bagay hindi papala siguradong sayo, kahit bagay na binili mo di rin nagtatagal kundi nauubos, nanakaw ng iba..
Hay buhay nga naman napaka unfair, dami ko ng pinagdaanan pero kahit ganun di ko parin pala kayang masaktan lalo na pag puso na ang pinaguusapan…
Wala ka ng magulang na matakbuhan, hahanapin mo pa sarili mo dahil sa nangyari…
Wag na wag kang maniniwala sa mga lalakeng nangangako lalo na masaya, sa unang lang naman yan magaling pag nakuha na nila gusto nila.. wala na, istsapwere ka na… tapos sasabihin nila hindi naman, wag lahatin… bobola bolahin ka, kung ano anong etsus sasabihin sayo.. sakyan mo nalang sa huli tayo padin talo… ngayon kahit panget tingnan, tayo na ang mangloloko…
Hayop sila!
Tama naman ako, diba?
Walang forever at oo bitter pa din ako sa pagiwan sakin ng mahal ko kahit ibinigay ko lahat para sa kanya.. lahat, time, puso, pagmamahal pati sarili ko pero ginago lang ako…..
Nagaral din ako tulad mo, nagtry ng drugs, uminom dahill wala na nga akong mga magulang… pumapasa lang sa mga scholarship kaya nakakapag-aral… nakatira ako sa tiyahin ko, part time job sa gabi para may pang allowance man lang kahit pano… pag dating sa school tulog kasi puyat… irregular student na ko nyan ah…. Nag Nurse din ako, pero hindi ko natapos alam mo kung bakit?
Napagod na ko, kawawa na sarili ko, receptionist ako sa isang resto, tapos gulo gulo na buhay dahil wala na kong pakinabang sabi ng tita ko palibasa babaero asawa nya, sakin binubunton ang galit… Di na ko nakatiis lumayas na ko, sakto naman may boyfrend ako nung time na yun, kung saan kinupkop ako at tinulungan binigay ko lahat dahil sa patulong nya… para na nya kong asawa pinagsilbihan pero tang ina! Lolokohin lang pala ko, wag nyo ng alamin ang dahilan dahil ginamit lang nya ko.. typical na ginagawa nila, may babae!! Tangina!!
Layas ako! Parang wala ako sa sarili, wala akong matawag na sariling bahay.. ang sakit!!!
Natry kong matulog sa bangketa…! Dahil walang wala!! Umiiyak ako, basag! Natry ko ding magrugby..
Pero kelangan nating mabuhay, kelangan nating ayusin ang sarili natin kahit wasak na wasak na kalooban mo, kelangan eh… may obligasyon ka sa sarili mo na ayusin mo buhay mo… sa huli ako pa din naman kawawa… pumunta ako sa ukay ukay bumili ng maayos na damit.. naligo sa mga liguang may bayad… nagpalaundry… try ko magaaply sa Jolibee o sa mga fast food chain.. natanggap ako sa Jolibee, kaya nakapag simula ulit, nakapagupa ako ng bahay kelangang magtipid budget budget, wala munang barkada….
May nanligaw sakin kaya medyo gumaan sa gastos, nililibre nya kasi ako.. pero this time di ako seryoso para lang makatipid ako at pare parehas lang naman sila… lolokohin ako sa huli ako lang kawawa… minahal ko naman sya kahit papano kasi pursigido… pero iniwan ko parin pagkatapos.. kasi tapos nadin ako sa jolibee…
Minsan sa pagmamahal kelangan magaling ka, magpahinga ka din para di ka masaktan…
Tayo din naman kawawa sa huli…
Hanap ako ng trabaho ulit, bumalik ako sa resto ko dati.. sakto naman pumayag na maging receptionist ulit ako.. pero minsan di natin maiwasan na maghangad ng mas higit sa buhay natin yung tipong… mataas na masasabi mong kahit sapat my sobra pa….
Pinasok ko ang trabahong receptionist, pero pinalitan ko bilang masahista, nag aral ako… Nag aral akong magmasahe… gabi ang trabaho kaya pukpukan… Isa na kong masahista ngayon na tumatanngap ng Extra service… Kung ano yung extra? Malalaman nyo…
Ginawa ko to dahil sa hirap, dahil gusto ko at dahil kelangan ko na din, na pagkatapos ng masahe, binibigay ko ang katawan ko para sa mga taong hayok sa laman na may kauukulang bayad…
Tama!! Dito nakakabili ako ng gusto ko…
Umuuwi ako na nakangiti dahil malaki kita ko… dumating na sa point na ako na nagaalok sa kanila pagkatapos ng masahe dahil ok ang kita… 5 to 8k kada gabi… Ayaw mo?
Syempre ayaw mo dahil, babae ka at ako, at pano ang dignidad natin tama?
Pero bakit malamang ang tanong mo… walang choice eh, kelangan kumita hindi ko naman to makikita sa pa jolibee o SM o mga kiosk.. maliban nalng kung sindikato siguro ako…
Dumating sa point na, hinahanap ko na, ng katawan ko dahil nakasanayan na… pero umiiyak din ako minsan dahil naisip ko, kung may magulang lang sana ako siguro hindi ako naging ganito.. kung napatnubayan ako, sana ok buhay ko… kung matatag gobyerno natin sana ok lahat, kung nakatapos man ako ng nursing isa rin naman ako sa walang work siguro… kung sana lang…. pero di ko naman masisisi nangyari, nangyari na kasi saka gusto ko narin…
Buhay ako, at nakakatulong kahit pano sa mga kamag anak sa probinsya kahit lingid sa kaalaman nila ang trabaho ko… Maswerte rin, may mga matatandang mayaman na nagbibigay ng tip namalalaki at regalo… pero minsan kulang nalang gawin kang basahan na para lang nirereyp na tipong walang kwenta kami sa mundong ito.. pamparauusan ng malilibog na lalaki…
Buhay…… iiyak ka nalang pero talo padin ako… kaya dapat matibay dapat walang nararamdaman….
Isang madaling araw, typical na madaling araw, my naging guest ako para imasahe…
Pagpasok ko, giniginaw sya sa kwarto hindi ko alam kung matatawa ako o hindi pero pinigilan ko tawa ko, at tinanong ko kung ok lang sya… ok lang naman daw sya giniginaw lang daw…
Sabi ko nalang, first time nyo po ba? Sabi nya lang oo, pero giniginaw padin…
Shower na po kayo saka hubarin nyo po suot nya para ready na kayo sa massage…
Talaga? Ganun ba yun? Pwede bang hindi na ko magshower malamig talaga eh…
Nakangiting sabi ko nalang na sige, hugas nalang po kayo…
Ready na kami, minamasage ko na sya pero giniginaw pa din sya… matatapos na kong magmasage kaya tinanong ko na sya…
Sir, massage lang po ba?
Sabi nya, oo, may iba pa ba?
Nagtaka ko, at napagtanto na first time talaga nito at sinama lang talaga sya… Sabi ko nalang, merun po extra service, at hindi nya alam yun at tinanong nya pa sakin kung ano yun…
Ginawa ko, ginawa ko nalang sa kanya yung extra para malaman nya, kitang kita sa mukha nya pagkagulat sa ginawa ko, nawala din ginaw nya…
Pero sa gabing yun, heto ang di ko malilimutan habang nangyayari yun….
Feeling ko nasa ibang mundo ako, iba sya sa lahat ng minasahe at naextra ko… feeling ko girl friend nya ko, kung pano nya ko hawakan lalo na titigan, naramdaman ko sa kanya ung pakiramdam na, babae ako at dapat hawakan ng dahan dahan… iba.. iba talaga…
He looked at me as if im special and im not this type of girl….
Iba sya kung tumingin, tahimik lang ako hanggang matapos kami… nagbihis na sya..
Tapos humiga at tinitigan lang ako, saka sabi nya… ok ka lang ba?
Sabi ko ok lang ako, at nag shower na ko, pag labas ko nagbihis ako, tahimik lang sya tapos sabi nya halika dito sa tabi ko, higa ka….
Wala akong kaalam alam, bumalik lang ako sa ulirat ko ng tanungin nya ko.
Alam ko kung bakit mo to ginagawa.. pero wala ka bang balak kumawala?
Nasanay na ko, saka ito lang alam kong gawin kasi, maganda kita.. ayun…
Hinalikan nya ko sa labi, na banayad iba talaga sa pakiramdam at sabi nya…
Malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali, may oras ka pa para gawin, ung alam mong tama para sa buhay mo… hindi pa huli ang lahat…
Kung gusto mo tutulungan kita…
Tila sinampal ako ng pagkakataon, at narealize ko sa sarili ko… oo nga…
Anu pa bang ginagawa ko dito…
Pero tumahimik lang ako at di nagsalita…
Tapos sabi nya… sige higa ka lang pahinga ka lang, mahaba pa gabi mo… para may lakas ka…
Biglang nakita ko nalang sarili ko habang nakahiga, tinatanong ko sya, tungkol sa kanya pangalan nya edad, at kung ano ano pa… Niyakap ko sya na kahit ganun para na kaming matagal magkakilala…
sayang tapos na oras nag ring na ang bell….
Kaya ako na ung kumuha ng number nya, at sya rin…
Lumabas na kami na room pero bumalik sya at tinawag nya ko…
sabi nya may nakalimutan ako…
Niyakap nya ko ng mahigpit, at hinalikan na tila parang boyfrend na nagpapaalam sa grilfrend na matagal di magkikita….
Sa end, umalis sila at ako balik sa kwarto nagiisip…. Tinamaan ata ako….
Balik ng balik sa isip ko ung sinabi nya at yung mga mata na nakatingin sakin…..
Hanggang nakatulog nalang ako…………….
Pag ka gising ko, may text sya…
“Good night and Good Morning Kim” J
-Ken
Napangiti nalang ako, at bumalik sa scene kung saan feeling ko ibang tao ako, sabi nya tutulungan nya ko pero nagdadalawang isip pa din ako.. pero tama naman talaga sya…
Pero pano ko sisimulan, un ang tanong ako sa sarili ko…
Nagulat ako sa tx nya tila parang alam nya kung ano ang iniisip ko, heto….
Malamang tanong mo sa sarili mo pano ka magsisimula, simulan mong ihakbang palabas jan ang mga paa mo at lumayo ka kung saan makakapagisip ka ng walang hadlang… unti unti wag mong biglain…
Isipin mo… tutulungan kita.. – ken
At ginawa ko nga, unti unti kong inalis sa sistema ko ang gawain yon, pa absent absent hanggang isang araw di na ko pumasok, bumalik probinsya ako kasama si ken, kung saan nahulog na loob ko sa kanya, siya ang dahilan kung bakit bumalik ako sa kung anong normal na buhay ko merun ako…
Nakatira ako na ko ngayon sa kamag anak ko pero nagpapatayo ng sariling maliit na bahay nagstart ng parlor at tindahan sa naipon ko, tinulungan ako ni Ken, ngayon ako naniniwala na dapat di tayo mapagod magmahal magpahinga lang tayo, dahil kung di tayo magmamahal di natin malalaman kung sino talaga para satin…
Masaya ako ngayon, kahit may malagim at di ako katangap tangap na nakaraan, tinanggap ako ni ken ng buo, kaya mas minahal ko sya doon.. nagkaroon kami ng isang anak sa isang taon at kalahati ang daming nangyari wala akong sumbat na narinig at naramdaman ko kung panong maging babae at taong may dignidad muli… mahal na mahal ko si ken, at sya rin sakin… madami kaming ginawa, memorable lahat, naiiyak nalang ako minsan sa tuwa, minsan sinasampal sarili ko kung totoo nga ba ito…
Hindi sila lahat pare pareho, kung nasaktan ka man, nangyari yun para maging matatag ka para kayanin mo kung merun pang dadating na mananakit sayo… its all worth the pain and sacrifices after all… ngayon masasabi kong panalo na ko, di na talo…
hanggang sa…………
…………………
Dear Kim,
Salamat sayo, salamat at nalaman ko na kaya ko papala, na kaya ko pang magkadireksyon ang buhay ko. Sorry kung hindi ko sinabi sayo, sorry naging maramot ako.
Gusto ko lang malaman mo na, may tao pang handang magmahal sayo hindi ka sasaktan yung magtatama ng mali at magbibigay ng importansya sayo…
Sorry kung minsan nawawala ako ng walang paalam…
Pero hindi na mahalaga, ang mahalaga nakapagbago ako ng isang buhay ng tao, masama din ako tulad mo mas, masama marami akong, sinaktang babae, may napatay pa ako, hindi ako typical na tao, demonyo ako dati.. pero gusto kong mag bago simula ng nalaman ko na may taning na buhay ko..
Lung cancer, nang malaman ko, marami akong tinulungan at 2 taon nalang daw tatagal buhay ko…
Naisip ko na kelangan ko ng magbago at dapat sa pagbabago ko may mabago din akong buhay kasama ko, bago man ako mawala… Sorry kim, hindi ko sinabi…
Alam ko namang kaya mo, lahat nga kinaya mo, heto pa kaya…
Alam ko iiyak ka pero salamat, at nakinig ka sakin at nalaman ko na kaya kong magbago at makapagbago ng isa pang tao dahil gusto ko at malinis ang hangarin ko…
Feeling ko, hindi na ko masama at may nagawa akong tama sa buhay ko at di ko magagawa ito kung hindi ikaw kasama ko, kahit hindi na ko mapunta sa langit basta alam ko sa sarili ko may ginawa akong tama at masaya ako dun…
Hindi ko pinagsisihihan ang mga mali ko, dahil kung hindi dun di ko maitatama ang mga mali ko…
Salamat sayo..
Hindi ko maiimagine ang buhay ko na umayos kung hindi dahil sayo…
Kahit di ko nasasabi sayo ng madalas…
Mahal kita at hindi kita makakalimutan…
PS:
Kung may bagay man akong uulitin o sisimulan sa buhay ko, un ay ung araw na nagkakilala tayo…
Pagkatapos ng lahat na nangyari, kaw parin poprotektahan ko…
Mahal kita …
-Kenneth
THE END :’C
Huwebes, Pebrero 23, 2012
IN TIME
Wala akong kwentang boyfriend, kuripot daw ako…
di ko siyang kayang ipagmalaki..
Wala akong alam, at wala akong ginagawa…
Para sayo, galing sakin…
Pero para sayo to pare…
Isa syang banayad na kahoy na inaagos sa dalampasigan dala ng alon…
Malumanay, makinis at madaling hawakan….
Pero may mga dapat kang tandaan pag sinimula mo na syang mahalin at commited na kayo sa isat isa….
Una, hindi sya yung tipo ng babae na showy kelangan mo pang turuan pero pag napalagay na sya wala ka ng probleme… Mas matamis pa sya sa asukal na maiimagine mo…
Pangalawa, samahan mo sya sa trip nya, gustong gusto nya ang nagpipicture sa ibat ibang angulo… at wag na wag mong papansinin ang tumutubo nyang tigyawat kundi magagalit yan sayo o magtatampo..
Masarap yang tumawa, maasikaso pang wife material pero wag mong iexpect na magaling na sya sa pagluluto pero nagaaral sya para kung kanino man, dati para sakin…
Siguraduhin mong marami kang baong joke o panunuyo pag kumakain na kayo, isama mo na ang espasyo sa iyong tyan dahil sa hina nyang kumain kelangan mo pang kumbinsihing ubusin nya ang pagkain nya na parang baby.. baby ko yan dati eh.. o kung hindi naman ikaw ang uubos…
Huwag kang magalit habaan mo pisi mo dahil the more na sinasabihan mo yan, hindi nya sinusunod mahilig yan magsuot ng maiikli na short kaya ok lang.. dapat masanay kana…
Hindi ko alam kung ok sa inyo pero gusto nya sya nagbabayad sa pamasahe pagkatapos nun kaw na bahala sa kanya…
dapat matibay ka, matibay ang paa mo sa lakaran dahil, pag nagwiwindow shopping sya, kasi lahat titinganan nya at dapat may extra kang dala, dahil maglalambing at maglalambing yan pag may nagustuhan.. samahan mo siyang magsukat at pagnagustuhan na nya, tinggnan mo yung presyo pagmahal sabihin mo panget kahit maganda pero tatawa yan…
dapat matibay ka, matibay ang paa mo sa lakaran dahil, pag nagwiwindow shopping sya, kasi lahat titinganan nya at dapat may extra kang dala, dahil maglalambing at maglalambing yan pag may nagustuhan.. samahan mo siyang magsukat at pagnagustuhan na nya, tinggnan mo yung presyo pagmahal sabihin mo panget kahit maganda pero tatawa yan…
Wag mo ding kalimutan na mahilig yang bumili ng cute na mga ballpen, kaya dapat magaling ka din pumili… Higit sa lahat, wag mong kalimutan yung Amira, dahil gusto nya yun para sa makinis nyang mukha…
Pwede na kayong kumain pagkatapos pero baka mapadaan kayo sa lotto outlet gusto nyang magscratch kaya pagbigyan mo, siguraduhin mo lang na mananalo kayo dahil kahit 20 pesos lang napanalunan nyo parang jackpot na ang tama..
Subukan mong hanapin ang kiliti nya at ang peak ng tawa nya, masarap tumawa yan.. masarap kaakap..
Bumuo ka ng pangarap na nakasentro sa pamilya, dahil gusto nya munang tumulong bago magsettle down..
Wag na wag mong kakalimutan ang mga surprises dahil gustong gusto nya yung ginugulat sya… Kahit di halata…
Minsan my di mo maintindihang mood swing yan, na tipong masisiraan ka na ng ulo para isolve kung anong nangyari… o kaya kanikanina lang ok na ok nayo biglang tatahimik, kelangan maramdaman mo yun kung may mali na… tandaan mo pagtinanong mo siya di sasagot yan o kaya wala ok lang… hanngang maubusan ka na ng pisi…
Alamin mo ang kahinaan nya, kalakasan nya at ayaw nya… titigan mo siya na parang sya pinakamagandang babae sa mundo, wag mong higpitan sa mga kaibigan dahil close sya sa mga boys na tipong ililibre sya ng trip to HK (alam ko iniisip mo, hihigpitan mo sya dahil nakuha mo sya ng kami pa) sya nga pala pagnadepress yan o nagaway kayo, imiinom yan… at sa bawat ayaw nyo tumitigas ang puso nyan…
Hindi sya showy sa mga friends at family lalo na pagpinakilala mo..
tahimik lang siya at komplikado pero sasabihin nya sayo ok lang sya…
tahimik lang siya at komplikado pero sasabihin nya sayo ok lang sya…
Tumatagal sya na nakahiga lang at walang ginagawa kahit dina mag-umagahan, dapat ready ka din mapuyat dahil mahilig yang manuod ng movie as in maraming movie kaya dapat my home entertainmetn kayo, hahaha at pero uunahin nya ang pamily bago ang sarili… understand?
Minsan mapapansin mo madali syang sumuko at bagay bagay, kaya dapat ready kang magmotivate kahit .1 % lang ang pag asa..
Minsan bumabanat yan ng patay na sya kahit buhay pa, syempre magaglit ka pero bahala ka ng sakyan depende sa kung anong gusto mo… Nagtatalukbong ng kumot pag natulog nageenjoy kay papa jack kahit late na matulog… sa kanya tama na ang ilove you, di na kelangang ulit ulitin pa… makukulitan ka dyan minsan if may gusto kang pagawa… maiinis ka na matatawa….
Medyo mahina sya sa direksyon, pero nasanay din… wag mong hayaan lagi syang naka contact lens mas bagay sa kanya nakasalamin… ok?
Yan si baby, simple kung tinggnan pero kung titigan mo nakakalunod, mahirap intindihin pero mamahalin mo….
Ingat ka pala dyan sa baby ko, kasi malakas yan kesa sayo. As in..
At wag na wag mong sisirain tiwala nya…..
Pati narin ang pamagat ng akdang ito, wag mong kakalimutan at lagi merun ka dapat..
Yung title, don’t forget..
Salamat alagaan mo siya…
At ngayon mo sabihin na kuripot ako, walang kwenta walang ginagawa..
masama sinasabihan ka ng walang isip,
dahil habang ginagawa mo yan… pinagmamasdan kita dito sa malayo… nandito ako, dito lang…
masama sinasabihan ka ng walang isip,
dahil habang ginagawa mo yan… pinagmamasdan kita dito sa malayo… nandito ako, dito lang…
Marami pa akong pangarap sayo, marami tayong ay ako nalang pala,
pangarap na naghihintay tuparin..
pangarap na naghihintay tuparin..
Pero ako nalang pala tutupad noon….
Ako nalang wala ng sya…
Ako nalang wala ng sya…
Salamat, nagkulang man ako sa time, nasira ko man tiwala mo dati.. nasasabihan man kita ng di maganda at nasaktan.. at lagi kitang sinasabihan ng “MAG ISIP KA” pero heto ako pinayagan kang umalis at umaasa sa iyong pagbabalik…
Kukunin ko na din ang pagkakataon na to, hindi ka nagisip dahil alam mong tayo bakit biglang may kayo?? Tama?
Masasabi ko, sa lahat ng nangyari, hindi ako ang sumuko at hindi ako ang nangiwan sa kabila ng lahat…
Salamat ulit…
Pakawalan mo ang isang bagay na nakaksakit sayo wag mong hayaan na isang araw sakit nalang ang maramdaman mo….
Kung sa pagmahal mo ngayon nasaktan ka, malay mo sa susunod ikamatay mo na…
Kung nagmahal ka ng iba, ibigay mo na dahil di naman yan magmamahal ng iba kung mahal ka nya…
Ang SAKIT pa din, sapul tumatagos!!
Martes, Pebrero 14, 2012
Number&Music
Bahala ka na dito…. :Pasensya na ngayon lang ako nakabalik......
Kumakanta ka sa dalawang dahilan, ito ay kung malungkot ka at ang isa naman ay kung masaya ka….
Umiikot ang mundo ko sa trabaho at bahay lamang, kung saan mga katrabaho ko lang ang nakikita ko at ang mga kaibigan kong pasyente. Walang ibang chance na ipahinga ang utak ko sa mga paulit ulit na nangyayari sa buhay ko.
Minsan unwine dito sa pamamgitan lamang ng pagwiwindow shoping, pakikipaglaro sa mga bata sa kapitbahay o di kaya pagbisita sa mga kaibigan.
Magisa lang ako dito sa syudad, self supporting at ang mga magulang ko nasa ibang bahagi ng kapuluan na maari ko namang puntahan pero dahil sa pagod ng trabaho, di ko na nagagawa…
Maraming nangyayari sa labas ng mundo ko, na nakikita ko nalang sa balita sa umaga at gabi, minsan sa hating gabi pa. Nasasaulo ko na din ang mga komersyal sa telebisyon dahil sa magdamag itong tumatakbo, di sinasadyang nasusubaybayan ang mga teleserye na kinalaunan ay naikwekwento nadin natin sa mga nagtatanong kung anong nangyari ke ganito o sa bida.
Haayyssss nauumay ka na ba?? Kung anong nabasa mo sa taas ganun ang buhay ko, parang yelo “malamig”. Pirated CD, paulit ulit. ^_^
Pero may mga bahagi din naman ng kwento ko, na ok, tulad ng tawanan habang nakaduty mga nagiimbitang pasyente at mga kulitan.
Dumating din sa punto na nakaktamad na, ayaw ko na, ayaw ko na ding magsulat maraming ginagawa ang bilis ng takbo ng panahon. Hanggang…….
Nagkaroon ako muli ng reason para sumulat nagkaroon ako ng inspirasyon pero hindi galing sa sarili ko kundi sa ibang tao..
At dito nagsimula lahat ng yun, Christmas Party ng aming kumpanya Makulay ang tema ng party at dahil unang beses ko itong pagdalo sa party syempre excited at todo porma..
Ok naman ang party pero ang di ko malilimutan dun yung isang girl na di naman kagandahan pero iba yung dating sakin para akong na stun, na sabi ko sa wakas nakakita din ako ng maganda sa kumpanya pero for me wala lang ok na sakin na alam ko na may crush ako sa loob ng kumpanya di nga lang kami magkadepartment. In short tapos ang storya hanggang dun nalang…
Balik sa trabaho, after a month nagkaroon muli kami ng company gathering kung saan buong company ulit ang kasama, heto na, parang sinasadya isang bus lang kami lahat at ang biyahe sa lupain sa tuktok ng bundok kung saan napapaligiran ka ng mga hamog umaga at hapon, habang nasa biyahe di ko sinasadyang pagmasdan siya na parang bigla nalang BOOOM! May something! Tapos nasabi ko sa mga kasama ko na parang automatic na nangyari, “ganda talaga nya, pakiss nga…! “
Sabay sabi ng katabi ko “sino dyan paps? Si Nikki?
Sabay kinantyawan na ko, pero sa sarili ko, ok na ko.. ok na ko na nakikita ko siya. Ok na yun.
Pero as the 3 days company gathering happens pinapagpatuloy mga kasamahan ko na asarin ako sa kanya. Sakto din at yung mga kasamahan ko ay may mga katext at bumabanat ng pick up line sabay ako din bumabanat pakunwari sa kanya pero hindi naman naririning dahil malayo kami.
Pero ito ang mga higlight – The Awards Night shes stunning with shining blue dress at nakapagpapicture kami sa tulong ng kaibigan na hindi ko naman dinemand SMILE!!
Pangalawa sa circle ng dance floor pinagpareha kami ng bossing ng company dahil trip lang pero hindi sinasadya na kami ang magka partner at ang stunning dito tinanong nya ang name ko SMILE!!
3 sa paguwi namin, pinagtulakan ako ng mga kasamahan ko na kunin ang number at yung iba ay kumantyaw na din.. ginawa ko inabot ko ang phone ko pero HETO, bigo akong kunin hindi nya nilagay sa phone.. ayun SABOG ako, walang nagawa..
Natulog nalang sa biyahe na malungkot emo at kumakanta…
Pero sa pang 4, nagkaroon ulit ng pagkakataon, dahil bumaba yung katabi nya at pinagtulakan nanaman ako na kunin at tabihan sya.. wala me ngawa saka gusto ko din, hahaha.. ginawa ko, tinulak tulak ako hanggang nagkatabi kami… nagusap pero casual we just met at know our names and no number na binigay ulit
Heto ang malaman na binanat ko “Ma’am sira ata yung cellphone ko,
Bakit??
Kasi wala yung number mo.. haha
Pero wala di daw pwede kaya sabi ko, ok lang po. Nice meeting you mam, sabay abot ng kamay ko…. ^_^
No hard feelings im ok, atleast nakatabi ko at nakamayan ko… pero parang may kurot pa din.. haysss…. Masakit din para akong nareject..
Pero after that 3 days heto ang malaman, ayaw mawala sa isip ko at napapakanta ako ng mga kantang pwede sa mga nangyari..
(soundtrack: 3 Araw by parokya ni edgar)
Ang hirap, para tuloy akong tinamaan ulit, pero positive IN LOVE ako pare.
Pero hindi na pwede dahil, taken na sya dahil di binigay number at sa kabila ng masusi kong pag reresearch ng FB nya bigo ako…
Dumaan ang mga araw wala lang, nasa isip ko lang siya… tumtakbo kasabay sa saliw ng mga musikang iniisip ko..
(Pangarap Lang kita soundtrack)
Walang chance na nagkita kami in one month dahil walang rason, di ako pinapapunta ng office, kinakamusta ko nalang sa kolektor na pumupunta samin…
Nagpaparegards ako, wrong sent kunwari sa company pown ng office na hopefully nababasa nya… hahaha hopeless romantic…
Isang araw, di sinasadya siguro nakatadhana na din, na napadaan siya ng aming unit kung saan bumisita sya para sa mga gamot.. haggang tenga ang ngiti ko at umakto lang ako na casual sabay bati, Hi ma’am Nikki, kamusta?? ^_^
Ok lang po sir, check ko lang po storage area ng mga meds.
Ok po ma’am dito po, mailap pa din kayo ma’am kahit sa company phone ah…
Alam ko mga sinesend mo dun ah, (sabay nakangiti)
Hindi parin ba ma’am pwede mahing number nyo?
Hindi pa din, gumagana ba tong thermometer nyo?
Opo ma’am, (tila nug magusap kami parang kami lang nasa unit) magic!
Nagpatugtug ako ng parokya song na sakto samin, mukhang nangingiti sya,,, sabay bumanat na ko. May diin at may utos!
Ma,am, punta tayong sementeryo isama kita!!
Huh? Bakit naman?/
May dadalawin tayo, dalawin natin yung puso kong patay na patay sayo..
Napangiti ko sya, na tila parang kinilig.. sabay sinabi ko na…
Ma,am Nikki, seryoso…
Ok lang kung ayaw mong ibigay sakin yung number mo, pero bigyan mo naman ako ng kahit isang araw para makilala ka, isang araw lang pagktapos nun, exit na ko..
Email o ipatxt mo nlang po sakin kung kelan kayo free… ako na bahala..
Isang araw lang po… Promize and Please… just one..
Kitang kita sa mukha nyang napaisip pero dito nagiba ang ikot ng mundo ko sa susunod na sasabihin nya…
Nakangiti: Sige sa sabado 10am kita tayo sa MOA..
San po dun?
Hmmm Egg, hihintayin kita…
Salamat ma’am… darating ako….
SMIILLLLLLLLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE……….
Sabay paalam nya na aalis na siya….
Ma’am Meryenda muna po,
Sige sir, punta pa kasi akong BFAD pina cover lang talaga ni ma’am lea to..
Yun na ang isa sa masayang araw ko..
Sabado!!
Hindi ako late saktong sakto maaga pa at hinihintay ko siya sa EGG sa moa, at heto na nagsimula ang isang araw ng ayaw ko ng matapos…
Naglakad lang kami, nagkwentuhan ng mga buhay buhay at kung paano kami napunta kung nasaan man kami ngayon…
Tumatawa siya sa mga joke ko at mga banat, may mga rebelasyon akong nalaman… nanuod kami ng sine, dinala ko ko siya sa tabing dagat… nanuod ng fire works at dumating na sa punto na kelangan ng magpaalam…
Haysss ganun talaga…..
Muli kong dinugtungan ang oras na magkasama kami niyaya ko siyang kumain para makapagusap na at ng matapos na kami….
Uwian na… pero bago yun…
Hinawakan ko ang kamay ni ma’am at sinabing ma’am Thank You sa isang araw na to…
Salamat sa kabaitan at ngiti… at ok na po sakin kung wala akong number nyo mahalaga may isang araw ako na tulad nito na mananatili sakin sa habang buhay.
Ngayon ako naman ako tutupad sa sinabi kong promise… Thank You po..
Nakatitig lang ako at siya ay nakangiti at sinabing wala yun…
Thank you din… Sulit naman yung araw at di ako nagkamali na pumunta dito…
SMILLLEEEEE
At we part ways with a wave and smile with our hearts
But I have to keep my promise…. And the day endssss
At that night im thinking of her, wishing masaya siya….
Dala dala ko ang tuwa at ang ibang klaseng pakiramdam at ang pangako ng isang araw lang…
Maya maya
Laking gulat ko may text siya sakin na nagthank you…
___ Thanks for the day im home na…
Youre nice and thoughtful..
Again Thanks…
Save my number… ^_^ nikki
WWWOOOOWWWWWWWW!!! SMILEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
--- to be continued……………………
What do you think will happen next??
Will our this love goes? Or the boy will kept his promise for that one day its over….
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)