Miyerkules, Marso 21, 2012

Liitle Bit of Hell

Ang susunod na mababasa nyo ay kailangan ng gabay at patnubay ng magulang…
Kung babae ka, binabalaan na kita…
baka di mo kayanin…    


at humihingi na ko sa simula palang ng paumanhin……

Rated 21…


Ako si kim, isang typical na babae na lumaki sa probinsya katulad mo marami akong pangarap na gustong marating, makatulong sa nagpalaki sakin, lumaki na maayos, hopeless romantik. 

Sakto lang ang ganda, Mapagmahal..

Matyaga… 

Dating single na katulad mo…

Naniniwala din ako sa true love pero hindi na ngayon!!

Dahil sa isang lalaki na sumira lahat ng pangarap ko, akala ko sya na pero hindi papala… minsan kahit hawak mo na yung isang bagay hindi papala siguradong sayo, kahit bagay na binili mo di rin nagtatagal kundi nauubos, nanakaw ng iba..



Hay buhay nga naman napaka unfair, dami ko ng pinagdaanan pero kahit ganun di ko parin pala kayang masaktan lalo na pag puso na ang pinaguusapan…

Wala ka ng magulang na matakbuhan, hahanapin mo pa sarili mo dahil sa nangyari…



Wag na wag kang maniniwala sa mga lalakeng nangangako lalo na masaya, sa unang lang naman yan magaling pag nakuha na nila gusto nila.. wala na, istsapwere ka na… tapos sasabihin nila hindi naman, wag lahatin… bobola bolahin ka, kung ano anong etsus sasabihin sayo.. sakyan mo nalang sa huli tayo padin talo… ngayon kahit panget tingnan, tayo na ang mangloloko…



Hayop sila!



Tama naman ako, diba?



Walang forever at oo bitter pa din ako sa pagiwan sakin ng mahal ko kahit ibinigay ko lahat para sa kanya.. lahat, time, puso, pagmamahal pati sarili ko pero ginago lang ako…..





Nagaral din ako tulad mo, nagtry ng drugs, uminom dahill wala na nga akong mga magulang… pumapasa lang sa mga scholarship kaya nakakapag-aral… nakatira ako sa tiyahin ko, part time job sa gabi para may pang allowance man lang kahit pano… pag dating sa school tulog kasi puyat… irregular student na ko nyan ah…. Nag Nurse din ako, pero hindi ko natapos alam mo kung bakit?

Napagod na ko, kawawa na sarili ko, receptionist ako sa isang resto, tapos gulo gulo na buhay dahil wala na kong pakinabang sabi ng tita ko palibasa babaero asawa nya, sakin binubunton ang galit… Di na ko nakatiis lumayas na ko, sakto naman may boyfrend ako nung time na yun, kung saan kinupkop ako at tinulungan binigay ko lahat dahil sa patulong nya… para na nya kong asawa pinagsilbihan pero tang ina! Lolokohin lang pala ko, wag nyo ng alamin ang dahilan dahil ginamit lang nya ko.. typical na ginagawa nila, may babae!! Tangina!!





Layas ako! Parang wala ako sa sarili, wala akong matawag na sariling bahay.. ang sakit!!!
Natry kong matulog sa bangketa…! Dahil walang wala!! Umiiyak ako, basag! Natry ko ding magrugby..
Pero kelangan nating mabuhay, kelangan nating ayusin ang sarili natin kahit wasak na wasak na kalooban mo, kelangan eh… may obligasyon ka sa sarili mo na ayusin mo buhay mo… sa huli ako pa din naman kawawa… pumunta ako sa ukay ukay bumili ng maayos na damit.. naligo sa mga liguang may bayad… nagpalaundry… try ko magaaply sa Jolibee o sa mga fast food chain.. natanggap ako sa Jolibee, kaya nakapag simula ulit, nakapagupa ako ng bahay kelangang magtipid budget budget, wala munang barkada….



May nanligaw sakin kaya medyo gumaan sa gastos, nililibre nya kasi ako.. pero this time di ako seryoso para lang makatipid ako at pare parehas lang naman sila… lolokohin ako sa huli ako lang kawawa… minahal ko naman sya kahit papano kasi pursigido… pero iniwan ko parin pagkatapos.. kasi tapos nadin ako sa jolibee…

Minsan sa pagmamahal kelangan magaling ka, magpahinga ka din para di ka masaktan…
Tayo din naman kawawa sa huli…



Hanap ako ng trabaho ulit, bumalik ako sa resto ko dati.. sakto naman pumayag na maging receptionist ulit ako.. pero minsan di natin maiwasan na maghangad ng mas higit sa buhay natin yung tipong… mataas na masasabi mong kahit sapat my sobra pa….





Pinasok ko ang trabahong receptionist, pero pinalitan ko bilang masahista, nag aral ako… Nag aral akong magmasahe… gabi ang trabaho kaya pukpukan… Isa na kong masahista ngayon na tumatanngap ng Extra service… Kung ano yung extra? Malalaman nyo…

Ginawa ko to dahil sa hirap, dahil gusto ko at dahil kelangan ko na din, na pagkatapos ng masahe, binibigay ko ang katawan ko para sa mga taong hayok sa laman na may kauukulang bayad…
Tama!! Dito nakakabili ako ng gusto ko…





Umuuwi ako na nakangiti dahil malaki kita ko… dumating na sa point na ako na nagaalok sa kanila pagkatapos ng masahe dahil ok ang kita… 5 to 8k kada gabi… Ayaw mo?

Syempre ayaw mo dahil, babae ka at ako, at pano ang dignidad natin tama?





Pero bakit malamang ang tanong mo… walang choice eh, kelangan kumita hindi ko naman to makikita sa pa jolibee o SM o mga kiosk.. maliban nalng kung sindikato siguro ako…





Dumating sa point na, hinahanap ko na, ng katawan ko dahil nakasanayan na… pero umiiyak din ako minsan dahil naisip ko, kung may magulang lang sana ako siguro hindi ako naging ganito.. kung napatnubayan ako, sana ok buhay ko… kung matatag gobyerno natin sana ok lahat, kung nakatapos man ako ng nursing isa rin naman ako sa walang work siguro… kung sana lang…. pero di ko naman masisisi nangyari, nangyari na kasi saka gusto ko narin…





Buhay ako, at nakakatulong kahit pano sa mga kamag anak sa probinsya kahit lingid sa kaalaman nila ang trabaho ko… Maswerte rin, may mga matatandang mayaman na nagbibigay ng tip namalalaki at regalo… pero minsan kulang nalang gawin kang basahan na para lang nirereyp na tipong walang kwenta kami sa mundong  ito.. pamparauusan ng malilibog na lalaki…



Buhay…… iiyak ka nalang pero talo padin ako… kaya dapat matibay dapat walang nararamdaman….





Isang madaling araw, typical na madaling araw, my naging guest ako para imasahe…





Pagpasok ko, giniginaw sya sa kwarto hindi ko alam kung matatawa ako o hindi pero pinigilan ko tawa ko, at tinanong ko kung ok lang sya… ok lang naman daw sya giniginaw lang daw…





Sabi ko nalang, first time nyo po ba? Sabi nya lang oo, pero giniginaw padin…



Shower na po kayo saka hubarin nyo po suot nya para ready na kayo sa massage…



Talaga? Ganun ba yun? Pwede bang hindi na ko magshower malamig talaga eh…



Nakangiting sabi ko nalang na sige, hugas nalang po kayo…



Ready na kami, minamasage ko na sya pero giniginaw pa din sya… matatapos na kong magmasage kaya tinanong ko na sya…



Sir, massage lang po ba?



Sabi nya, oo, may iba pa ba?



Nagtaka ko, at napagtanto na first time talaga nito at sinama lang talaga sya… Sabi ko nalang, merun po extra service, at hindi nya alam yun at tinanong nya pa sakin kung ano yun…



Ginawa ko, ginawa ko nalang sa kanya yung extra para malaman nya, kitang kita sa mukha nya pagkagulat sa ginawa ko, nawala din ginaw nya…



Pero sa gabing yun, heto ang di ko malilimutan habang nangyayari yun….



Feeling ko nasa ibang mundo ako, iba sya sa lahat ng minasahe at naextra ko… feeling ko girl friend nya ko, kung pano nya ko hawakan lalo na titigan, naramdaman ko sa kanya ung pakiramdam na, babae ako at dapat hawakan ng dahan dahan… iba.. iba talaga…
He looked at me as if im special and im not this type of girl….
Iba sya kung tumingin, tahimik lang ako hanggang matapos kami… nagbihis na sya..



Tapos humiga at tinitigan lang ako, saka sabi nya… ok ka lang ba?



Sabi ko ok lang ako, at nag shower na ko, pag labas ko nagbihis ako, tahimik lang sya tapos sabi nya halika dito sa tabi ko, higa ka….



Wala akong kaalam alam, bumalik lang ako sa ulirat ko ng tanungin nya ko.
Alam ko kung bakit mo to ginagawa.. pero wala ka bang balak kumawala?
Nasanay na ko, saka ito lang alam kong gawin kasi, maganda kita.. ayun…
Hinalikan nya ko sa labi, na banayad iba talaga sa pakiramdam at sabi nya…



Malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali, may oras ka pa para gawin, ung alam mong tama para sa buhay mo…  hindi pa huli ang lahat…
Kung gusto mo tutulungan kita…



Tila sinampal ako ng pagkakataon, at narealize ko sa sarili ko… oo nga…



Anu pa bang ginagawa ko dito…
Pero tumahimik lang ako at di nagsalita…



Tapos sabi nya… sige higa ka lang pahinga ka lang, mahaba pa gabi mo… para may lakas ka…



Biglang nakita ko nalang sarili ko habang nakahiga, tinatanong ko sya, tungkol sa kanya pangalan nya edad, at kung ano ano pa… Niyakap ko sya na kahit ganun para na kaming matagal magkakilala…
sayang tapos na oras nag ring na ang bell….



Kaya ako na ung kumuha ng number nya, at sya rin…
Lumabas na kami na room pero bumalik sya at tinawag nya ko…



sabi nya may nakalimutan ako…

Niyakap nya ko ng mahigpit, at hinalikan na tila parang boyfrend na nagpapaalam sa grilfrend na matagal di magkikita….



Sa end, umalis sila at ako balik sa kwarto nagiisip…. Tinamaan ata ako….



Balik ng balik sa isip ko ung sinabi nya at yung mga mata na nakatingin sakin…..

Hanggang nakatulog nalang ako…………….




Pag ka gising ko, may text sya…



“Good night and Good Morning Kim” J
-Ken





Napangiti nalang ako, at bumalik sa scene kung saan feeling ko ibang tao ako, sabi nya tutulungan nya ko pero nagdadalawang isip pa din ako.. pero tama naman talaga sya…





Pero pano ko sisimulan, un ang tanong ako sa sarili ko…
Nagulat ako sa tx nya tila parang alam nya kung ano ang iniisip ko, heto….



Malamang tanong mo sa sarili mo pano ka magsisimula, simulan mong ihakbang palabas jan ang mga paa mo at lumayo ka kung saan makakapagisip ka ng walang hadlang… unti unti wag mong biglain…



Isipin mo… tutulungan kita.. – ken




At ginawa ko nga, unti unti kong inalis sa sistema ko ang gawain yon, pa absent absent hanggang isang araw di na ko pumasok, bumalik probinsya ako kasama si ken, kung saan nahulog na loob ko sa kanya, siya ang dahilan kung bakit bumalik ako sa kung anong normal na buhay ko merun ako…





Nakatira ako na ko ngayon sa kamag anak ko pero nagpapatayo ng sariling maliit na bahay nagstart ng parlor at tindahan sa naipon ko, tinulungan ako ni Ken, ngayon ako naniniwala na dapat di tayo mapagod magmahal magpahinga lang tayo, dahil kung di tayo magmamahal di natin malalaman kung sino talaga para satin…





Masaya ako ngayon, kahit may malagim at di ako katangap tangap na nakaraan, tinanggap ako ni ken ng buo, kaya mas minahal ko sya doon.. nagkaroon kami ng isang anak sa isang taon at kalahati ang daming nangyari wala akong sumbat na narinig at naramdaman ko kung panong maging babae at taong may dignidad muli… mahal na mahal ko si ken, at sya rin sakin… madami kaming ginawa, memorable lahat, naiiyak nalang ako minsan sa tuwa, minsan sinasampal sarili ko kung totoo nga ba ito…





Hindi sila lahat pare pareho, kung nasaktan ka man, nangyari yun para maging matatag ka para kayanin mo kung merun pang dadating na mananakit sayo… its all worth the pain and sacrifices after all… ngayon masasabi kong panalo na ko, di na talo…





 hanggang sa…………

…………………











Dear Kim,

Salamat sayo, salamat at nalaman ko na kaya ko papala, na kaya ko pang magkadireksyon ang buhay ko. Sorry kung hindi ko sinabi sayo, sorry naging maramot ako.
Gusto ko lang malaman mo na, may tao pang handang magmahal sayo hindi ka sasaktan yung magtatama ng mali at magbibigay ng importansya sayo…
Sorry kung minsan nawawala ako ng walang paalam… 
Pero hindi na mahalaga, ang mahalaga nakapagbago ako ng isang buhay ng tao, masama din ako tulad mo mas, masama marami akong, sinaktang babae, may napatay pa ako, hindi ako typical na tao, demonyo ako dati.. pero gusto kong mag bago simula ng nalaman ko na may taning na buhay ko..
Lung cancer, nang malaman ko, marami akong tinulungan at 2 taon nalang daw tatagal buhay ko…
Naisip ko na kelangan ko ng magbago at dapat sa pagbabago ko may mabago din akong buhay kasama ko, bago man ako mawala… Sorry kim, hindi ko sinabi…

Alam ko namang kaya mo, lahat nga kinaya mo, heto pa kaya…
Alam ko iiyak ka pero salamat, at nakinig ka sakin at nalaman ko na kaya kong magbago at makapagbago ng isa pang tao dahil gusto ko at malinis ang hangarin ko…

Feeling ko, hindi na ko masama at may nagawa akong tama sa buhay ko at di ko magagawa ito kung hindi ikaw kasama ko, kahit hindi na ko mapunta sa langit basta alam ko sa sarili ko may ginawa akong tama at masaya ako dun…


Hindi ko pinagsisihihan ang mga mali ko, dahil kung hindi dun di ko maitatama ang mga mali ko…

Salamat sayo..

Hindi ko maiimagine ang buhay ko na umayos kung hindi dahil sayo…

Kahit di ko nasasabi sayo ng madalas…

Mahal kita at hindi kita makakalimutan…

PS:

Kung may bagay man akong uulitin o sisimulan sa buhay ko, un ay ung araw na nagkakilala tayo…
Pagkatapos ng lahat na nangyari, kaw parin poprotektahan ko…
Mahal kita …


                                                                          -Kenneth


THE END :’C

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento