Wala akong kwentang boyfriend, kuripot daw ako…
di ko siyang kayang ipagmalaki..
Wala akong alam, at wala akong ginagawa…
Para sayo, galing sakin…
Pero para sayo to pare…
Isa syang banayad na kahoy na inaagos sa dalampasigan dala ng alon…
Malumanay, makinis at madaling hawakan….
Pero may mga dapat kang tandaan pag sinimula mo na syang mahalin at commited na kayo sa isat isa….
Una, hindi sya yung tipo ng babae na showy kelangan mo pang turuan pero pag napalagay na sya wala ka ng probleme… Mas matamis pa sya sa asukal na maiimagine mo…
Pangalawa, samahan mo sya sa trip nya, gustong gusto nya ang nagpipicture sa ibat ibang angulo… at wag na wag mong papansinin ang tumutubo nyang tigyawat kundi magagalit yan sayo o magtatampo..
Masarap yang tumawa, maasikaso pang wife material pero wag mong iexpect na magaling na sya sa pagluluto pero nagaaral sya para kung kanino man, dati para sakin…
Siguraduhin mong marami kang baong joke o panunuyo pag kumakain na kayo, isama mo na ang espasyo sa iyong tyan dahil sa hina nyang kumain kelangan mo pang kumbinsihing ubusin nya ang pagkain nya na parang baby.. baby ko yan dati eh.. o kung hindi naman ikaw ang uubos…
Huwag kang magalit habaan mo pisi mo dahil the more na sinasabihan mo yan, hindi nya sinusunod mahilig yan magsuot ng maiikli na short kaya ok lang.. dapat masanay kana…
Hindi ko alam kung ok sa inyo pero gusto nya sya nagbabayad sa pamasahe pagkatapos nun kaw na bahala sa kanya…
dapat matibay ka, matibay ang paa mo sa lakaran dahil, pag nagwiwindow shopping sya, kasi lahat titinganan nya at dapat may extra kang dala, dahil maglalambing at maglalambing yan pag may nagustuhan.. samahan mo siyang magsukat at pagnagustuhan na nya, tinggnan mo yung presyo pagmahal sabihin mo panget kahit maganda pero tatawa yan…
dapat matibay ka, matibay ang paa mo sa lakaran dahil, pag nagwiwindow shopping sya, kasi lahat titinganan nya at dapat may extra kang dala, dahil maglalambing at maglalambing yan pag may nagustuhan.. samahan mo siyang magsukat at pagnagustuhan na nya, tinggnan mo yung presyo pagmahal sabihin mo panget kahit maganda pero tatawa yan…
Wag mo ding kalimutan na mahilig yang bumili ng cute na mga ballpen, kaya dapat magaling ka din pumili… Higit sa lahat, wag mong kalimutan yung Amira, dahil gusto nya yun para sa makinis nyang mukha…
Pwede na kayong kumain pagkatapos pero baka mapadaan kayo sa lotto outlet gusto nyang magscratch kaya pagbigyan mo, siguraduhin mo lang na mananalo kayo dahil kahit 20 pesos lang napanalunan nyo parang jackpot na ang tama..
Subukan mong hanapin ang kiliti nya at ang peak ng tawa nya, masarap tumawa yan.. masarap kaakap..
Bumuo ka ng pangarap na nakasentro sa pamilya, dahil gusto nya munang tumulong bago magsettle down..
Wag na wag mong kakalimutan ang mga surprises dahil gustong gusto nya yung ginugulat sya… Kahit di halata…
Minsan my di mo maintindihang mood swing yan, na tipong masisiraan ka na ng ulo para isolve kung anong nangyari… o kaya kanikanina lang ok na ok nayo biglang tatahimik, kelangan maramdaman mo yun kung may mali na… tandaan mo pagtinanong mo siya di sasagot yan o kaya wala ok lang… hanngang maubusan ka na ng pisi…
Alamin mo ang kahinaan nya, kalakasan nya at ayaw nya… titigan mo siya na parang sya pinakamagandang babae sa mundo, wag mong higpitan sa mga kaibigan dahil close sya sa mga boys na tipong ililibre sya ng trip to HK (alam ko iniisip mo, hihigpitan mo sya dahil nakuha mo sya ng kami pa) sya nga pala pagnadepress yan o nagaway kayo, imiinom yan… at sa bawat ayaw nyo tumitigas ang puso nyan…
Hindi sya showy sa mga friends at family lalo na pagpinakilala mo..
tahimik lang siya at komplikado pero sasabihin nya sayo ok lang sya…
tahimik lang siya at komplikado pero sasabihin nya sayo ok lang sya…
Tumatagal sya na nakahiga lang at walang ginagawa kahit dina mag-umagahan, dapat ready ka din mapuyat dahil mahilig yang manuod ng movie as in maraming movie kaya dapat my home entertainmetn kayo, hahaha at pero uunahin nya ang pamily bago ang sarili… understand?
Minsan mapapansin mo madali syang sumuko at bagay bagay, kaya dapat ready kang magmotivate kahit .1 % lang ang pag asa..
Minsan bumabanat yan ng patay na sya kahit buhay pa, syempre magaglit ka pero bahala ka ng sakyan depende sa kung anong gusto mo… Nagtatalukbong ng kumot pag natulog nageenjoy kay papa jack kahit late na matulog… sa kanya tama na ang ilove you, di na kelangang ulit ulitin pa… makukulitan ka dyan minsan if may gusto kang pagawa… maiinis ka na matatawa….
Medyo mahina sya sa direksyon, pero nasanay din… wag mong hayaan lagi syang naka contact lens mas bagay sa kanya nakasalamin… ok?
Yan si baby, simple kung tinggnan pero kung titigan mo nakakalunod, mahirap intindihin pero mamahalin mo….
Ingat ka pala dyan sa baby ko, kasi malakas yan kesa sayo. As in..
At wag na wag mong sisirain tiwala nya…..
Pati narin ang pamagat ng akdang ito, wag mong kakalimutan at lagi merun ka dapat..
Yung title, don’t forget..
Salamat alagaan mo siya…
At ngayon mo sabihin na kuripot ako, walang kwenta walang ginagawa..
masama sinasabihan ka ng walang isip,
dahil habang ginagawa mo yan… pinagmamasdan kita dito sa malayo… nandito ako, dito lang…
masama sinasabihan ka ng walang isip,
dahil habang ginagawa mo yan… pinagmamasdan kita dito sa malayo… nandito ako, dito lang…
Marami pa akong pangarap sayo, marami tayong ay ako nalang pala,
pangarap na naghihintay tuparin..
pangarap na naghihintay tuparin..
Pero ako nalang pala tutupad noon….
Ako nalang wala ng sya…
Ako nalang wala ng sya…
Salamat, nagkulang man ako sa time, nasira ko man tiwala mo dati.. nasasabihan man kita ng di maganda at nasaktan.. at lagi kitang sinasabihan ng “MAG ISIP KA” pero heto ako pinayagan kang umalis at umaasa sa iyong pagbabalik…
Kukunin ko na din ang pagkakataon na to, hindi ka nagisip dahil alam mong tayo bakit biglang may kayo?? Tama?
Masasabi ko, sa lahat ng nangyari, hindi ako ang sumuko at hindi ako ang nangiwan sa kabila ng lahat…
Salamat ulit…
Pakawalan mo ang isang bagay na nakaksakit sayo wag mong hayaan na isang araw sakit nalang ang maramdaman mo….
Kung sa pagmahal mo ngayon nasaktan ka, malay mo sa susunod ikamatay mo na…
Kung nagmahal ka ng iba, ibigay mo na dahil di naman yan magmamahal ng iba kung mahal ka nya…
Ang SAKIT pa din, sapul tumatagos!!