Huwebes, Nobyembre 7, 2013

Apple

Madilim ang ilaw, bumubukas namamatay sari saring kulay.
Aninag lang ng mga mukha mga amoy, ibat iba galing sa usok at kung saan pa. 
Nagising nalang ako sa liwanag kung saan litong lito ako sa nangyari.
Bumangon ako agad, naghilamos, at pumasok sa trabaho upang di mahuli.

Lumipas ang aking trabaho na parang kay tagal ng oras hirap na hirap ako dahil sa hangover ng pinuntahang party kagabi.
Pauwi na ko at naisipan kong dumaan sa mall para bumili ng mga gamit sa bahay, nagmamadali ako ng makabanggaan ko ang isang babae papunta sa counter.

Nagkatinginan kami at humingi naman ako ng paumanhin. 
Pinauna ko na sya sa counter ng matapos sya ay tinitingnan ko lamang sya habang naglalakad papalayo pero lumingon ulit ito pabalik at nagtama ang mata naming ng sandali.

Habang naglalakad ako papunta sa king sasakyan ay iniisip ko pa din ang kanyang mukha at parang naaninag ko sa bahagi ng pagiisip ko na kilala ko sya hanggang makauwi ako ng bahay ay naiisip ko.

Nakahiga na ko, pilit paring inaalala ng isip ko ang nangyari at ang girl hanggang nakatulog na ko.
Kinabukasan, pasok nanaman at sakto pagtapos ng trabaho ay tumambay ako with friends sa starbucks, kwentuhan kami ng mga kalokohan at mga nangyari last night. 

Napagkwentuhan kung gaano ako kasabog at pano nila ako hinatid pauwi. 2 weeks palang kasi ng maghiwalay kami ng gf ko at talagang if I drink I drink till the break of dawn nakikingiti lang ako sa kanila ng bigla kong maalala at tinanong sa kanila kung my kilala silang girl na dinescribe ko itsura.

Tinawanan lang nila ako at sinabi kung lasing pa daw ako at kung sino sino naalala ko.

Well, hindi naman ako pinapatahimik ng girl na at haggang pagtulog naaaninag ko ang mukha nya, nagkita na nga ba kami o isa lang sya sa mga nakikita ko sa mga magazine, pwede ding nakasama sya sa inuman ng di ko natatandaan.

Dahil sa pagkasira ng ulo ko, isang Linggo ako nagpabalik balik sa super market sa oras kung kelan kami nagkita pero nabigo ako pero hindi ako sumuko hanggang isang araw pauwi na ko, nakita ko isang may edad babae nahulugan ng mga pinamili nyang grocery sa parking lot at tinulungan ko.

Gayun nalang ang pasasalamat ng matanda at sa gulat ko dumaan sa harap ko, nakasakay sa pulang oto ung babaeng hinahanap ko. 

Nagkatinginan kami muli minadali ko isakay sa sasakyan ang dala ng tinutulungan ko at hinabol ko ung babae.

Hinabol ko at kinakawayan Inabutan ko sya hingal na hingal ako dahil huminto sya, pumunta ako sa harap ng bintana nya habang binababa nya ito.

Tinanong nya ako kung my problema, hindi ako nakapagsalita agad sa hingal inabot ko sa kanya ung mansanas na nakuha ko sa tinulungan kong matanda.

Tinanong lang nya ako kung para san yun, sumenyas lang ako ng sandal at nagpakilala.

At sinabi ko lang na, pwede ba kong sumabay pababa? 

Nagmamadali lang ako, promise mabuti akong tao iiwan ko pa syo ang id ko.

Tiningnan nya lang ako mula ulo hanggang paa at pinasakay.

Nagsalita ako tungkol sa banggaan naming sa grocery, na sya naming naalala nya.

Ipinaliwanag ko naman sa kanya na wala akong hinahabol gusto ko lang sya makausap dahil sa puzzled ako.

Tumutugon naman sya sa mga tanong hanggang umabot na kami sa baba. Huminto na sya at binababa ako sabay hulog ko naman ng ID ko sa sasakyan nya.

Isa lang ang nasabi ko sa kanya, kung nagkitaman tayo kung saan sana magkita tayong muli.

Medyo di na ko bother ngayong gabi dahil atleast narecognize nya ko pero puzzled pa din ako kung saan kami nagmeet at nararamdaman ko na kilala nya ko sa mukha pero di lang sya nagsasalita..

Isang sabado naisip ko na bumalik kung saan kami nanggaling ng barkada ko at nagpagalaman ko na galing kami sa club, bumalik ako dun kinagabihan. 

Nagmasid at nagtanong tanong. 
Ung denedescribe kong girl wala daw pero di naman ako sigurado na sya un pero alam ko kasi dito kami nagtagal at dito ako nalasing. 
Umalis na ako, iniisip ko kung nakita na nya kaya ung ID ko at di pa sya tumatawag.

Biglang paguwi ko ng bahay, nagring ang phone ko. 
Alam kong sya un at sinagot ko kaagad.
Helo nalaglag mo pala ung ID mo sa sasakyan, magkita tayo bukas ng 6am sa mall baka di ka pa makapasok dahil sakin. Bye.

Hindi na ko nakapagsalita at nakipagkita nalang ako sa mall, nagdala ako ng 1 stem rose.

Hi, goodmorning. Gusto mong magkape makabawi man lang ako sa pagsoli ng ID ko?

Sinimangutan nya lang ako pero nung paalis na ang sasakyan nya ay, humarang ako. “Kahit ngayon lang” Please?” sabay pinakita sa kanya yung bulaklak.

Ng ngumiti sya, alam ko na na makakpagkape kami.

Sumakay ka! My pupuntahan tayo!
Agad akong sumakay.

 “mas bagay sayong nakangiti”

Ngumiti lang sya at nagpatuloy sa pagmaneho.

Nagpasalamat ako sa ID, inabot sa kanya ang rose at sya din naming nagpasalamat.
“bakit ka humarang sa harap, eh kung nasagasaan kita?”
Ok lang, alam ko naming di mo gagawin un eh ang aking tugon.

Nagpatuloy ang kwentuhan, hanggang nakapagayan na kami ng loob.

Nagkape kami sa tagaytay ok ang ambiance tuloy ang kwetuhan…

Simula nun, ay halos araw araw na kami nagkikita at marami na kaming alam sa isat isa….

Pero parang may something, isa syang call center agent kaya ang umaga nya ay gabi. Alone leaving with her apartment and sometimes sinusundo ko sya doon pero di pa ko nakakpasok almost 1 month na kami ganito biglang….. dina sya nagparamdam… di na nya sinasagot tawag ko..

Hinintay ko sya minsan, sa bahay nila pero parang di man lang nya ko nakita.. iniiwasan nya ako…
Sawi nanaman ako, bumalik ako sa club na pinuntahan naming laking gulat ko nakapark ako sa tabi ng kotse nya. Tinanong ko ung guard, kung kaninong kotse un, di na ko nagulat sa sinabi nya.

Pumasok ako sa club, at uminom at nanood.
Hinintay kong matapos ang gabi hanggang madaling araw, umupo ako sa tabi ng kotse ko.
Dumating sya, nakatitig lang ako sa kanya at sinabi ko “bakit mo ko iniiwasan”?

Anong ginagawa mo dito? Tugon nya

Hinihintay ka, para magusap

Alam mo ba kung ano talagang trabaho ko?

Hindi mo naman kelangang sabihin skin kung ano, dahil alam ko sa simula palang kung anong trabaho mo. 

Call center?

Alam mo pala bakit nandito ka pa?

Un na nga nandito ako, kasi gusto kong ipaintindi syo na nung araw na nakabangga kita sa grocery ay napuzzled na ko sayo kung sino ka at bakit parang natatandaan kita sa gilid ng utak ko.

Simula noon, di ka na nawala sa isip ko, at hinanap na kita kung saan saan.
Bumalik ako dito para magtanong, at nalaman ko. Muling bumalik sakin yung gabing lasing na lasing ako. 

Pero di ko pwedeng makalimutan na ikaw, ikaw yung Angel na nagpakilala sakin.

At hindi hindi ko makakalimutan ang pangigilid ng luha mo habang hinahalikan ka ng mga kasama ko kaya kita kinuha.

Kaya mo mang magsinungaling sa kung ano ka, kung anong gnagawa mo pero hinding hindi mo mapepeke ang luha sa mga mata mo.

Nandito ako angel, para tanggapin kung sino ka at para alisin ka sa lungkot na ito.

Hindi kita hinusgahan basa sa gingawa mo kundi gusto kitang iligtas dahil gusto kita at minahal na kita sa maikling panahon na nagsama tayo.

“hindi ako ang babae na para sayo” hindi ako….

Hindi natin pinipili ang taong mamahalin natin dahil nararamdaman natin yan, alam ko at naramdaman ko nung araw na humarang ako sa harap ng sasakyan mo para yayain kang magkape. Alam ko na sa mga ngiting yun nakita ko ang pagasa sayo na hinahanap mo.

Kaya kung iniisip mo na, di ka karapatdapat sakin. Halika papatunayan ko sayo na higit pa ko sa lahat ng bagay na tatalikuran mo pag alis mo dito.

Kitang kita ko sa mga mata nya ang luha, lumapit sya sakin at niyakap nya ko ng mahigpit…
Isinakay ko sya sa kanyang sasakyan at pinagmaneho ko sya at dinala ko sya sa manila bay kung saan sabay naming pinagmasdan ang pagsikat ng araw kasabay ng mga pagbabago sa kanya at aming buhay…..


-end




Dekada

          Binigyan ako ng pagkakataon pero sa maling panahon, naibalik ko ang kahapon pero hindi na mababago kung ano yung ngayon. Isang araw lang ang kailangan ko at hihilingin ko at babalik tayo sa nakaraan kung saan di ko nagawa yung mga bagay na gusto ko at inaasahan mo…

Ako si jack, at heto ang aking kwento.
Isa akong successful bussiness man, lugmok sa trabaho puro numero, meeting at kung ano ano pa pero bawat buhay ng tao may hang ups at nagsimulang bumaliktad ang mundo ko ng muli kong makita si caren.
Si caren ay aking highschool crush, top 1 sa list ko. Face of the campus problema lang, ako. Ako kasi yung low class nung highschool, mababa ang self confidence at sino naman ako para magustuhan ng isang campus crush.

Nagbatian kami ni caren, kamustahan at niyaya ko syang magcoffee pumayag naman sya. Binalikan namin ang highschool kung saan masaya, magulo, competitive at naglalaro kami ng baraha. Ung baraha lang naman kasi na yun ang isa paraan para mapalapit ako sa kanya at makatabi at bonding ko sya.
Madami din kaming napagkwentuhan after highschool pero bigla dumating ang dalawang bata at kasama ang asawa nya. Nagpakilalahan at nagkapaalaman.

Umuwi akong malungkot pero kahit pano ok na din dahil nakita ko ulit sya, maganda pa rin sya, ganun pa din boses nya, medyo chubby ng konti pero mukhang wala pa ding makakatalo sa first crush talaga.
Paguwi ko ng bahay nagbukas ako ng fb at hinanap ko sya aking hinalwat ang facebook nya at madami akong nakitang ikinasaya ko at ikinalungkot.

May mga nilike akong picture at naglog out..

Makalipas ang ilang araw muli akong nagbukas at sakto naman birthday nya at binati ko sya..

Nagkakamustahan muli at ito ang mga sumunod na nangyari…

Alam  mo napanaginipan kita kagabi at di lang yun ang unang beses.

Hindi ah, ok na ok ka nga sakin nung high school.

Actually crush nga kita nung 3rd year

Kahit tanungin mo pa sila. Seryoso nung naging kau nga ni banana napaiyak ako.

Ikaw kasi bakit di mo ko niligawan, ikaw lang naman hinihintay ko..

Malay mo tayo parin hanggang ngayon.

Di na mahalaga kung ano ka nung highschool, importante ngayon.

Dina sumagi sa isip ko na mangyayari to, almost 10 years bago ko nasabi.

Salamat sa pagtatanong.

Yung pain kay banana almost a year din.

Di mo naman kelangan maging gwapo para magustuhan ka ng tao. Mabait ka, masaya kasama, simple lang saka mukha ka kasing sweet.

Alam ko kasi di ako yung mga tipo mo.

Sana kasi nagparamdam ka nun, ayaw ko namang mauna magmumukhang cheap.

Nakakainis ka!!

You don’t have to thank me for liking you. You deserve to be like naman tlaga.

Nagtataka nga ako kung bakit till now napapanaginipan pa kita, kahit di naman kita iniisip siguro soul mate kita….

Hiniling ko din na sana isayaw mo ko nung JS pero umasa lang ako.

Masaya ako nakausap kita. Sobra. Di mo alam kung gano mo ko pinasaya.

Sana di mo na ko makalimutan at maging part ako ng life mo.

Oo, hindi. Sasabihin ko sayo harap harapan at yayakapin kita.

Dumating pa sa point na, sana ako nalang. Iaadjust ko ang sarili ko sa kung anong tipo mo.

Sana kung my second life ipromise mo sakin na di mo ko pakakawalan.

Mas mahal kita

Hindi ko alam, para akong binagsakan ng langit binuhusan ng malamig na tubig.
Masaya sobrang saya. Hindi ko maipaliwanag.
Bumalik ang nakaraan sa isang iglap na parang walang nangyari, bulag na kami sa tama sa pagbalik ng nakaraan.

Kung may isang araw ka para balikan ang nakaraan anong gagawin mo????

Ako? Heto..

Hindi man sakto o totoo na maibalik ko ang oras pero 10 years ibabalik ko sa paraang alam ko.

Sisimulan ko to sa paglalaro kasama ka ng baraha…

Bibigyan kita ng bulaklak at yayain kumain sa sinet up kong restorant.

Sa saliw na musika muli kitang isasayaw parang sa JS Prom at di lang kita 4 seconds tititigan.

At higit sa lahat yayakapin kita nang parang wala ng bukas.

Mangyayari to na parang panaginip at pag natapos na ang araw, babalik ako sa realidad na tama at ikaw din.

At mamumutawi sa pusot isipan mo na may isang taong kayang mag time travel sa ngalan ng pagibig.

May sariling time frame nga talaga siguro ang pag ibig, hindi man ako nabigyan noon ng pagkakataon dahil sa kaduwagan ko pero darating talaga ang oras kung saan pagtatagpuin kayo ng panahon sa saktong oras para muling magalab ang apoy na naiwan sa nakaraan. Magliliwanag ito at magbibigay ng kasiyahan ng di mababayaran nino man.

Isang araw para bumalik, isang araw para gawin ang mga bagay na di nagawa.

Isang araw na pagtatama ng mali… at isang araw tatangapin mo sya bilang kasama mo sa buhay dahil kayo talaga ang para sa isat isa kahit ano pa man…

Tinatrabaho ang tunay na pagibig kalakip ang pagtalima sayo ng oras at panahon.

Sabi nga ni bob ong, Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung
tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, hindi

-end