Sabado, Oktubre 29, 2011

Tenth Reincarnation

Helo, pagkatapos ng mahabang pahinga sa kabila ng kapaguran......

Heto ay isang imahinasyon lamang at wala kang dapat ikabigla.

Nanaginip ako bigla kung mamatay ako at mabubuhay muli, gusto ko ang isang taong tulad niya. Isang tao na misteryoso at tila walang pakialam sa mundo, makita mo palang siya ay matatawa kana at sa mga kilos nya panalo sa hagikgik ang tyan mo.

Naiisip mo ba kung sino siya? Sige, heto pa.

Hindi ko alam kung gaano siya kamisteryoso pero, kahit masasabi mong may pagkamahina ang utak nya ay matotouch nya parin ang mga tao na nakakapanuod sa kanya may aral na iiwan at mapapabilib sa pagiisip nya.

Hahaha, kuha muna? Tama….

Siya nga.. si Mr. Bean.. Johnny English, Rowan Atkinson

Siguro hindi ko na kelangang ielaborate pa, dahil sa pangalan palang at ang tao sa likod nito maiintindihan mo na ko. Ok? Hehehehe sabay sabay tayong tumawa. ^_^

Kahit tulog tayo, tumatawa tayo, naranasan mo na? o yung biglang mapasipa at nasipa mo ang pader nyo at nagising ka sobrang sakit pero tulog  ka ulit tapos maya maya may drama na, na nangyayari sa utak mo at sumasabay na din ang pagpatak ng luha mo.

O kaya tila may istorya ka na maganda na tumatakbo sa panaginip mo at ikaw ang nagdidigta sa mga nangyayari ng biglang may kakatok say o at gigisingin ka, at biglang parang bula na mawawala ito at hindi mo na alam ang nangyari.

Tama ba? Nanaginip ka nga!

Pero ang masakit sa lahat ay sa pagbaling mo sa kaliwa o kanan habang nananginip ay bigla kang magka cramps sa sobrang sakit, maluluha at tatawag ka ng tulong at babangon bigla dahil………
………..

…………………………..

Nanaginip ka. Tama nanaginip ka nung bata ka, nasa swimming pool ka, lumalangoy, sumisisid nakikipaglaro at tila gusto mong maranasan ang pag ihi sa pool dahil hindi naman halata pero sa kabila noon ay parang nasa swimming pool ka na din na may falls at bigla kang babangon dahil basa. Oo basa na ang sapin at lumot pati short mo dahil nagkatotoo na ang swimming pool sa kwarto mo.

May mga panaginip para sa lalake, hehe at mga panaginip ng pakikipag away na nagsasalita ka pa… Pag sinabi sayo ng babae, na naghihilik ka pero nanaginip ka. Sabihin mo, hindi ako naghihilik, napanaginipan nga kita. Dahil sabi, ang mga taong naghihilik hindi natatandaan ang panaginip o walang panaginip at all.
Kaya pag nanaginip ka, hindi ka naghihilik. Ok?

Tapos…








GISSSSIINNGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Wahahahahahaha……………….

Hanggang sa muli…….. twing!

Miyerkules, Oktubre 19, 2011

Perfect Nine....

Magandang araw kung nakasikat ang araw at magandang gabi kung buwan ang nakikita mo sa bintana mo…

            Masarap maglakad, at halos kalahati ata ng buhay natin ginugugol natin sa paglalakad at aminin mo man o hindi, masarap maglakad lalo na kung may kasama ka at maganda ang mga nakikita natin sa kapaligiran at malas mo kung hindi ka naglalakad at nuhuhulog lang ang mga buhangin ng tsinelas mo sa carpet ng sasakyan mo.

            Tara, sama ka at sumabay sa paglalakad ko, simulan natin sa isa sa pinaka malaking lugar at syudad dito sa aking bayan, pangalan ng dating presidente ang syudad, at marami kang makikita, habang naglalakad ka, malalaking gusali, tumatakbong ulap at mahalimuyak na hangin na may rekado ng sari saring polusyon. Tuloy tayo sa paglalakad, heto sa kabila ng tagumpay ng syudad, maraming investor, magagarang kainan at sari saring mall. May makikita ka pa ding mga tao na natutulog sa kalsada kasama si bantay sa ilalim ng malamig na puno. Heto makikita mo ang mga matiya- tyagang tao na naghahanap buhay para mairaos ang araw.
Heto makikita mo sila inang at itang na nagtitinda ng kendi sa eskenita at mga tabing daan na dapat nagpapahinga na sa edad nila.
Si junior, umagang umuga maingay na, maingay sa mga kanto na nagtatawag ng pasahero para sa baryang kikitain pang laman tyan. Si kuya tumatakbo at nambubulahaw para sa pandesal at dyaryo na dala dala upang may pambaon sa pagpasok.

Ganito na ba tayo? Nasan na tayo? Ano ba ang mas imporatante? Investor o ang mga tao? Tila napapabayaan na yata tayo?

May batas tayo, alam ng lahat yan batas na nagbabawal sa mga tao o vendor sa side walk dahil daanan nga naman yun ng tao. Pero sa kabilang banda kung titingnan natin, diba dapat nating tulungan ang mga taong ito dahil sila ay nagiisip, nagiisip na mabuhay at nagtatrabaho ng marangal na walang naaagrabyado.
Pero sa nakikita ko, ang mga taong ito ay takot, takot kapag nakikita na ang mga awtoridad dahil, para silang mga daga pag nagpulasan pag nandyan na ang mga pusa.
Bakit hindi natin sila bigyan ng masisilungan pag nagtitinda, espasyo para magkaroon sila ng katiwasayan sa pagtitinda dahil alam nila na legal sila magtinda at marangal. Kung sa tutuusin ata kasi mas madali silang hulihin kesa sa mga holdaper at pang ssnatch ng kagamitan ang ginagawa.

Wag naman po ganyan, pare parehas tayong naglalakad ng may tsinelas sa paa sana kahit pano malaman nyo na ang mga taong ito ay gusto lang kumita at mabuhay bigyan natin ng pagkakataon at ng proteksyon mula sa buwis ng mga taong kayang magbayad para sa mga katulad nila kuya, junior inang at itang.

Tumawid tayo, at makipagpatintero kay kamatayan, hayun……..!! hule ka…
Sa buong maghapon nandiyan si manong pakumpas kumpas na tila hindi alintana ang init ng araw at halos tutong na ang balat para lang maisaayos ang trapiko. Tapos pag bumagal ang takbo ng mga sasakyan sa kanya pa ang sisi “may enforcer kasi kaya traffic” hindi ba kayo nagiisip? Ginagawa nya lang ang trabaho nya dahil gusto nyang mai-saayos ang takbo ng trapiko dahil kung wala sya, kanya kanya kayong unahan sa pagtawid, walang bigayan kahit si inang pa ang tumatawid. Harurot pa rin.!! Si manong nagtatrabaho maghapon para matutong ang balat kapalit ng pagkain sa hapag kainan. Pag uwi amoy usok pawis at tila ang baga nya ay pinagbabahayan na ng mga dumi.

            Sana mabigyan man lang sila ng taas ng sahod at mga mask upang kahit pano ay mabawasan at maharang sina alikabok sa kanya, dagdag muna ang UV light lotion. At kayong nagmamaneho, konting respeto pare parehas tayong naghahanap buhay.

Tuloy ang lakad natin, at heto tila mala angel ang ihip na hangin at sumasabay sa saliw sa tugtugin ni Ale. Heto at madilim lagi ang paligid pero kayang tumugtog,,,,, at anong ginagawa nila dun? Mga bulag nasa kalsada tumutugtog para sa barya? Nakalagay pa Donation for the Blind? Bulag na din kaya o butas ang budget ng gobyerno para sa kanila at tila kelangan na nila mamalimos at kumanta para sa barya. Ayaw ko ng magsalita pa, gusto ko lang imulat nyo ang mga mata nyo dahil hindi kayo bulag at huwag kayong magbulag bulagan mula sa mga sasakyan nyong may numero OTSO, at tinted na bintana. OK!?? Huwag lang sana imulat sana may gawin din.


Tara na nga! Sakay tayo ng tren, ng makapagpalamig tayo. Whew! Heto pa, bakit sila naglalakad? Naglalakad akay akay ng gwardya? Bulag nanaman sumasakay mag isa sa tren, at hindi ko alam bakit wala silang kasama at kung san sila pupunta. Buhay nga naman…….. Inisip ko nalang pupunta sya sa trabaho upang kumita dahil sa pagmamasahe. Sana gabayan sya ni Bro, maliit na bagay na dapat ipag pasalamat natin sa taas dahil hindi tayo alipin ng kadiliman. Ngayon, pumikit ka ng sandali at ipag pasalamat ang maliit na bagay sa buhay mo…

Ang iba hindi makalakad, ikaw mapalad
Ang iba hindi makakita, ikaw tanaw ang liwanag
Ang iba hindi makapagsalita, Ikaw ay makata
At sa mga taong walang trabaho at walang masilungan sa gabi… ikaw mayroon.

Salamat po bro……….


Tara baba tayo, tuloy ang lakad at sakay ng jeep, ano pa ang makikita mo? Nandiyan ulit sina manong, inang itang at junior. Magandang gusali, magagarang sasakyan. Condominium, fast food chainssssss, usok, magjojowawers, ibat ibang klase ng tao. Ang daming sasakyan, ang dami ding usok. Sa dami ng sasakyan, isa na rin siguro necessity sa mga mall at condo ang parking area at parking lot palang bawi na sila sa bayad dahil 1st to 3r floor ng mall at condo parking lot, naiisip mo kung gaano kadami yun? Marami tayong ginugugol sa mga bagay na hindi naman halos kelangan sa buhay natin pero binibigyan natin ng importansya dahil ganito tayo at ganito na tayo. Dahil lahat business para sa iba, ultimo pag ihi business. 

Hay mukhang walang patutunguhan ang paglalakd natin ah, puro problema ang nakikita natin…….. at mga kung ano ano pa. Tutuloy pa ba tayo o hindi na?

Tuloy?

Sige tara……….. Para po……..!!!!

Sa pagbaba ko ating baybayin ang kahabaan ng lansangang ito, maghapong di nawawalan ng tao at puro usok ng sasakyan ang malalanghap mo, makikita mo ang sari saring imitasyon ng orihinal mong nakikita at sinusuot. Mga taong nagsusumikap at nawalan na ng ulirat. Mga taong nadadagdagan sa kabila ng kawalan ng bahay na matitiran at hindi pa yan narito pa ang mga nangangalabit na kababaihan na hindi mo alam kung ano ang inaalok nila pero tatanggi ka nalang…. Sa pagikot ng mata mo sa pagapak mo sa baku bakung daan kasabay ang tilamsik ng tubig makikita mo ang kalinga ng ina sa musmos na bata, tumatakbong lalaki na tila hinahabol ni kamatayan at mga hinaing na walang dumidinig.


Sa pagpapatuloy ko, si kuya tila sumuko na ata, at ayun hindi pumasok at may nilalanghap nalang sa tabi ng naglalarong fountain na may naliligong Mama, invinsible ba sila? Pero sina manong nakikita ko nagkwekwentuhan lang ……… Invinsible nga siguro o kaya hindi natin alam magkaiba ng dimension ang ginagalawan nila. Tila una pa yata sila humithit ng kung ano at sila sila nalang ang nagkikita-kita….. Gisingg!!!!!




Tara, pahinga muna tayo at magmasid, hapon narin at masarap na ang simoy ng hangin kahit alam kong may polusyon ito….

Masarap magmasid dito dahil, sa kabilang banda makikita mo na marami paring tao ang na kay bro dahil pumupunta sila sa simbahan kasama ang pamilya at ngingiti paglabas dito….. Makikita mo pa rin ang mga tao na gustong tumulong, mga mabubuting loob na umaakay kay inang at nagbibigay ng konting tulong sa kanila. Sina pastor na nagbibigay ng libreng pagkain.
Masarap pa ding pagmasdan ang lumulubog na araw kasabay ang nagsasayawang alon ng dagat at mga tsinelas at plastic cup dito.
Masarap ding pagmasdan ang sayaw ng ating bandila kasabay ng pagdampi sa atin ng malamig na hanggin. Na sa gitna ng nalalakihang gusali, magandang parke at bumibilis na dami na pwedeng gawin, nariyan ang sumsalamin kung ano tayo at pano na tayo…
Masarap paring sabihin na sariling atin ito, dahil dito natural.
Kahit ganito, atin sya!!


Hay buhay, isang buntong hininga…. Nabubuhay na ang gabi sa sari saring ilaw na naglalabasan. Naririnig mo na ang mga malalakas na musika mula sa isang restoran at tila party party na…… Ibang mundo na sila at walang pakialam.
Dito hindi nagpapahuli ang iba at on time walang late…
Sana ang opisina natin o ang mga meeting o pagtitipon ay parang mga hang out place o kaya mall dahil dito walang nalalate at tila willing pa sila pumila para lang pagbuksan at makapag party. Dahil sa pag may party hindi ko tinotodo, isang malusog na atay yan ang sekreto ko, maging liver lover mag Liver Aid. hahaha


This is the Perfect Nine


Tara na mas dumidilim na, at delikado na at baka biglang may mawala sa mga hawak natin… Sakay na muli ng jeep, at heto bawal magyosi ang nakalagay sa jeep pero ang usok dadampi sa pisngi mo at malalanghap mo. Hindi na ko magrereact at ang NO SMOKING sign dito ay pagpapahiwatig na pwede kang manigarilyo kahit bawal.

Paglingon mo sa kanan, makikita mo na ang ibat ibang kulay ng banig na nakalatag, ang iba tila kulay usok na. Nalilito? Pwes tama ka, ang mga banig na nakikita mo ay mga higaan nila Kuya, Junior inang at itang. Sa ilalim ng bilog na buwan at malamig na gabi.
Magkakatabi sila, at nasa tabi din si bantay, halos katatapos lang nila kumain at sabay sabay silang mag-anak. Pero may isang bagay ang nagpahiwatig sakin sa buhay, yun ay ang pagsasama sama nila sa pagkain at tabi tabi nila. Buhay na, payak at hindi kelangan ng ano pa man. Si itang at inang magkatabi at magkayakap nakatingin sa bilog na buwan at isa sa mapapansin mo sa kanila ay ang ngiti sa mga mukha nila.

Hay buhay, Isang mahabang buntong hininga. Masaya sila. Masaya at batid ko yun sa ngiti nila sa kabila ng estado nila sa buhay at kalagayan ng banig nila, heto sila magkakasama at masaya, tila hindi na nila kelangan pa ng rason para magkabahay o kung ano pa man dahil they can manage.

Contentment ika nga, ito ang magpapasaya sa tao. Hindi ka na maghahangad pa ng iba dahil kung anong merun ka ay sapat na. Kasiyahan, hindi mo mabibili sa kabila ng lahat heto parin dapat ang mangibabaw dahil sa kasiyahan may pagibig.

Sa paglalakad kong ito, tila hindi lang ako naglakad, naglakad ako ng may kabuluhan dahil nalaman ko na may pakialam ako, naglakad ako ng palalim, para malaman ang mas kahulugan ng buhay.

Ano nga naman kung ikaw si manong kung masaya ka dito at paguwi mo ng bahay mo, ay sama sama kayo ng pamilya mo.

Pero may magagawa tayo, ikaw at lalo na ikaw na nasa upuan.

^_^ ang sarap ngumiti, tila walang problema.
Pero tandaan mo, isipin mo sila itang inang junior at bantay na kahit walang wala sa buhay ayun sila, tabi tabi masaya kumpara sa buhay mo kung ano ka man….



Aw, ang sakit naman, pud pud na ang tsinelas ko..

Bahay na… ang sarap humiga….

Maliit na bagay kung titingnan, mo pero makabuluhan….

Hay…………….. Thank you Lord! Ngittiiiiiiiiiiiiiiiiii..
Pikit mata at ……………………………..

REM NREM NREM Dream……………………………….

Magandang gabi at matamis na panaginip sa inyong lahat……………………….


……………………. Twing!!



………….. on dreams………………

Isang araw, may mayamang tatay ang nagsama sa kanyang anak..
Ipinakita nya sa kanyang anak kung pano ang maging mahirap, ginugol nila ang kanilang oras sa bukid, kasama ang pamilya na nakatira doon.

Ng pauwi na sila tinanong ng tatay ang anak “Nakita mo ba kung gaano sila kahirap? Anong natutunan mo?

Sumagot ang anak “Meron tayong isang aso, pero sila apat at may manok pa. Meron tayong swimming pool pero sila may ilog. Merun tayong magagarbong ilaw sa gabi, ang merun sila bituin. Kailangan nating bumili ng pagkain pero sila inaani nila sa pagtatanim at pagpapatubo nito. Meron tayong malalaking haligi para protektahan tayo sila mga kaibigan. Meron tayong encyclopedia sa kanila naman ay Biblya.

Maraming Salamat Papa, dahil pinakita mo sakin kung gaano tayo kahirap.

Hindi ito tungkol sa pera at pano tayo nito pinapayaman, kundi tungkol ito sa pagiging payak kasama ang Diyos sa ating buhay…..



zzzZZZZZZZ….

Biyernes, Oktubre 14, 2011

Empty Eight.......

....






































-

Seventh Grade (",)

Maraming katanungan sa mundong ito…

Nasagot na ba ang mga katanungan mo?

Lahat ng ito, nakadepende sa kung sino, paano at kung ano ka….

Tara na…………


Merong mga bagay sa mundo na minsan kinakainisan natin, mga bagay na dapat hindi nalang nangyari o mga pangyayari na dapat hindi nalang nangyari pero nangyayari.

May mga bagay na sa simula palang mali na at malalaman mo tama pag wala na sayo.
May mga bagay na sa simula napakaganda at tila wala ng kaparehas pero malalaman mo na hindi pala.

Mga bagay na akala mo totoo pero hindi pala, mga bagay na binubo natin sa isipan natin para masabi natin na totoo pero hindi naman natin nahahawakan.

Ang buhay natin ay simple lang at kung pabibigyan mo sakin ng kahulugan ito, isang bagay lang ang masasabi ko at akin pang isasalin ito sa wikang banyaga. Ang buhay ay buhay kailangan lang natin itong isabuhay. “Life is Life itself we just have to live with it”

May mga bagay na dapat talaga mangyari kahit sa simula hindi mo alam kung anong dahilan nito at pipilitin mong intindihin hanggang malito ka na sa bagay bagay sa paligid mo.

Halimbawa nalang ng isang araw puyat ka at gusto mo ng matulog para makabawi, kahit isang oras lang para sa iyong lakas dahil merun ka pang duty sa hapon pero ng makukuha mo na ang tulog mo biglang magigising ka sa isang tawag ng bata dahil ibibigay lang sayo ang naiwan mong bolpen dahil sinabayan mo syang magpuyat dahil sa kanyang proyekto. Nakakainis di ba? Ayon na eh!! Biglang wala…
Pero dahil sa pagising sayo na yun malalaman mo, ang isang maliit na bagay, matatapik mo ang cellphone mo na ginagawa mong alarm clock tuwing kelangan mo ng gumayak sa pagpasok, ang cell phone ay wala ng charge kaya malalaman mo na kailangan mo na syang icharge para magising ka at hindi ka mahuli sa pagpasok mo..

Isang maliit na bagay pero may kabuluhan, at pano nalang kung hindi ka ginising ng batang yun? Ibang storya nanaman ang tatakbo sa buhay mo dahil nalate ka at pwede pang mapagalitan

Parang isang nanay na iiwan ang anak para makipagsapalaran sa ibang bansa, sa kadahilanan na gusto nya ng pagbabago sa anak nya gusto nya na magkaroon ito ng magandang buhay….

Parang isang babae na iniwan ng kanyang minamahal sa isang bagay na hindi ka tanggap tanggap… Masakit sa una, at lalong sumasakit sa pagdaan ng mga araw habang naaalala mo ang mga araw kung saan bumubuo kayo ng pangarap.
Nagsisimula kayo magisip ng tila iisangg tao, kung saan pagsasaluhan nyo ang sakit at maayos ito,
Kung saan magiging masaya kayo kasama ang pamilya mo hanggang….
kung saan magisa ka nalang at kinikimkim ang mga araw na nawala dahil sa bagay na alam mong wala ka namang ginawang mali at itatanong mo sa sarili mo. Bakit?? Na lumuluha.. Saan ako nagkamali??
Deserve ko ba to??

Ang sagot sa tanong mo kung nakakarelate ka at kung sino ka man na bumabasa dito…

Oo, deserve mo yan…….
Deserve mong masaktan dahil marunong kang magmahal at lahat ng mga tao na marunong magmahal ay ang mga taong hindi takot masaktan…

Oo deserve mo yan, dahil may madidiskubre ka sarili mo na hindi mo madidiskubre kung magisa ka lang.

Deserve mo yan dahil, binibigyan ka ni God ng pagkakataon na maging mas masaya sa kung anong meron ka dati… Mas magandang pangarap mas maliwanag na bukas at masasayang kaibigan.

Oo deserve mo talaga yan, maniwala ka man o sa hindi kahit nasasaktan ka ngayon at nangigilid ang luha…

Deserving ka sa lahat ng yan dahil bukas makalawa malalaman mo, na ang buhay mo ay mas makabuluhan sa mga bagay na nararamdaman mo at ang luha mo ay para lamang sa mga taong hindi ka iniiwan mula sa umpisa hanggang kung nasan ka man ngayon…
Pero kung sa pagpatak ng luha mo na yan, ay makakatulong para sa pagharap mo sa bukas sige lang. Dahil isa yang mahalagang bagay sa buhay

Dahil ang buhay mo, ay iba sa buhay nya at ang tanging nagpapalungkot sayo ay ang mga bagay na narerealize mo na dapat hindi nangyari… Gumising ka!
Tama na ang drama mo nandito kami hindi mo na kailangan ng iba.

Bilangin mo ang taong nagpapasaya sayo, dahil yun ang mahalaga kung malungkot ka man ilabas mo yan samin.
Dahil hindi ka matutulungan ng lungkot na yan na maging masaya….

Pano kung walang ikaw? E di hindi kikilos ang mga bagay na gusto mong gawin, dahil kung walang ikaw hindi mo mapaparanas sa sarili mo ang maging masaya. Tama?



Naiiyak ka, dahil nalalaman mo ang mga bagay na totoo at tama sa nakalipas.
At narerealize mo na wala na sya at hindi mo nalalaman ang nararamdaman nya dahil wala kang makausap na tao sa part nya….. ang nakakalungkot ay hindi mo alam kung nararamdaman nya ay parehas sayo…. Pero ito na ang panahon na tapos na, nakalipas na yun move forward dahil ang hinaharap ay mas maganda pa sa inaakala mo.

Fall in love again hayaan mo ang sarili mong magmahal, hintayin mo kung sino man yun at sa pagkakataon na maging masaya at mabigo ka ulit malalaman mo ang mga sagot sa katanungan mo.
Malalaman mo lahat ng sagot…

Wag kang mainip maghintay ka lang.

God walks among us in different ways and puts a certain person in our life for us to discover or learn something for our self and perhaps for others. It has a purpose.
I just do hope you know it. What you learn and what you’ve discover for your self

Live your life with what you have,,, not what you’ve lost or without……………………

No question ask!!

Smile ^_^

Huwebes, Oktubre 13, 2011

Sixth Things

Little Things…

Enjoy everything in life, enjoy you’re time.

“When you know how to die, You know how to live…”

What’s special with that thought of dying and living, now think of it.
It’s what you need, to learn how to die before you live, it about living not dying.
When you know how to die, you know how to live.

It’s like, when you know you’re time is up, you start to live your life to the fullest again, you start counting the days we’re you born and the memories you had.
Its about the life you had that giving your self a satisfaction of dying.
If it’s that enough you’re ready, dying is not to be afraid off its, living unhappily.

There are so many little things we forget about that even us overlooking it.
Saying thank you that you wake up that morning is one thing to be thankful for, no matter how miserable your life in the coming day. Be thankful because there are millions of people wish to live but they don’t have the chance to.
Thousand men, women or children fighting for a certain illness just to live.
Hundred that is looking forward on waking up just to see their family happy.

Be glad you’re alive because you have another chance of seeing how beautiful the sunset is….

Be glad you’re a nurse because your giving your patient another they to live another day to smile and another day to spent their time with family.
Be glad your still tiring or paying taxes because you have work.
Be happy because there’s some one texting you, you had friends
Be grateful, theres food on your plate some getting it in a garbage can.

Little things in life we forget.

Little things that we are asking for more….

Life and Happiness is what you being contented with.

That’s make you free….

Pray and God will help those who help themselves.






At some point you will realize that you have done too much already for someone or something that the only next possible step to do is to leave them alone…

Stop! Walk Away..

Its not like your giving up and its not like you shouldn’t try.
Its  just that you have to draw the line of determination and desperation

What really yours will eventually yours and whats not , no matter how hard you try will never be. Sad but true

Today…

Don’t think of saying any UNKIND WORDS think of the people who can’t speak.
Don’t complain about the food you eat some have nothing
Don’t complain about life, many die young
When you’re tires of your  job – think of the jobless, the disabled and those who wish they had yours.
When sad thoughts seem to put you down paint a smile on your face & think God you’re alive and you’re still around.

Just remember this folks, and the question of life….

Life’s a Gift, Live it Well.

Work, Money Ambition we bury our life, In these things but we never stand back and say is this what we want???


You’ll never know what gonna happen, today you’ll see me maybe tomorrow you can never tell.

Are you ready?
Are you the person you wanna be?
Are you leading the life you want to live?

Dying is not one thing to be sad about, Living unhappily that’s another matter.





After  watching the movie, Tuesdays with morrie.

I realize many things, things that so fast that you can never tell your time is up.
We had all the time for our work, ambition and money that we bury our self into this.

We need to come up and stand.

Now that I know that eventually im dying and I don’t know when my times up.

Its time to make those mistakes correct, because I don’t want to die that theres someone who hated me.

When I die I want you to say a prayer and bury me, I preferred to hear things when im alive.

Time – (impacts me the most) You never know whats gonna happen next, so better save those extra time to your family and self not to work alone. You’re a person with a heart and need something.
Work is part of your life not your life itself.
We all have our time, time to be young and time of being old, enjoy it to the fullest.

Love – It is what hurt us and the one that always win, if we don’t give it we can’t receive it either. Not letting our self be love because were to afraid giving our self of someone we might loose. Love always win, the only rational act.
I always love and tend to hurt others but I know when to stop Im just like, I’m just afraid to loose some one that why I’m being selfish

Dying – is not one thing to be sad about, living unhappily that’s another matter.
Death ends a life not a relationship.

Dependency – Nothing is to be shameful about being dependent. No one exist alone.
When were a baby we need other to survive when were dying we also need others to survive. In between we need others even more. We must love one another or die.

Regrets –  I live my life with one regrets, and if you’re be a slave of it you can’t move forward, you cant do nothing from the past but you can make it right for the future. Live and be ready




There is a little wave, enjoying the sunshine, swaying, feeling the cold breeze of the wind when suddenly notice the other wave was sad. The wave ask “why are you sad?”
The other waves answer, “because were gonna crash at the shore and were gone”
There’s nothing to sad about, were not waves, you’re not a wave.
We’re all part of the ocean.




Thanks Morrie…

Martes, Oktubre 11, 2011

Fifth Shift

May mga taong kahit alam na nilang magagalit ka sa isang bagay, ay gagawin pa din nila ito. Mga bagay na dapat at alam na di dapat gawin ay ginagawa.

Kung sa mundong ito, may nakakakilala sating tunay na pagkatao kung pano tayo magalit, tumawa matulog, o di kaya pano ka sumpungin at maglambing. Tama, sa pagkatao natin magulang ang nakakakilala.

Pero may mga bagay, na sadyang di na nasusubaybayan ng ating magulang pag tayo ay nahiwalay na sa kanila.

Hindi na nila alam kung pano ka magisip, makisalamuha sa tao o di kaya magalit ng sukdulan.

Saking pakikipagsapalaran sa buhay na to, marami ng nangyari, nagbago, marami ng impluwensya sa pagiging ako at kung pano na maging ako.

            Maraming tao, ang humubog sa kung ano ako ngayon, pero kung ano ako ngayon masasabi kong hindi ako kilala ng magulang ko o ng pinakamatalik kong kaibigan.
            Sa mundong ito, 3 tao lang ang nakakakilala ng husto sakin una, si Bro pangalawa sarili ko at pangatlo ang Girl friend ko.

Marami ng kaming pinagdadaanang saya, road trip, tawanan, kulitan, iyakan, sakitan at mga tagpong kahit sa pelikula makikita. Dumating din sa puntong nagkakasakitan na kami at nagkakasamaan ng loob. Nakita nya kung pano ako magalit, tumalon sa tuwa at kasamang nangarap. Tumawid sa dagat, katabi sa malamig na gabi, alaga sa higaan, panunuod ng sine at kung ano ano pa.

Sya ang taong mas kilala ako sa sinuman sa buong tao sa mundong ito, wala na kong ibang dahilan, dahil sa haba ng taon, nangyari lahat ng iyon at di ko na alam kung may makakapag tyaga sakin tulad ng ginawa nya. Wala akong itatago.

Siya ang tumiis sa pagtitiis ko, sumalo lahat ng galit ko, kasamang tumalon sa tuwa. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na may kasamang iba maliban sa kanya.

Wala ng panahon ang makakapag palago ng samahan naming tulad ng iba.

Kahit na puro negative ang nasa ulo nya at hindi nya ko makasama sa matagal na panahon, may rason ako para maghintay maghintay sa pagmamahal na pinagtibay namin.

Salamat sa pagtanggap kung ano ako at sa pagtitiis sa kung ano ako.

Mahal kita walang pero pero walang dahilan. MAHAL KITA DAHIL IKAW YAN WALA NG IBA!

Matagal din kaming di nagkita ng girlfriend ko halos isang taon, at ang isang taon na yun ay hindi madali, parang isang dekada ang lumipas yung tipong, sa tinggin nyo pag nagkita kayo ay di kayo magkakilala at isang ibang tao lang.

Pero sa aspetong ito hindi mo maipaliwanag kung anong nababalot na hiwaga merun talaga ang pagibig, dahil pagkakita palang naming animoy parang kahapon lang kami di nagkita at parang pinagdugtong ang araw na nagkahiwalay kami at ngayon. Niyakap nya ako ng mahigpit at ganun din ako sa harap ng maraming tao. Hindi mo maipaliwanag kung bakit ganun o talagang dahil sa koneksyon at pinagsamahan naming ganun nalang yun.

Isa pang bagay ang nakakatuwa ay, kahit gano kami magaway sa telepono at tampuhan magkita lang kami, hindi na kelangan ng paliwanagan at tapos na ang di pagkakaunawan sapat na na makita naming ang isat isa at ayos na. Tawanan na muli at ayaw mo ng matapos araw na parang wala ng bukas.

Ang iba gumagastos ng malaki para lang sa excitement sa kakaibang adventure at sa mga unforgettable moment pero para samin, kahit anong lugar magiging perfect nasasayo na yun para ihandle ang lugar.

Halimbawa tanghalian at nakaupo kayo sa labas ng jolibee, dun kayo kumakain that is not a good place maraming tao at palasak na pero magagawa nating kakaiba ito sa pagsukob at pag gawa nyo ng sariling mundo dito. Pagusapan ang mga bagay at pagtripan ang nakikita. Ang salita ay makapangyarihan samahan mo pa ng imahinasyon mo.

Kuntento na kami na maglakad at pag usapan ang mundo at tumuhog ng fishball sa kanto. Dahil ang buhay/pagibig ay parang kalsada na lalakarin nyo sa simula marami kayong masasalubong na tao, maghahabulan, may maiiwan, may away sa kanto at tampuhan. Desisyon kung liliko ka ba o hindi. Kahit pa makipot ang dinadaan nyo o nakasasakyan ka pa, isa parin ang tinutungtungan mong lupa. Ang mahalaga, may natutunan ka habang naglalakad, masaya ka at may kasama ka.

Masaya ako na ikaw ang kasama ko….

Salamat JCO….

Salamat, hindi talaga ako sanay magpahayag ng saloobin ko lalo na ng masasayang karanasan. Kaya ngayon lang merun nito. Dahil mas gusto ko ang malulugkot, pero heto sinubukan ko. Salamat!! Pero sana may napulot kang aral…..

Higit sa lahat, wag na wag mong kwekwestyonin ang pag ka miss sa yo ng isang tao dahil hindi mo alam kung gaano kasakit ang mangulila sa kanila.

Love is the greatest discovery you can have on your self.

Looking forward to spend the rest of my life with you………..

Sabado, Oktubre 8, 2011

Fourth Briefcase

Please bear with me, lately my thoughts are dull and ideas come out and fly easily I’m in a middle of something I don’t know…. Hope you like this one…

Lahat tayo may kaibigan, kaibigan na nakasama sa ibat ibang aspeto at karanasan ng buhay.. Marami, kasi pwede mong maging kaibigan, ang mga kakakilala mo lang kanina o nakasama mo sa seminar, kakilala ng kaibigan mo. Kaibigan mo na din ang naginvite sayo sa facebook. Ang pagkakaibigan hindi pinipilit kusa tong nangyayari ng di mo namamalayan sa ibat ibang bagay na pwede nyong pagkasunduan at tawanan.

Marami sila at kilala mo sa pangalan. Pero iilan lang ang alam mo ang kanilang istorya.
Marami kang kaibigan pero mabibilang lang ang tunay na kaibigan.

Masasabi kong nakita ko na sila at iilan nga lang, meron akong mga kaibigan na masasabi ko ding tunay.

Mga kaibigan na, alam nyo ang bawat kalokohan pag dating sa trabaho at salo salo.

Kaibigan na alam nyo ang isat isa pagdating sa mga seryosong bagay at mga kaibigan na mapagsasabihan mo ng sama ng loob at secreto..

Gusto kong makilala nyo itong dalawang tao to ang nakasama ko sa trabaho kahit na volunteer lamang sila, eh masikasig silang nagtatrabaho at tumutulong. Sayang nga lang at pinatigil ang pagvovolunteer, halos 6 na buwan ko din sila nakasama at sa anim na buwan nayun ay masasabi ko na tunay silang kaibigan, shinare ko sa kanila mga nalalaman ko sa aking trabaho at ganun din sila. Maraming kalokohan at laughtrip ang alam at mga lugar na pinuntahan. Merun pa ngang mga gabi kami umuuwi at at naglalakad sa kahabaan ng UST dahil trip lang. Usap tungkol sa pagibig at mga bagay sa mundo. Isang bagay na nasabi ko sa sarili ko na tunay silang kaibigan, dahil respeto naming ang isat isa at kahit makalayo na kami ngayon ay ganun pa din ang kalokohan. Hindi ko alam kung pano ko sila naimpluwensyahan sa mga bagay na alam ko at dahil sa pagiging totoo ko, pero pinaramdam nila sakin ang magkaroon ng pamilya kahit malayo ako sa kanila. Kakaiba one of a kind. Salamat Lover boy at Blackbeard.


Ang walong itlog sa palayan, siguro kung wala itong apat na tao sa buhay ko ay mahihirapan akong maka survive sa college life. Baguhan lamang ako sa lugar at halos sila ang mga naging kaibigan ko sa simula. Naging close kami sa isat isa at sa lahat ng kalokohan, sa pagaaral sa paggawa ng project at pagpapakain at tuloy sa bahay nila. Pag uusap sa mga bagay sa mundo at pag ibig. Sa school at kung ano ano pa. Malamang di nila alam kung gaano ako nagpapasalamat dahil sa kanila pero “Salamat”


Ang Best frend ko na since highschool na nandyan, sinsabihan ko ng mga secret at sama ng loob. Na kahit nagkasamaaan na kami ng loob nandyan pa din at patuloy na nakikinig. Na kahit ang tagal magreply sa text go pa din at kahit matagal kaming di nagkikita were still there. Siguro pag nawala na lahat ng taong tutulong sakin sya yung isang taong matatagbuhan ko. He’s the best, he will not tell anyone about the secret of others. Promise! Tested na! ayaw talaga sabihin. Pero best frend ko yan.!! hahaha




Well, let me tell you this I can call my bestfriend na girl
She had a big heart at isa sa friend ko nung college, isa sa nagpatawad sakin at umiyak for me. Isang bagay na pinaka totoo sa kanya ay, dahil naniniwala sya sakin. Pinagtanggol nya ko sa bagay na alam nyang hindi ko magagawa pero nagawa ko, that makes my heart tear apart. Tunay na kaibigan tong girl na to dahil sa loob 3 years kaming di nagkita shes the same and still my friend. Thank You!
Ayaw din nito mareveal secret ng iba.


Isa ang mga kaibigan sa nagbibigay kulay sa mundo natin at nagpapakahulugan sa buhay natin. Ibat ibang uri sa ibat ibang aspeto.
Pero sila aaaaaaa awwww!!!! My thoughts is gone!!!!! Grrrr!!!




-          one thing about love…

Love is the only rational thing to do…

Love comes from many kind, to your child friends, patient and to one another…

What if a boy gives a girl a flower??

Flower from her birthday, what does suppose to mean??

I think, its expected that the girl is to receive the flower and to make a reaction. Where dose your reaction comes from? From what what you saw, from what you experience.

You are expected to receive the flower and makes a reaction depends on what you feel and depends on who are giving it to you…

Enemy = yes, definitely expected you received it, and throw it away later and gives false reaction to accept it but the fact theres a flower, the enemy will be forgiven

Love = Yes, you will make the most beautiful attraction and reaction to the point you make it “kilig” and you’ll tell the world how wonderful it it’s the flower even though it will wilt as the days past.

The point is, theres is this balance of reaction depends on the situation and the expection of the world from you. Reactions base on how you grow up, how you watch television, how you deal with it and the culture your into.

That’s why, when some one gives you a flower a bouquet of flower you are expected to feel something sweet and special from the one gave it to you. I think theres a small probability that a stranger will give you a flower. A flower always comes from some one special and gave it to one special  thus making it a expectable outcome of being happy when some one gives you a flower.

Its expected you’ll be happy, you’ll be kilig and that’s it.

It’s a hypocrite act, that you don’t tell and feel something about flower. No need to tell the world how special a flower is, It is expected.

And I don’t know what im taking about!!!!!! Common!!!

Biyernes, Oktubre 7, 2011

Third Line

Im all alone here, sitting at my bed thinking about thoughts in my mind. I can’t sleep and theres something bothering me now. I think I wanna cry with no reason.

I miss my family, I feel im dying, nothing new. I’m here stagnant want to sleep.

Everynight
You make me feel well alright
And when the lights go down
It seem no reason for me to fell alright

When I wake up
It’s still the same heart
A heart that is not alive or dead

No word you had, no feelings you’ve got
I’m still the part of the misery
Trying to be alright
Controlling the madness
But it’s just ain’t right

You pick me up when im already shattered
Raising me up when it’s broken
Until the sun rises again
I still find myself solving the cube with you

Hate it! It’s not worth it
Same replays, same sript
No one is learning
Think!

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Second Chance

…………………………………………. Before Silent21


There was a boy who proposed to a girl in the debut and they had their relationship and the boy dumped the girl after 3 long years, and after 3 years she realized that he want to win back the girl but she is with someone else and he is with someone else.

How he gonna do that, how he can win back the girl and the hearts of her family after that heart breaking world ends dumping.

The story goes this way,

Girl: Do you think it’s easy to survive after what you have done? I live with it everyday and everyday when I remember it I cried. I can’t do something, it hurts like I want to have amnesia and be born again.

Guy: Look I know it’s my fault, I know it was but it’s not easy for me to live all those years knowing what I’ve done. I’m being haunted. All I want is your forgiveness and you can be happy and your not gonna see me again.

Girl: I hate you go away!! I don’t deserve you!! And you deserve it!

Guy: Look do you think I fake it all I set it all. Don’t you think I can fake kiss, I can fake tears I can fake all the stuff we do. Well, well said you win, I never done anything I still love you and I want you back.

Girl: Yes you still love me, but no one in this world will HURT me as you do.

Guy: I know there something in that guy. That you likes about him that you like in me.

Girl: OH yes!! It’s all the same. But he never hurt me like you do. Happy?!

Girl: GO! Go! Good bye!!

Guy:  Just your forgiveness. That all I ask… please…

( The girl closes the door and cries it seems the pain is still there, when the day the guy left her )


The guy walked away like there’s no hope left on him, tears fall in his tears and still regretting what he does…


Months pass by…. The Guy passed away as if there’s no peace left in his heart only regrets….


One day, some ones knock on the girl’s house; it’s the guy best frend on teary eyes

He passed away, and he likes you to have this, maybe this will make him better even he’s not with us.

The best friend spoke “He only wishes your forgiveness until his last breath”


The girl cry as if, she’s the cruel person in the world as if all the good memories they had together comes along…

The girl read the letter and here it is,

Dear ____,


            I know it’s been a year and maybe your happy with some one else and well I am. I am grateful that you’re doing well, I’ve been your follower reading your post just like I’ve never been away to you. Until now, I feel I know you. You still like those curly sunny thing, likes go to the mall and have that request of your to be given.
You’re still the spoiled girl I used to know, the one with collection of flip flops, like to read books and yes the heartilly one. I know your not smiling or maybe you want to crumple this letter and curse me again.

But baby you win, yes. I’m not around anymore maybe on a far away place that you want me to be when I did that to you.


            Well me, I’m.. I’m good, know that you’re good. Hope he’s the one. I know, I hurt you, hurt you like I’m the most miserable part of your life. I feel guilty with what I’ve done, I’m a bad person. What happen still haunted me, haunting me for the rest of my life. Well I think your gonna be mad again to me because of my English.
Well I wanna say my Sorry and it feels that your smile is much brighter than you’re with me. I admit, I can’t make you smile if were still together because I just know it.

The rest of my life without you, I spent it all thinking of you, the rest of my life without you, is really I’m not happy. I know I deserve it! I know this is what you want. Well, yeah I regret this.

Well, that’s it. I’m not happy of who I am now, I just want you to know that I miss you and ill never be happy again with out your forgiveness. No, I’m not telling you that you forgive me, just continue your life and let your self be ready to forgive me and just let me know it. Please …


Please tell my Sorry to your Mom, Dad, The Twins, your Grandma, Tita’s, Your Footprints and especially to you.

Thank You

s_ _ _ _ _


Masakit para sakin ang makita kang hawak ng iba, kasi dati nandito ka eh, nasa tabi kita ngayon wala na… Masakit… Nandito oh.. ang bigat!!


I

Natapos na ang lahat
Nandito parin ako
Heto nakatulala sa mundo sa mundo
Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita
Mga pangarap ko
Para sayo para sayo

Chorus

Ohhh
Hindi ko maisip
Kung wala ka
Ohhh
Sa buhay ko

II

Nariyan ka pa ba?
Hindi ka na madama
Kung merung madadaanan
Kasunod kasunod

(Repeat Chorus)

Instrumental

Bridge

Sundan mo
Ang pag himig na lulan ng aking pinagtatanto
Sundan mo ohh
Ang paghimig ko

(Repeat Chorus)

Linggo, Oktubre 2, 2011

First Start.......

Magandang Hapon, heto ako nagsisimula muli salamat sa mga sumubaybay sa unang yugto, ng aking pagsusulat at samahan nyo ko muli sa aking pangalawang yugto.



Heto na heto na ahhhhhhhhhhhhhhhhh……………




Hmmm well, nandito ako ngayon nakaharap sa laptop ko dahil may pumasok na sa isip ko na isulat ako after 1 week na tuyo ang utak ko, walang lumalabas at puro simula lang ang nagagawa ko siguro sa mga susunod na letra matatapos ko na ang naisip kong ito.

Ganito yun, nasa karinderia ako at tapos ng kumain ng biglang may dumating na maputing babae na nagpapasama sa serbedora sa isang mall. Kung mapapansin ko nasa 30 na ang edad ng babae pero maganda sya. Hinihintay nya matapos yung serbedora kumain para samahan sya, pumasok sa isip bakit di ko sya samahan at kunin ang number nya katulad ng napapanuod ko sa mga chick flick movie pero its just a day dream hindi ko magagawa yun. Naimagine ko lang ang mga scene sa mga pelikula na napanuod ko hanggang narinig ko ang mga katagang ito sa babae “kinakabahan na ko malapit na kasal ko”
Nashock ako ng konti dahil ikakasal na sya, pero hinihintay ko lang ang pagkakataon para umuwi na ko pero nakikinig pa din ako sa usapan nila.

Hindi ako tsismoso minsan masarap lang talaga makinig at pagmasdan kumilos ang mga tao sa paligid mo at magsasalitan sila ng mga idea sa isang paksa.
Ang paksa  KASAL.

30 year old girl – “Minsan lang daw sya ikakasal sa buhay nya kaya dapat bongga”
- Gusto ng soon to be husband nya na mas maganda ang kasal sa mga klasmeyt nila na una ng nagpakasal.

Land lady – “baka naman, sobrang ganda ng kasal wala na kayong pang start, na mas importante”

Serbedore na nasa 17 years old siguro – “ok na na simple ang kasal, dahil importante naman ang pagsasama.

            Napa – isip ako bigla tama nga naman, ok na na simple ang kasal at magkaroon ka ng mas maraming paghahanda sa pagsisimula nyo bilang mag-asawa. Dahil after ng kasal, kayo nalang at buhay nyo na yun. Di ba?

Di mo iisipin na galing sa 17 years old ang katagang yun, napaisip ako bigla..
Sa panahon ngayon, maraming nagpapakasal pero nauuwi sa hiwalayan, aanhin mo ang bonggang kasal kung maghihiwalay lang din kayo at hindi mo mapapakita sa mga magiging anak mo ang litrato ng kasal mo dahil hiwalay ka.

Maraming gustong magpa kasal sa Pilipinas, pero salat sila sa pag gawa nito.
Marami ang hindi kasal nagsasama at may anak pero nabubuhay sila ng matiwasay at may ngiti sa puso nila…

Sa salitang KASAL, pag inayos mo ay mauuwi sa SAKAL na pwedeng mauwi sa KALAS. Pero wag ka sumuko, dapat sa KASAL at pag kinasal ka na, dapat ito ang lagi mong pinaghuhgutan ng LAKAS.

Sabi nila “ang pagaasawa ay di parang kanin na isinubo at pag napaso ka eh iluluwa mo” katagang tumatakbo sa panahon ngayon na tila naluma na din..


Importante nga ba ang kasal? Hindi ko masasagot. Pero malalaman ko din ang kasagutan dyan. Ang alam ko lang sa ngayon ay pag kasal ka, bilang babae mababago ang apelyido mo at masasabi mo sa ang status mo sa buhay ay MARRIED at pinapatunay ng mga dokumento.

Mahirap ipaliwanag kung anong merun sa dalawang tao na di kasal may anak pero kung titingnan mo isang perpekto mag asawa.

Hindi man nila maipakita sa papel na married sila, pero sa pusot isipan nila ganito sila.


Pero sa Mata ng Diyos, ang taong kasal ay dalawang tao na may puso, may pagkakaunawaan at pinagbubuklod ng isang salita PAGMAMAHAL.








Ito muli ang unang simula sana, nagustuhan nyo…….
I’m gathering my strength and looking for inspiration to continue….
It’s hard.. really. I can say there’s something missing with my writing.
Please comment…. Thanks