Sabado, Abril 14, 2012

........

Muli kitang binabalaan, hindi to love story at hindi lahat nagtatapos ng masaya….

Nakahiga ako at puro ilaw lang ang aking nakikita, ramdam ko ang basang kalsada at ang dugong dumadaloy sa ulo ko habang binubihat ako ng mga medic papuntang stretcher…. At isa lang nasabi ko sa sarili ko, the moment I stop accepting challenges is the moment my life ends….

At dito nagsisimula ang storya ko….

Ako si aris, ayoko ng magmahal muli dahil sa huli nasasaktan lang tayo at nasasaktan din lang natin ang mahal natin, may mga bagay sa buhay natin na gusto natin pero di natin nakukuha.. mga ayaw natin pero dumadating...
minsan sapat na satin yung nakikita natin sila naaamoy,
pero iba pa din yung nahahawakan natin sila...
gusto natin yung may nahahawakan, nararamadaman.. kaya nga kahit alam nating pumapatak na yung ulan ibubukas pa natin ang palad natin para  maramdaman na umuulan na, katulad ng hindi tayo nakukuntento na kumanta lang kasabay ang saliw ng musika habang my kumakanta sa videoke ni aling puring, mas gusto natin hawak ang micropono habang kumakanta.. iba kasi pag hawak mo, my feelings...
ganyan talaga siguro ang pagmamahal, pag natutunan mo mahirap ng kalimutan kahit gusto mo... parang pagbibisikleta, hindi mo na makakalitmutan... kung pilit mong kalimutan matutumba ka lang at masasaktan...

Ayoko na talaga, kasi nasasaktan lang ako at hindi ko maatim ang makasakit pang muli… pero hindi mo naman mapipigilang magmahal lalo na pag nandyan na…. Masaya ako pag kasama si rose tila ang bilis ng oras pagkasama ko sya.. kahit ang tumatakbong oras my bayad… nahiwalay ako sa girlfrend ko at nabaon ako sa kasawian at tanging club lang ang nakita kong kanlungan kung saan nameet ko si rose at nagkakwentuhan ng nakaraan, dumating nalang sa point na kinomfort namin ang isat isa…

Hanggang dumating sa point na niyakap nya ko dahil gumuguhit ulit ang sakit… Ang hirap pero mukhang sa sarili ko nakahanap na ko ng masusumpungan at malalapitan pero ayaw ko dahil makakasakit nanaman ako, ok lang ako masaktan pero sa iba ayaw ko na….


Tinetext ako ni rose, dahil siguro nagustuhan nya na din ako at ako naman pumupunta kung saan namin gusto dahil nageenjoy na kami sa company ng isat isa kahit alam ko kung ano ang trabaho nya…

Lumipas ang 1 buwan patuloy ang aming ginagawa pero bigla kong naisip na hindi ko pa sya halos kilala at pangalan nya lang ang alam ko.

Isang araw tinanong ko siya kung anong apelyido nya, sabi nya secret at bakit gusto kong malaman, sabi ko dahil gusto kong malaman.

Sabi nya, hindi mo na kelangan malaman kuntento na ko na nandyan ka pagkailangan kita sana ikaw din…

Pero di ba nagsisimula ang lahat sa pagtanong ng pangalan? Kahit di importanta sayo, importante sakin…

Sabi nya, wag na.. sabay halik sa pisngi ko…

Hindi nalang ako kumibo at nagusap nalang kami ng ibang bagay ng gabi na yun..  isang gabi muli akong bumalik at sa kasamaan palad may ka table na syang iba…. so ako heto pinapanuod lang sya habang tsinatsansingan sya ng kasama nya at numanakaw ng halik.

Ewan ko, bakit ako nakakaramdam ng selos at ng panghihinayang na dapat ako yung katabi nya… kaya inubos ang isang bucket ng redhorse habang sya di sinasadya nakita nya ko…

Nandito ka pala, bakit di mo sinabi?

Sabi ko nalang, ahmm palipas oras saka kung sabihin ko man, may kasama ka ng iba… ngumiti lang siya at hinalikan ako sa pisngi tapos bumulong hintayin mo ko… at umalis sya…

Ako naman patuloy sa paginom at may tama na, patapos na ang gabi at halos umaga na. ng hilahin ako ni rose palabas at sumakay kami ng taxi…


Pag gising ko, nasa apartment na nya ko at sya tulog….

Naghilamos lang ako at tumabi sa kanya, niyakap ko sya na parang kaming dalawa, naluha nalang ako dahil miss ko na yung pakiramdam na may nahahawakan ung masasabi kong akin… pero nagpalit ako ng pwesto tumabi ako sa kanya at pinagmasdan lang sya… sabi ko sa sarili ko, hindi ako maiinlove sayo dahil ayokong masaktan kahit may nararamdaman na ko….


Naalimpungatan sya, at sabi anong ginagawa mo? Tinitingnan ka, masama ba?
Hindi naman, ganda ba? Sabay balikwas nya at pumikit…

Ngumiti ako at sabi ko, sobra.. ang ganda…


Bigla nalang lumabas sa bibig ang mga katagang to,

Rose, pwede ba kitang tawaging akin kahit ngayon araw lang sagot ko  na sweldo mo,,?


Nagising si rose, at sinabing bakit?

Kahit ngayon lang, please? Maluha luha ako sa pagsabi…

At sumagot sya, bigyan mo ko ng rason para umoo…

At ngumiti ako, sabi ko sige… relax ka lang dyan akong bahala…

Bumaba ako sa apartment nya, bumili ng malulutong pagkain at mga kakailanganin sa gagawin ko…

Pinagluto ko sya ng halos pinagsama na ang tanghalian at umagahan, dinala ko sa kanya ang special corned beef with roses and the chocolate na binigay nya skin nung una kami nagkita with matching goodmorning card….


Nagising sya sa amoy ng food at sinabi, familiar sakin tong chocolate na to ah, tinabi ko tlaga yan para sayo, bon appetite…
Kumain sya na nakangiti, sinubuan pa ko…

Iba ang feeling ko this day, at so amazing…

after kumain, sabi ko Tara??

Sabi nya, saan?

Basta kahit saan, ako bahala…
Tapos binato ko sa kanya, yung towel nya… bumangon sya at naligo.. nagbiro pa nga sya sama ka?

Ngumiti ako at umiling, huhugas pa ko ng plato…
At tumawa lang sya….

Pumunta kami sa mall na parang kami, nagkukulitan sweet, na parang automatik nangyayari ang lahat… tawanan, kulitan, ok tong araw na to walang bayad masaya… niyaya ko sya sa labas ng mall umupo kami dun at nanuod ng sunset habang hinahawakan nya ko sa braso at ang ulo nya nasa balikat ko…

Ang ganda sabi nya, sabi ko naman habang sya tinititigan ko, ganda tlaga…

Natapos ang araw, na masaya… na tila bitin pa.. hinatid ko sya sa kanila…


Sabi ko thank you for sharing me this day, sobra..
At inaabot ko na sa kanya ang pera, nakangiti syang kinuha at niyakap ako…
Thank you, binalik nya sa bulsa ko at sinabi nya sakin… Darrel Geronimo..

At umalis sya na nakangiti….


Hindi ako makatulog, iniisip ko sya at iba ang pakiramdam talaga ng may kasama ka nahahawakan… pero sinabi ko naman sa sarili ko hindi pwede…


Dumating na sa point na sinabi na nya na mahal nya ko dahil sa pinaramdam ko sa kanya kung gano sya ka special kahit sa one day lang na yun. Mahal ko na din sya
Sabi ko, magaling lang kami sa simula at masasaktan lang kita sa huli…
Mas madami kami effort sa simula mawawala din, masasaktan lang kita lalo na pag naexpect kana…

Ayaw kong, masakatan ka, ok na sakin yung ganito walang hustle, walang expectation at kung ano ano pa na makaksakit satin…

Sabi nya, di mo ko kayang mahalin dahil sa ginagawa ko??


Kaya kitang mahalin pero ayaw kitang masaktan…



Pero sa ginagawa mo nasasaktan na ko, mahal na kita at ang sakit sakit na…


Biglang BOOOM! Tagos na tagos sakin yung pakiramdam na…
Bigla kong narealize, bakit ka ba dumating sa buhay ko?
At hindi ko alam na ang hindi pagpapramdam sayo na mahal din kita ay nakaksakit….

Bigla nalang akong lumabas ng club na parang wala sa sarili at tumilapon ako ng malayo dahil tinamaan ako ng taxi….



Nakahiga ako at puro ilaw lang ang aking nakikita, ramdam ko ang basang kalsada at ang dugong dumadaloy sa ulo ko habang binubihat ako ng mga medic papuntang stretcher…. At isa lang nasabi ko sa sarili ko, the moment I stop accepting challenges is the moment my life ends….

At hindi dito magtatapos ang challenges…

At dito muling nagsisimula ang storya ko….



Darrel, hindi ko alam kung anong gusto ko sa buhay, hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Una ayaw kitang masaktan at gusto ko lang maramdaman kung pano magmahal ulit para sa sarili ko pero mukhang nagkamali ako…
Mas masakit pala na itago mo yung nararamdaman mo at hindi mo maipadama ito sa taong mahal mo….

Ngayon handa na kitang mahalin ng buo, handa na kong iparamdam sayo na mahal kita, hindi lang sa isang araw, kundi sa araw araw na gusto mo…

Handa na kong masaktan muli at magmahal ng buo, kung papayagan mo na kasama kita sa araw araw na yun….

Aris, Hindi ko alam kung anong rason ni God kung bakit ka dumating sa buhay ko, pero handa akong talikuran ang nakaraan ko para sayo.

Oo, kahit araw araw akong masaktan basta ikaw kasama ko…


I LOVE YOU….. ILOVE YOU….


Flat Line ------------------------------------------------------------------------------------

Heaven……
Holding Hands…. Embrace each other…..


Something more important than what you desire is likely to be rolling around over there, so keep rolling don’t hold your self… To be happy you need to sad to know the difference of the two…


Hindi mo alam kung pano maging masaya kung hindi mo alam kung pano maging malungkot at kelangan mong tanggapin na mahina ka para malaman mong malakas ka…..






Pasensya na magulo at mababaw ang storya, iba pag pilit mong pinipiga ang utak mo pero wala talga…

Pa comment nalang po… salamat…