Yung taong naging ako ng makilala kita..
Akala ko kuntento na ko sa mga kaibigan ko, masaya na ko.
Akala ko di ko na kayang magtiwala ulit
Akala ako di na ako magmamahal.
Kaya ko papala ng makilala kita, merun pa din pala sakin
yung elemento ng surprises.
Gumagana pa din pala ang utak kong romantiko at mga
biglaang desisyon na masosorpresa kita.
Iba ako, pinili kong maging iba hindi dahil iba ako.
Pinili kong maging iba para mapansin ako.
Yung pagiging iba na simple pero di pansinin, yung pagiging
iba na aangat sa lahat, yung pagiging iba na di nakasanayan ng iba.
Nadiskubre ko sa sarili at narealize ko na kailangan ko
din ng pagmamahal, pagmamahal mula sa isang babae. Pagmamahal na bagong
diskubre.
Iba ka, tulad ng iba. pero katulad ng lahat ng nagsisimula
masaya hanggang may lungkot at away. May madisikubre ka na di maganda. My
lumalabas na ayaw mo. Pero sa kabila ng lahat mahal mo at minahal mo.
Nadiskubre ko sa sarili ko na kaya ko talagang iadjust
ang buhay ko depende sa taong mahal ko, nalaman ko na ako yung tipo ng tao na
sobra kung mag bend at blend para sa mahal ko.
Sobrang tipid ko at kuripot pero handa akong gumastos
para sa iba, para sa mahal ko kaya ko pala…
Narealize ko na tumatanda na ako at sa loob ng 8 taon
natuto akong tumayo sa sariling paa at malayo sa mahal sa buhay. Marami akong
nasayang at namiss na pagkakataon. Nawala
sakin ang pagaasikaso ng magulang, pag aaruga pag may sakit, nawala yung
nagmamalasakit na on the spot. Sariling hain sa lamesa at sariling kain. Kalat
ko linis ko, pinagkainan ko hugas ko. Wala yung feeling na o anak kamusta
trabaho kumain ka na? pahinga ka na… pero kahit pagod maglalaba pa.
Ang dami kong sakripisyo sa buhay, nandyang nagmahal ako
at linoko binigyan ng pagkakataon pero niloko parin siguro bayad yun sa mga
nagawa ko ding pagkakamali.
Buong buhay ko gusto kong hindi ako napapansin dahil
mahiyain ako, wala akong self confident, wala akong maipag malaki sa sarili ko
dahil ganito lang ako. Madalas akong nagtatago sa sumbrero ko, sa anino ng iba.
Walang identity.
Nalaman kong matampuhin ako, siguro dahil gusto ko ng
atensyon. Atensyon na nawala sakin ng matagal na panahon. Palautos ako sa mga
kapatid ko siguro dahil buong buhay ko inaasikaso ko sarili ko.
Nalaman kong ayoko ng tinatago ako ,dahil buong buhay ko
na akong nagtago. iba yung feeling na ikaw ito pinagmamalaki. Dahil iba ako sa
mga usual na taong nakilala ko.
Nadiskubre kong mas ok na minsan di ka magsalita para
wala nalang away, tiisin mo nalang yung tampo at sama ng loob para walang
diskusyon.
Hindi ka naman maghahanap ng wala..
Di ka naman magdedemand kung di mo gusto..
Nalaman kong kung di ko kayang ibigay sa iba yung sarili
ko o yung mga gusto nila kaya ko pala
kasi mahal ko sila.
Nalaman kong dapat isakripisyo ang sarili sa pagmamahal,
kahit minsan di na ikaw ito. Dahil kung alam mong ito yung makakatulong para sa
inyo, gagawin mo.
Dahil kung may sarili kang pamantayan sa pagmamahal at
puro gusto mo ang masunod kesyo di kasi ako ganyan at ganito lang ako. Di ko
kayang ibigay yan kasi di ako ganyan. Isa lang sagot dyan. MAHALIN MO NALANG
SARILI MO!!
Bigayan lang, dahil sa pagmamahal bukal sa loob yan.. di
mo iniisip ang sarili mo. Iniisip mo yung makakapagpasaya sa kanya. Anumang
pagod, puyat pag alam mong napasaya mo sya at naapreciate ka nya.. ok na yun…
Marami pa kong nadiskubre… nadiskubre ko na kung walang
kayang magpawala o maglambing sakin. Ako nalang ang gagawa para sa sarili ko
kahit alam ko na ang paglalambing ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa
mundo.
Bawal ang Kill Joy sa pagmamahal.. sakyan mo bawat trip
ng mahal mo. Kung gusto nyang makipag asaran sige lang, chismisan go… kung
gusto nyang magpaka EMO cheer up mo lang dahil humahanap lang ng atensyon yun.
Subukan mo ding lumagpas ng border, di naman kabastobastos ang mga double
meaning na salita, kung in a relationship kayo. Bawal ang KJ. Libog? Normal yan
trip nyo yan eh.. saka isa yan sa mga needs namin..
Suportahan lang… Nalaman kong kahit badtrip ako dapat di
ako mabadtrip pag down yung isa lalo na kung una syang nag open ng problema..
ano kung masungitan ka, ok lang yun cheer up lang dahil kelangan nya ng may
makikinig at magpapaayos ng nararamdaman nya…
Ito yung pagbibigay ng pagmamahal na di mo kayang ibigay
pero ibibigay mo…
Kung gago ka, gago ako. Kung trip mo asaran go.. isa
akong salamin na kaya kang gayahin. Kaya kung paparamdam mo sakin na wala lang
ako, ibabalik ko sayo yun. Kung tipong sobra na binibigay ko.. titigil ako..
Sa pagmamahal nabigay mo na ang lahat pero kulang pa din,
nabigay mo na ang buo pero hinihingian ka pa din ng sukli. Pero sa sukli na yun
minsan kelangan, para maibalik din sayo ng buo.
Give and take!! di
dahil ganito ako wala ka ng gagawin.
Nalaman ko na kaya ko pa din kontrolin ang galit ko at
palipasin, kaya kong baguhin ang ugali ko at iwasan ang panunumbat. Nalaman ko
na mahina ako mag cope up sa away dahil di ako makatulog sa gabi , pero di ko
pinapahlata.. umiinom sa tuwing may sama ng loob. Di ko kayang itago pag may
mali pero kaya kong tiisin.
Nalaman ko dapat open minded marunong magfocus sa
pakikinig…. FOCUS
Makinig at tumingin ka pag may nagsasalita, ang tenga pag
pinagdugtong hugis puso kaya kung marunong kang makinig marunong kang magmahal.
Nalaman kong dapat kahit naramdaman mo na, sya na.. wag
mo pa ding ibigay lahat dahil madidisapoint ka lang ng sobra… hinay hinay,
huwag mong gawin sa kanya nalang umikot mundo mo, mahirap baka wala ng matira
sayo.
Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo, pero lahat ng gusto
nya naibigay mo pagdating sayo. Wala.
Sa pagmamahal dapat di naghihintay ng kapalit o ng sukli
pero pano mo nga maibibigay ng buo kung wala naman bumabalik. Nakakapagod din
yun. Lugi negosyo, para kang naghintay sa wala. Para kang tanga.. dapat
praktikal na ngayon, realidad.
Ang pinakamahirap naman sa paghihiwalay eh hindi yung
nawala sya ,kundi yung taong naging ako nung nandyan sya..
Di ko pala kaya… pero choice nya yan..
Ikaw mahal mo? Papakawalan mo??
Praktikal na sagot: Depende…….
Ako? Walang pero
pero o ano ano..
MAHAL MO EH… kahit masakit? Bakit my pagmamahal bang
walang nagkaksakitan? Mahalin mo nalang sarili mo kung ganun!
Kahit demending? Bakit pagmamahal bang walang demand?
Kahit matampuhin? Hay naku, magtanong kapa! Sapakin na
kita
Kahit magastos? Eh di magtitigan kayo buong maghapon ewan
di ka magutom
Kahit ? magtanong ka pa sige!
MAHAL MO NGA EH dapat yan lagi mangibawbaw tapos
EH MAHAL TALAGA KITA EH…. J