Miyerkules, Agosto 31, 2011

Patches with 7 Rubber

Marami sa atin ngayon ang kapos sa buhay at umaasa sa mga taong may puwesto sa gobyerno. Mga libreng training, pagkain at serbisyo sa ibat ibang ahensiya.

Pero masasabi mo ba na sulit ang buwis na binabayaran mo kung makikta mo ang squatter sa kanto?
Mga sirang barko at dispalinghadong ambulansya?

Kung magbibigay ka ng serbisyo ibigay mo sa lahat ng nangangailangan hindi sa kung sino ang nasasakupan mo lang at may voters id sa lungsod mo.
Panu masasabing nagkakawang gawa ka kung pinipili mo ang dapat tulungan?

Dati wala akong pakiaalam, walang kamuang muang pero ngayon, naiintindihan ko na kung pano humahati sa pinagpaguran mo ang di naman kasama sa pagkapagod mo. OO, masakit dahil pagod ka at tila wala naming nangyayari sa binibigay mo na buwis para sa kanila. Ngayon ko nalalaman na dapat akong makialam, alamin ang bawat anggulo. Buwis? Buwisit!! Sana lang matulungan tayo nito sa oras na kailangan natin…

Kayo napo ang humusga…

Hindi lahat ng mga nasa gobyerno nangongotong, iba ung gustong mangotong sa tumulong..

Ang ibang tao gumagawa ng di mabuti para sa magandang dahilan!! pero pano kung ang magandang dahilan para sa kanila ay mali sa paningin ng ibang tao, pano? San ka lulugar, gawin mo man o hindi ang isang bagay, may masasabi at masabi sila sayo. Gawin mo ang tama sa sarili mo, dahil kung may huhusga man sayo yun ung nasa taas at walang ibang kakampi ang sarili mo kung di ikaw. Kunsensya mo cargo mo. Ngayon saan ka?

Nagnanakaw ka dahil gusto mong may maipakain sa pamilya, 3 beses sa isang araw kahit alam mong mali, para sa mahal mo sa buhay gagawa ka ng paraan dahil sa kahirapan. Manloloko ka ng ibang tao na kahit alam mong mali para lang maitawid mo sa binngit ng kamatayan ang nanay mo sa ospital. May iiwanan kang anak o minamahal dahil may gusto kang mangyari maganda para sa sarili mo o sa kanila. Gagawa ka ng tulay sa lugar nyo at iioover price mo para may pumuntang ng pera sa bulsa mo para makapagpagwa ka ng bahay para sa hinaharap mo.
Mali pero maganda ang intensyon, Masama dahil my ibang naagrabyado. Sa mata mo tama, sa mata ng iba mali, sa mata ng batas may parusa. Pero pano mo titingbangin ang mga posibilidad na to sa buhay natin? Panu titingbangin ang mga bagay na to sa buhay natin? Bilog ang mundo sabi nga ng ilan kaya kahit anong mangyari tuloy ang buhay kaibigan. Ikaw ang maghahabi ng bukas mo, at bahala na ang nasa Taas pag katapos mo sa mundong ito.



Hindi kung gaano ka katagal nabuhay sa mundong ito kundi pano mo ginawang makabuluhan ang buhay mo para sa iba at sarili mo.. Its worth it!

Kung gusto mong maging, maging pinakamagaling ka tipong pagmamalaki ka ng karamihan. Wala ng sasarap pa sa pagtanda mo sa buhay ay nalaman mong naipagmalaki ka at naalala ka ng mga taong natulungan mo. Nagiwan ka ng kurot at ngiti sa puso nila na di mawawaglit na nagging bahagi ka ng buhay nila..

Pano? Ano? Nauna nga ba ang itlog o manok? ^^

Ewan!

Hindi ka nagiisa, kung di mo kayang gawin ang isang bagay may gagawa nito para sayo,, dahil simulat sapol, di natin kayang gawin lahat ng bagay para sa sarili natin.
Alam mo bilang tao ang kakayahan mo, kahit na ano pang gawin mo imposible mong magawa ito magisa, pero kung di mo gagawin ang lahat ng makakaya mo, wala ding kwenta to.

Hindi mo kasalanan na ipinanaganak ka na mahirap, kasalanan pagnamatay ka na mahirap. Hindi natatapos ang pangarap sa pagtupad nito dahil sa totoo, marami kang pangarap, pangarap na di natatapos at di nauubos. Kaya wag mong sisihin ang sinuman kung anu ka man ngayon dahil walang mangyayari, walang magbabago.
Wag kang matakot na baka magkamali walang mapapala kung di magbabakasakali.

Kung may pera ka, kaya mong bilhin lahat pero di ang kaligayahan at hindi nito mapupuno ang kumakalam mong sikmura, kelangan mo ng pagkain.


Special Thanks to:

Parokya ni Edgar for the lyrics
Sa Utak kong Kulang sa Langis at Putol putol magisip
Bob Ong


If Youre afraid of making mistake,
           you wont be able to do anything – Sanji “Secret of Gunkan Island”


“One Person can only do so much, No matter what you want to do its impossible to do it alone, But if they don’t do all they can for you its meaningless. Don’t you think?
- Nami “Dessert Island Arabasta”


Swerte ng ba ang numero nyube? Dahil lucky 9, O baka naman otso?

Martes, Agosto 23, 2011

6 Black Ballon






 Tunay ngang dakila at napa sagrado ng buhay natin, sa simula palang ng atin buhay sa sinapupunan palang ng ating ina, ay ramdam na natin ang kanilang pagmamahal, kaalalay si tatay sa pagsisimula ng iyong buhay.

Heto ang simula,
Paglabas ko sa mundong ito, unang iyak ang ating pinarinig, walang kamuang muang sa landas na tatahakin, sa buhay kong ito, uumiiyak ako sa dalawang bagay una sa gatas pangalawa kung may ibang nais. Natutu ako gumapang, tumayo, maglakad, magsisimulang bumigkas ng mga salita, mabukulan dahil sa kalikutan at sa pagsisimula ko sa buhay nato si nanay at tatay ang ating hinahananap.

Dumating sa buhay ko na di maiiwasan, papakilala ako sa eskwelahan, ang mga araw nato ay mahirap simulan, sa isang batang tulad ko, natuto akong sumulat ng pangalan, natututong magsalita ng mas marami, natututo akong sundan ang huling salita na binabangit ng teacher habang nagdarasal ng sabay sabay. “Sabi ni teacher” Sabi ni teacher…lagi ko daw sinasabi,
At iiayak ako sa dalawang bagay, bago ka magsimula sa eskwelahan, una dahil ayaw kong iwan ako ni mommy pangalawa nagkaaway ko ni classmate.

Di mapipigilan ang panahon, natututo ako, nalalamnan ng sustansya ang katawan at isipan ko,  lumalaki, dumating na ang araw kung saan excited ako, sa pasukan dahil magkakaroon ako ng bagong pencil case, amoy bubble gum na pambura, bagong lapis, bagong bag at bagong damit. Exciting ang pagpasok, hihintayin ko nalang na bigyan ako ng baon ni daddy o mommy.
Hindi na din ako hinahatid, at hinahanap ko na ang mga bagong kaibigan at si teacher.
Iniiyakan ko ang dalawang bagay masira ang favorite eraser ko, o madapa sa paglalaro ng habulan taya.

Taya! Taya! At minsan Taguan pero uuwi na ako ng bahay, habang madungis at amoy pawis, dahil manunuod ako ng favorite cartoon show ko habang sinasabayan ang mga action scene nila. Power rangers, Poseidon, BTX, Time quest, banana in Panjamas ang mga ilan sa mga paborito kong palabas.

Dumating din ang pagkakasakit ko, alaga ni mommy at excuse letter para ke teacher, tumatakbo ang panahon, di mapipigilan darating ang araw kung san nagpalda ako dahil gagawin na akong tunay na lalaki, matututo kang maturumpo, magtansing, luksong tinik, mag 1x1, mag 10 20, patintero, magtex at maglagay ng goma sa kamay na parang manggas na ng t-shirt ko. Nakipagsuntukan dahil natalo sa pustahan.

Darating ang araw kung saan tinutubuan na ako ng buhok sa kilikili, lumalaki ang boses, at pinapansin ko na ang mukha ko sa salamin, nag-aayos na din ako ng buhok at pumipili na ng pampapoging damit. Uyyy… Binata na, may crush na din ako.

Tatantararan, heto na ang masaya bahagi ng buhay ko, pero di ko alam na may mas sasaya pa, ang kaba at tibok ng dibdib ko para sa mga bagong mukha sa paligid ko. Maraming adventure ang magsisimula at heto na yun.

……………………. Nagpapaalam kay mami dahil sa dalawang bagay may praktis kami para sa event sa school at gagawa ng project. Pero minsan iba ang ginagawa, either naglalaro ng counter strike o nakikipagdate.

Marami pang dumadagdag sakin bilang tao mga bagong kaalaman, kaibigan at tunay na kaibigan. Hindi na si mommy o daddy ang hinahanap si frend na o si girl frend na.

May natutunan ba ko? Masaya ba ko? Sa bahagi na ito ng aking buhay merun at marami masaya at nakakapanabik na balikan. Umiiyak na ako sa 2 bagay: dahil sa girlfriend o dahil bagsak sa exam. Makakapagsimula akong magipon at bumuo ng pangarap ko dito, kasabay ang pagaalaga sa mga batang kapatid at mga alaga naming hayop kung saan ako nakakpag save pag nabenta na.
Anu nga ba? Anung gusto ko maging? ano ano ang landas na tatahakin ko at ng mga kasama ko. Kasama ko paba sila?

Seryoso na, heavy loads without mommy and daddy dahil kelangan nila magtrabaho para makapagtapos ako sa pagaaral papadala nalang ng allowance.

Umikot ang buhay ko sa dami ng byahe at sa aking lola, sa mga kaibigan at Kaibigang sinaktan lang din sa huli.

Hanggang Ngayon di ko alam pano ako nakasurvived.

Sa buhay kong yun, matatapos ang mga pangarap ko at sisimula kong itong tuparin.

Naging makabuluhan nga ba ang buhay ko?

Oo, masaya ako sa aking mga magulang dahil sa kanila nandito ako ngayon.
Oo, sa mga kaibigan ko na laging nandyan sa adventure, sa paguusap ng masinsinan, sa tawanan at paglalaro.
Oo, sa mga kasamahan ko sa trabaho na laugh till you drop ang trip.
Oo, sa mga kapatid kong makukulit.

Sorry sa mga nasaktan ko, sa mga nasaktan ng hindi sinasadya.
Salamat sa mga taong nagmahal at nagmalasakit sa pag iisa ko sa buhay.
Salamat sa mga magulang at pamilya ko.
Sa mga regrets ko, na di na mababalikan

Indeed, Im happy with my life,
Masasabi kong its worth to live, and Im Happy and somewhat fulfilled
Arigatou gozaimasu



23 taong lumipas, ganito ako nagiisip hanggang saan ako dadalhin ng panahon, sa 10 taon kayang lumipas parehas parin ang isusulat ko bago ako mamamatay?

Iiyak ako sa dalawang bagay
Mga araw na mahahalaga dahil di ko kasama pamilya ko.
Sa mga regrets ko at sa mga iiwan ko..

Tatlong bagay:
1. saan ako papunta?
2. matutupad ko pa ba sila?
3. may iiyak din kayang tao, na di ko kaano-ano pero nalungkot sa pagkawala ko?

Whats the point of having what I desire,
      When I can’t share it with anybody.
             Nami – “Sky Island”
 
            _ _ _
   1988-2011 RIP




                                                                                                           
             

Sabado, Agosto 20, 2011

5 Piece of Paper

Unfair ang buhay kung titingnan natin, halos sa lahat ng aspeto, maging mabuti o masama. Parang wala ng fair dito.

Isang halimbawa, ang pagkakatalo ni konsehal sa eleksyon, nadaya daw. Ang pagkakadismiss ng kaso ni Mayor, nalagyan daw. Pero anu nga ba ang tunay na estado ng pagiging pantay pantay?

Senior Citizen binibigyan natin ng benepisyo sapagkat sila ay may edad na at wala ng halos kakayahan magtrabaho.

Kung maghahanap ka ng trabaho ngayon kelangan mong gumastos sa pamasahe, sa pag-imprinta ng mga resume, at photocopy ng mga diploma, TOR at mga experience certificate. Sa mga papel na ito, huhusgahan kung ikaw ay nararapat sa mga posisyon.

Si Juan panalo sa experience at maganda ang records

Samantalang si Pedro, ok ang records pero kulang sa experience

Pero my my dalang kapirasong papel na magdadala sa kanya sa posisyon.

Ngayon, alam mo na siguro kung ano ang ibig sabihin ko dito, tama, Palakasan system hindi na mawala wala. Kasabay ng pagpalit ng panahon at mga nasa posisyon magpapalit din ang mga tao dahil sa suporta na nakuha. Haysss

Kelan? Paano at ano paba dapat mangyari para matuto tayo?

Masasabi ko na pantay pantay na tayo kung pantay pantay ang turing mo sa tao, dumadaan sa tamang proseso at walang unahan. Sarap mabuhay!

Sa panahon ngayon, wag mong sisihin ang propesyon mo kung bakit di ka makapag hanap ng trabaho dahil pinaghirapan mo yan, binigay mo ang pagod at panahon mo dyan kasama ang dedikasyon ng mga magulang mo.. Wag mo isantabi ang pagasa dahil kung patuloy kang mabubuhay, darating ang araw ng kaginhawahan..

Ang lathalang ito ay bunga ng tuyo kong utak kaya boring…

Sa nag-expect pero tila wala pa din, hayaan mo baka sa susunod ulit.



Pano bukas kung mamatay kana? Anong gagawin mo?
Magpapalipad ng anim na itim na lobo?

Salamat sa bumasa at sa mga fans ko… Libre ang autograph just by my Album with the latest single Iris ^_^

“Continue Living your Life and
Good Things will Happen” – Bellemare “The Tale of Cocoyashi Village”

Martes, Agosto 16, 2011

4 Foundation Home

Bahay Upuan: Kanlungan ng Panahon

Sumisilip na ang liwanag, pasikat na ang araw, may kalamigan pa at panay na ang busina ang aking naririnig, mga yapak ng tao kaluskos ng plastic, nakapikit pa din ang aking mga mata kasabay ang hindi ko pagkilos.
            Ngawit na ang aking likod, kasama ang leeg at lubog na ang aking mga paa sa patungan nito.
            Amoy ko na ang usok na dala ng jeep at iba pang sasakyan may konting ihip ng hangin kasabay ang mga mabibilis na sasakyan na dumadaan, at maliliit na boses

Krrugg! Blangg!!!! Ang tunog sabay mulat ng aking mga mata umaga na, oras na para umupo at buksan ang aking mga mata sa bagong umaga..

Isang hikab at unat ng mga kamay tayo at upo.. haharap na ko sa aking salamin para pagmasdan muli ang aking kulubot na mukha.
Tangan ko ang aking suklay, sa paghagod sa aking namumuting buhok kasabay ang paglaglagan nito. Isa, dalawa tatlo hanging ilang hagod kahit parang di naman nagbabago ang ayos nito, may mga buhok na sumasabay sa ihip ng hangin.

Akin ng tatangalin ang aking panginaw upang magpalit ng aking panjama, mayamaya akoy maghihilamos,  konting haplos sa mukha at braso at mga dampi sa aking buhok para magkabuhay ito.

Oras na akoy magbibihis na at susuutin ang aking pang pasok kahit tila wala akong papasukan. Pulbos konting pampapula ng labi at salamin para sa aking presentableng mukha.

Umaasa sa pension na pinagkakasya sa buong buwan, kanin at karumpot na ulam. Pantawid gutom lamang. Tatlong beses sa isang araw.
Taglamig, tagaraw, Bagyot ulan, Lamig usok tinitiis

Ang tanging kasama lamang ay ang silyang sumasabay sa paglipas ng panahon at ang Plastic na lalagyan ng aking mga gamit. Kaakap sa lamig ng dilim.

Matatapos na ang araw, oras na sa pagsuot ng aking pantulog balik sa kanlungan ng aking katawan. Umaasa sa araw ng bukas ay tuloy ang daloy ng dugo at tibok ng aking puso.

Suot ko ang aking panlamig, kasabay ang huni ng mga lamok, nakapikit at mumulat muling pipikit at babagsak ang aking ulo muli akong mawawalan ng kamalayan sa mundo.

Heto, heto akoy hihimlay na sa katahimikan ng gabi at sa pagpikit ng aking mga mata hawak ko ang pangarap ng buhay, sa Aking Bahay upuan akoy muling mahihimlay at kinabukasan sanay katahimikan na ang aking higaan..


Sumisilip na naman ang liwanag pasikat na ang araw……………………….


q Isa po tong obserbasyon sa tunay na buhay, sa aking araw araw na pagkain sa Karinderia habang akoy volunteer nurse palang at ginawan ko na lamang ng kwento ayon sa pakiramdam ko kung ako ang nasakalagayan nya.

q Ang nasa kwento ay isang matandang babae na may humigit kumulang 68 taon gulang na nakatira sa isang upuan sa tabi ng isang laundry shop sa Quezon City, sa aking pagtatanong halos 2 taon na sya doon at umaasa na lamang sa Pension nya sa SSS para sa araw araw na pamumuhay. Kasabay nyan mayroon din akong napapansin na lalaki na paiba iba ng tinutulugan at tanging dala ay isang malaking bag na degulong.

q Carbohydrates abound with Power – Jessica from Marine

q Kung may milagro man akong gustong mangyari yun ay sana bawat Pilipino nakakain ng Tatlong beses sa maghapon at may Maayos na tirahan. Higit sa Lahat may Permanenteng Trabaho..

q Miracles only occur for those with the determination,
               to Never Stop Trying – Impel Down by Iva Chan

abangan……
*Limang Pirasong Papel sa Pitong Pinagtagpi tagping Goma ^_^

Linggo, Agosto 14, 2011

3 strings guitar


Heto buhay pa…

Isang di inaasahang bagay ang nangyari, mga bagay na akala  ko tapos na, 
pero tutuloy papala, nasa puso ko talaga ang musika ewan ko lang kung gusto din ako nito..
Pero sana mapasagot ko siya…

Wala nang ensayo sa pagkalabit ng mga kwerdas ng gitara, wala ng kalyo ang aking mga daliri pero dahil sa isang tao at kaibigan na din kung ituring muli kong ibabalik ang kalyo nito…

Nalaman ko ang Jamming o makikipag jam ay pagkanta at tugtog ng instrumento kasama ang marunong tumugtog din nito pero panu ka tutugtog kung iilan lang ang alam mo…
Nakakahiya, pero ok lang di pa din matatawaran ang saya na dulot ng kanta sakin sa araw na to, lalo na sana kung alam mu silang tugtugin. Mga nota na lumalabas mismo sa kamay mo..

Masaya ako kahit pagkanta lang ang nagawa ko, may natutunan kahit pano at naramdaman ko ang respeto. Respeto na kahit ganito palang ang edad ko ay may level na akong pinanghahawakan sa buhay kahit na malayo ang taon na mga agwat namin..

Katulad ng musika at mga musikerong kasama ko sa musika malayo na ang narating nila ako pasimula palang ulit pero sa propesyon ko ako ang mas malayo.

Praktis pa at makakasabay din ako, at kahit pano nakakasabay ako sa kanta nyo..

Konti pa, Nakakabilib! Ang Galing!

Salamat Kuya Elmer at Kuya Varrie

Salamat sa Respeto!

Ako ay ako. ganito ako depende sayo, Isang Pilipinong Nurse

Ano ang Tagalog ng “Nurse”?





* kuya elmer ay pasyente naming sa dialysis at patuloy pa din ang dialysis si kuya varrie ay dating pasyente ngunit transplanted na.

*hanggang sa muli salamat sa pagbasa.

Sabado, Agosto 13, 2011

License 2 Kill

Isa akong nurse, nurse na dumaan sa kung ano ang pinagdaanan mo.
Nurse na nag-alay ng kawang gawa para sa iba..

Isang nurse na hindi kasama ang pamilya sa mahahalagang pangyayari sa buhay nila.

Pano ba maging isang mabuting nurse?

Hindi ko alam, pero ang R at N na nakadugtong sa pangalan ko
ay may kahulugan at sakripisyong di alam ng ilan…

Tulad nyo marami din kwento ang merun dyan. Mga kwento ng tagumpay at hirap…
Kailangan mo lang talagang magtyaga para sa isang bagay para makuha to…
kaya kung maaga palang susuko ka na…

Suko na rin ako… dahil kung nung umpisa palang sumuko na ko sa pagiging nurse at sa pagsulat nito…
wala ako dito at di ko to natapos.

Lahat may katumbas, lahat ng pagod hirap mo may katumbas
depende sa hirap na dinanas mo at mga patitiis na ginawa mo…

Wala akong pagsisisihan dahil nagtatrabaho ako ng tapat.
Kahit na paulit ulit ang trabaho…
Hindi ko alam ang pagiging mabuting nurse, basta gusto ko sa propesyon ko ay ako yung tipo ng nurse na pagtapos ko silang alagaan ay di nila ako malilimutan..
Yung tipong magiiwan ako ng ngiti at kurot sa puso nila.
Isang nurse na di malilimutan ng pasyente nila dahil sa ginawa mong maganda at ginawa mo ang dapat.

Sa mundong ito kahit gaano ka kabaait darating yung punto na mapupuno ka din, maiinis at magagalit. 
Ako yung tipo ng tao na naiinis pero di expressive sa harap ng ibang tao. Kelangan ng matinding paguudyok para makita mo kung pano ako magalit..

Pilipinas, mundo o pinatatrabahuhan mo ay puno ng “injustice” unfair kung baga, di mo maranasan yung ginagawa mong paraan para guminhawa sila o pagmamahal na tulad na binibigay mo, sa huli ikaw pa ang mali.

Ang Nurse ay Nurse na may pinanghahawakang lisensya, buhay at karangalan pati na paghihirap, sayang kung mawawala.

Ang nurse, humahawak ng buhay isang pagkakamali mo lang may mga bagay na di mo na maibabalik, lagi tayong lumalakad sa makitid na bangin pagdating dito.

Ang Nurse pwedeng maging accounting, computer technician, nurse attendant, karpintero in an instant. Pero di pwedeng ang accounting at iba pa maging nurse..

Nurse tayo sa sarili nating paraan para sa mahal natin sa buhay, pero sana pag Nurse, Nurse lang..

Sorry kung ganito lang ang blog ko, sorry kung may in-expect ka pero wala
Sa mga na-disappoint, sa naghanap ng kasagutan. Sa may hinahanap, malay mo sa susunod mabasa mo na.
Relax lang, kitakits ulit tayo ah..^_^
Salamat!

Make every penny of your work, worth for you, then your work will never regret you…

Make anything in life worth for you. Deserves it.. Embrace It! NO regrets!! Kanpai!!!

People do bad things for good reason…

When you say it, mean it. Be consistent!

A nurse, always has a persons life in their hands,
a small mistake can turn into something you cant take back.
Were always walking on such a narrow cliff – Chopper (Drum Island)

Miyerkules, Agosto 10, 2011

1's Life



People Dreams Never End – Blackbeard (Jaya Chapter)

Life is what we make it…
Either you live or die, smile or frown depends on you…
But, What if..??

Work: 
Make every penny of your work, worth for you, then your work will never regret you…
Lahat ng trabaho paulit ulit, nasasayo na yun kung pano mo gagawing exciting araw araw. ^_^

Yourself:
Make anything in life worth for you. Deserves it. Take a Risk! Embrace It! with NO regrets!! Kanpai!!!

Others:
People do bad things for good reason…

World:
No world without its people just like a home without a family.
But there will no people without world.
Take care of it, people are taking the puzzle piece of the world.

Life:
Hindi hihinto ang buhay ng tao sa paligid mo dahil lang nadapa ka, tuloy tuloy yan.
Kung hihinto ka man dahil lang sa pagkakamali, maiiwan ka. May oras pa di pa huli ang lahat. Buhay ka pa! Yourself!!!
Tuloy tuloy ang ikot ng mundo di to hihinto para lang sayo at kung ikaw ay maiwan, Pano na?

Love:
Tuloy tuloy ang ikot ng mundo di to hihinto para lang sayo at kung ikaw ay maiwan, akoy babalik at di ka papabayaan.
Dito mo madidiskubre kung sino ka talaga, kung panu maging korny, kung panu kiligin, kung pano masaktan at magalit.
Kung panu gumawa ng paraan para Makita sya.
Diskarte, time management, Budget.
Higit sa lahat poporma ka.. hahaha
Kung pano magselos. Kaya nga “Love is the greatest discovery you can have on yourself”
Pero dapat handa ka masaktan dahil kung di ka nasasaktan di ka nagmamahal.

Law:
When you say it, mean it. Be consistent! A Good Example.

Pano nga ba nauso ang right minus wrong sa exam?


Kung ngingiti ka gawin mo na, dahil ang pagiging masaya ay nasasayo kahit pa anong lungkot ng buhay mo. ( Life is what we make it )

Isinilang ako sa kapatagan ng berdeng bukirin lumaki sa gitna ng asul na dagat at nasanay magisa sa alikabok ng mabilis na panahon.

Pano kung ginawa mo na ang isang bagay pero kung may ginawa kang iba yun pa din kaya ang mangyayari?

Naniniwala ako na sa mga desisyon sa buhay maraming aspeto ang pwedeng makapagpabago nito..

May gawin man akong maganda o wala o kahit puro maganda ang mga tao ay may masasabi pa din..

Kung ikaw yan, dapat maging ikaw ang pinaka magaling sa kung ano man ang propesyon mo sa buhay maging maliit man yan o malaki…

Maging kontento dahil kung meron kang 100 piso nalang para gastusin, alam ko na mas mahalaga ang 100 piso para pantawid gutom ng mga pamilya sa tabi ng kalsada.
Magisip ka…

Salamat sa babasa at babasa palang magcomment at magbigay ng payo ay ayos lang

Salamat Bro, di mo ko pinapabayaan kahit magisa ako sa buhay at marami na akong napalampas na mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya ko..


Ako ay ako, depende sayo, Isang Pilipinong Nurse!

Ano ang Apelyido ni Prince William?

Sino Ka? Tara na!!!

Pagsisimula, pagtetesting..
Nasaan na nga ba tayo?
Interesado ka ba?
Halina at sumama sa ibat ibang pakikipagsapalaran ng Taong kilala mo pero hindi mo nakikita.
Hahahahaha Tara na,, Rock On!!

Sabado, Agosto 6, 2011

Pambahirang Pagkakataon sa Isang Taon

Life is What we Make it....

Ito ang una kong pagkakataon magsulat ng blog,
kaya hindi maganda, yung litrato lang siguro sa likod yung magdadala..

Sa pagsisimula ko sa pag gawa nito, lumalabas na sa mga instruksyon sa web page na ito ay parang mahirap intindihin kahit tagalog na ang pinapaintindi sayo..

Nahirapan akong i-edit ang blog na ito dahil save lang ako ng save...

Sa kabilang banda akin namang natutunan di ang paggamit pero hindi sa sa sukdulang gamay ko na sya...

ano nga ba? bakit nga ba ako nag susulat dito..

Simple dahil gusto kong sumulat at ipahayag ang gustong kong sabihin dahil na rin sa impluwensya ng kaibigan ko na kayang gumulong sa buhangin at tumawa pagkatapos nun.

Isa din akong tao, tao na mahina sa lahat ng bagay, mahina humarap sa ibang tao, mahina humarap sa hamon ng buhay at mahina sa mga bagay na di mo pa alam na manayayari..

Pero panu mo malalaman na malakas ka kung di mo mararanasan na maging mahina, malakas ka kung ang kahinaan mo ang nagsilbing lakas para bumangon sa dagok ng buhay.
Malakas ka pag nalaman mo na ang limitasyon mo ay mas mataas pa sa inaakala mo..

Wag mong hayaang humina ka dahil tao ka may halaga ka sa bawat tao sa paligid mo, apakan ka man nila tulad ng Pera pero di parin nila mawawaglit nag tunay na halaga mo..

"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang"

Tao ka, nasasaktan, nadadapa at nagkakamali.

Pero tao ka na nilikha ng diyos na may isip, upang sa pagkakadapa mo alam mo kung panu bumangon at maging malakas para sa araw ng bukas.

Matulog ka at mag ipon ng lakas para bukas kasabay mo ang araw na ngingiti sa mag gintong butil ng palay na inani mo....