Martes, Agosto 16, 2011

4 Foundation Home

Bahay Upuan: Kanlungan ng Panahon

Sumisilip na ang liwanag, pasikat na ang araw, may kalamigan pa at panay na ang busina ang aking naririnig, mga yapak ng tao kaluskos ng plastic, nakapikit pa din ang aking mga mata kasabay ang hindi ko pagkilos.
            Ngawit na ang aking likod, kasama ang leeg at lubog na ang aking mga paa sa patungan nito.
            Amoy ko na ang usok na dala ng jeep at iba pang sasakyan may konting ihip ng hangin kasabay ang mga mabibilis na sasakyan na dumadaan, at maliliit na boses

Krrugg! Blangg!!!! Ang tunog sabay mulat ng aking mga mata umaga na, oras na para umupo at buksan ang aking mga mata sa bagong umaga..

Isang hikab at unat ng mga kamay tayo at upo.. haharap na ko sa aking salamin para pagmasdan muli ang aking kulubot na mukha.
Tangan ko ang aking suklay, sa paghagod sa aking namumuting buhok kasabay ang paglaglagan nito. Isa, dalawa tatlo hanging ilang hagod kahit parang di naman nagbabago ang ayos nito, may mga buhok na sumasabay sa ihip ng hangin.

Akin ng tatangalin ang aking panginaw upang magpalit ng aking panjama, mayamaya akoy maghihilamos,  konting haplos sa mukha at braso at mga dampi sa aking buhok para magkabuhay ito.

Oras na akoy magbibihis na at susuutin ang aking pang pasok kahit tila wala akong papasukan. Pulbos konting pampapula ng labi at salamin para sa aking presentableng mukha.

Umaasa sa pension na pinagkakasya sa buong buwan, kanin at karumpot na ulam. Pantawid gutom lamang. Tatlong beses sa isang araw.
Taglamig, tagaraw, Bagyot ulan, Lamig usok tinitiis

Ang tanging kasama lamang ay ang silyang sumasabay sa paglipas ng panahon at ang Plastic na lalagyan ng aking mga gamit. Kaakap sa lamig ng dilim.

Matatapos na ang araw, oras na sa pagsuot ng aking pantulog balik sa kanlungan ng aking katawan. Umaasa sa araw ng bukas ay tuloy ang daloy ng dugo at tibok ng aking puso.

Suot ko ang aking panlamig, kasabay ang huni ng mga lamok, nakapikit at mumulat muling pipikit at babagsak ang aking ulo muli akong mawawalan ng kamalayan sa mundo.

Heto, heto akoy hihimlay na sa katahimikan ng gabi at sa pagpikit ng aking mga mata hawak ko ang pangarap ng buhay, sa Aking Bahay upuan akoy muling mahihimlay at kinabukasan sanay katahimikan na ang aking higaan..


Sumisilip na naman ang liwanag pasikat na ang araw……………………….


q Isa po tong obserbasyon sa tunay na buhay, sa aking araw araw na pagkain sa Karinderia habang akoy volunteer nurse palang at ginawan ko na lamang ng kwento ayon sa pakiramdam ko kung ako ang nasakalagayan nya.

q Ang nasa kwento ay isang matandang babae na may humigit kumulang 68 taon gulang na nakatira sa isang upuan sa tabi ng isang laundry shop sa Quezon City, sa aking pagtatanong halos 2 taon na sya doon at umaasa na lamang sa Pension nya sa SSS para sa araw araw na pamumuhay. Kasabay nyan mayroon din akong napapansin na lalaki na paiba iba ng tinutulugan at tanging dala ay isang malaking bag na degulong.

q Carbohydrates abound with Power – Jessica from Marine

q Kung may milagro man akong gustong mangyari yun ay sana bawat Pilipino nakakain ng Tatlong beses sa maghapon at may Maayos na tirahan. Higit sa Lahat may Permanenteng Trabaho..

q Miracles only occur for those with the determination,
               to Never Stop Trying – Impel Down by Iva Chan

abangan……
*Limang Pirasong Papel sa Pitong Pinagtagpi tagping Goma ^_^

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento