Magandang araw kung nakasikat ang araw at magandang gabi kung buwan ang nakikita mo sa bintana mo…
Masarap maglakad, at halos kalahati ata ng buhay natin ginugugol natin sa paglalakad at aminin mo man o hindi, masarap maglakad lalo na kung may kasama ka at maganda ang mga nakikita natin sa kapaligiran at malas mo kung hindi ka naglalakad at nuhuhulog lang ang mga buhangin ng tsinelas mo sa carpet ng sasakyan mo.
Tara, sama ka at sumabay sa paglalakad ko, simulan natin sa isa sa pinaka malaking lugar at syudad dito sa aking bayan, pangalan ng dating presidente ang syudad, at marami kang makikita, habang naglalakad ka, malalaking gusali, tumatakbong ulap at mahalimuyak na hangin na may rekado ng sari saring polusyon. Tuloy tayo sa paglalakad, heto sa kabila ng tagumpay ng syudad, maraming investor, magagarang kainan at sari saring mall. May makikita ka pa ding mga tao na natutulog sa kalsada kasama si bantay sa ilalim ng malamig na puno. Heto makikita mo ang mga matiya- tyagang tao na naghahanap buhay para mairaos ang araw.
Heto makikita mo sila inang at itang na nagtitinda ng kendi sa eskenita at mga tabing daan na dapat nagpapahinga na sa edad nila.
Si junior, umagang umuga maingay na, maingay sa mga kanto na nagtatawag ng pasahero para sa baryang kikitain pang laman tyan. Si kuya tumatakbo at nambubulahaw para sa pandesal at dyaryo na dala dala upang may pambaon sa pagpasok.
Ganito na ba tayo? Nasan na tayo? Ano ba ang mas imporatante? Investor o ang mga tao? Tila napapabayaan na yata tayo?
May batas tayo, alam ng lahat yan batas na nagbabawal sa mga tao o vendor sa side walk dahil daanan nga naman yun ng tao. Pero sa kabilang banda kung titingnan natin, diba dapat nating tulungan ang mga taong ito dahil sila ay nagiisip, nagiisip na mabuhay at nagtatrabaho ng marangal na walang naaagrabyado.
Pero sa nakikita ko, ang mga taong ito ay takot, takot kapag nakikita na ang mga awtoridad dahil, para silang mga daga pag nagpulasan pag nandyan na ang mga pusa.
Bakit hindi natin sila bigyan ng masisilungan pag nagtitinda, espasyo para magkaroon sila ng katiwasayan sa pagtitinda dahil alam nila na legal sila magtinda at marangal. Kung sa tutuusin ata kasi mas madali silang hulihin kesa sa mga holdaper at pang ssnatch ng kagamitan ang ginagawa.
Wag naman po ganyan, pare parehas tayong naglalakad ng may tsinelas sa paa sana kahit pano malaman nyo na ang mga taong ito ay gusto lang kumita at mabuhay bigyan natin ng pagkakataon at ng proteksyon mula sa buwis ng mga taong kayang magbayad para sa mga katulad nila kuya, junior inang at itang.
Tumawid tayo, at makipagpatintero kay kamatayan, hayun……..!! hule ka…
Sa buong maghapon nandiyan si manong pakumpas kumpas na tila hindi alintana ang init ng araw at halos tutong na ang balat para lang maisaayos ang trapiko. Tapos pag bumagal ang takbo ng mga sasakyan sa kanya pa ang sisi “may enforcer kasi kaya traffic” hindi ba kayo nagiisip? Ginagawa nya lang ang trabaho nya dahil gusto nyang mai-saayos ang takbo ng trapiko dahil kung wala sya, kanya kanya kayong unahan sa pagtawid, walang bigayan kahit si inang pa ang tumatawid. Harurot pa rin.!! Si manong nagtatrabaho maghapon para matutong ang balat kapalit ng pagkain sa hapag kainan. Pag uwi amoy usok pawis at tila ang baga nya ay pinagbabahayan na ng mga dumi.
Tuloy ang lakad natin, at heto tila mala angel ang ihip na hangin at sumasabay sa saliw sa tugtugin ni Ale. Heto at madilim lagi ang paligid pero kayang tumugtog,,,,, at anong ginagawa nila dun? Mga bulag nasa kalsada tumutugtog para sa barya? Nakalagay pa Donation for the Blind? Bulag na din kaya o butas ang budget ng gobyerno para sa kanila at tila kelangan na nila mamalimos at kumanta para sa barya. Ayaw ko ng magsalita pa, gusto ko lang imulat nyo ang mga mata nyo dahil hindi kayo bulag at huwag kayong magbulag bulagan mula sa mga sasakyan nyong may numero OTSO, at tinted na bintana. OK!?? Huwag lang sana imulat sana may gawin din.
Ang iba hindi makalakad, ikaw mapalad
Ang iba hindi makakita, ikaw tanaw ang liwanag
Ang iba hindi makapagsalita, Ikaw ay makata
At sa mga taong walang trabaho at walang masilungan sa gabi… ikaw mayroon.
Salamat po bro……….
Tara baba tayo, tuloy ang lakad at sakay ng jeep, ano pa ang makikita mo? Nandiyan ulit sina manong, inang itang at junior. Magandang gusali, magagarang sasakyan. Condominium, fast food chainssssss, usok, magjojowawers, ibat ibang klase ng tao. Ang daming sasakyan, ang dami ding usok. Sa dami ng sasakyan, isa na rin siguro necessity sa mga mall at condo ang parking area at parking lot palang bawi na sila sa bayad dahil 1st to 3r floor ng mall at condo parking lot, naiisip mo kung gaano kadami yun? Marami tayong ginugugol sa mga bagay na hindi naman halos kelangan sa buhay natin pero binibigyan natin ng importansya dahil ganito tayo at ganito na tayo. Dahil lahat business para sa iba, ultimo pag ihi business.
Hay mukhang walang patutunguhan ang paglalakd natin ah, puro problema ang nakikita natin…….. at mga kung ano ano pa. Tutuloy pa ba tayo o hindi na?
Tuloy?
Sige tara……….. Para po……..!!!!
Sa pagbaba ko ating baybayin ang kahabaan ng lansangang ito, maghapong di nawawalan ng tao at puro usok ng sasakyan ang malalanghap mo, makikita mo ang sari saring imitasyon ng orihinal mong nakikita at sinusuot. Mga taong nagsusumikap at nawalan na ng ulirat. Mga taong nadadagdagan sa kabila ng kawalan ng bahay na matitiran at hindi pa yan narito pa ang mga nangangalabit na kababaihan na hindi mo alam kung ano ang inaalok nila pero tatanggi ka nalang…. Sa pagikot ng mata mo sa pagapak mo sa baku bakung daan kasabay ang tilamsik ng tubig makikita mo ang kalinga ng ina sa musmos na bata, tumatakbong lalaki na tila hinahabol ni kamatayan at mga hinaing na walang dumidinig.
Sa pagpapatuloy ko, si kuya tila sumuko na ata, at ayun hindi pumasok at may nilalanghap nalang sa tabi ng naglalarong fountain na may naliligong Mama, invinsible ba sila? Pero sina manong nakikita ko nagkwekwentuhan lang ……… Invinsible nga siguro o kaya hindi natin alam magkaiba ng dimension ang ginagalawan nila. Tila una pa yata sila humithit ng kung ano at sila sila nalang ang nagkikita-kita….. Gisingg!!!!!
Masarap magmasid dito dahil, sa kabilang banda makikita mo na marami paring tao ang na kay bro dahil pumupunta sila sa simbahan kasama ang pamilya at ngingiti paglabas dito….. Makikita mo pa rin ang mga tao na gustong tumulong, mga mabubuting loob na umaakay kay inang at nagbibigay ng konting tulong sa kanila. Sina pastor na nagbibigay ng libreng pagkain.
Masarap pa ding pagmasdan ang lumulubog na araw kasabay ang nagsasayawang alon ng dagat at mga tsinelas at plastic cup dito.
Masarap ding pagmasdan ang sayaw ng ating bandila kasabay ng pagdampi sa atin ng malamig na hanggin. Na sa gitna ng nalalakihang gusali, magandang parke at bumibilis na dami na pwedeng gawin, nariyan ang sumsalamin kung ano tayo at pano na tayo…
Masarap paring sabihin na sariling atin ito, dahil dito natural.
Kahit ganito, atin sya!!
Hay buhay, isang buntong hininga…. Nabubuhay na ang gabi sa sari saring ilaw na naglalabasan. Naririnig mo na ang mga malalakas na musika mula sa isang restoran at tila party party na…… Ibang mundo na sila at walang pakialam.
Dito hindi nagpapahuli ang iba at on time walang late…
Sana ang opisina natin o ang mga meeting o pagtitipon ay parang mga hang out place o kaya mall dahil dito walang nalalate at tila willing pa sila pumila para lang pagbuksan at makapag party. Dahil sa pag may party hindi ko tinotodo, isang malusog na atay yan ang sekreto ko, maging liver lover mag Liver Aid. hahaha
This is the Perfect Nine
Tara na mas dumidilim na, at delikado na at baka biglang may mawala sa mga hawak natin… Sakay na muli ng jeep, at heto bawal magyosi ang nakalagay sa jeep pero ang usok dadampi sa pisngi mo at malalanghap mo. Hindi na ko magrereact at ang NO SMOKING sign dito ay pagpapahiwatig na pwede kang manigarilyo kahit bawal.
Paglingon mo sa kanan, makikita mo na ang ibat ibang kulay ng banig na nakalatag, ang iba tila kulay usok na. Nalilito? Pwes tama ka, ang mga banig na nakikita mo ay mga higaan nila Kuya, Junior inang at itang. Sa ilalim ng bilog na buwan at malamig na gabi.
Magkakatabi sila, at nasa tabi din si bantay, halos katatapos lang nila kumain at sabay sabay silang mag-anak. Pero may isang bagay ang nagpahiwatig sakin sa buhay, yun ay ang pagsasama sama nila sa pagkain at tabi tabi nila. Buhay na, payak at hindi kelangan ng ano pa man. Si itang at inang magkatabi at magkayakap nakatingin sa bilog na buwan at isa sa mapapansin mo sa kanila ay ang ngiti sa mga mukha nila.
Hay buhay, Isang mahabang buntong hininga. Masaya sila. Masaya at batid ko yun sa ngiti nila sa kabila ng estado nila sa buhay at kalagayan ng banig nila, heto sila magkakasama at masaya, tila hindi na nila kelangan pa ng rason para magkabahay o kung ano pa man dahil they can manage.
Contentment ika nga, ito ang magpapasaya sa tao. Hindi ka na maghahangad pa ng iba dahil kung anong merun ka ay sapat na. Kasiyahan, hindi mo mabibili sa kabila ng lahat heto parin dapat ang mangibabaw dahil sa kasiyahan may pagibig.
Sa paglalakad kong ito, tila hindi lang ako naglakad, naglakad ako ng may kabuluhan dahil nalaman ko na may pakialam ako, naglakad ako ng palalim, para malaman ang mas kahulugan ng buhay.
Ano nga naman kung ikaw si manong kung masaya ka dito at paguwi mo ng bahay mo, ay sama sama kayo ng pamilya mo.
Pero may magagawa tayo, ikaw at lalo na ikaw na nasa upuan.
^_^ ang sarap ngumiti, tila walang problema.
Pero tandaan mo, isipin mo sila itang inang junior at bantay na kahit walang wala sa buhay ayun sila, tabi tabi masaya kumpara sa buhay mo kung ano ka man….
Aw, ang sakit naman, pud pud na ang tsinelas ko..
Bahay na… ang sarap humiga….
Maliit na bagay kung titingnan, mo pero makabuluhan….
Hay…………….. Thank you Lord! Ngittiiiiiiiiiiiiiiiiii..
Pikit mata at ……………………………..
REM NREM NREM Dream……………………………….
Magandang gabi at matamis na panaginip sa inyong lahat……………………….
……………………. Twing!!
………….. on dreams………………
Isang araw, may mayamang tatay ang nagsama sa kanyang anak..
Ipinakita nya sa kanyang anak kung pano ang maging mahirap, ginugol nila ang kanilang oras sa bukid, kasama ang pamilya na nakatira doon.
Ng pauwi na sila tinanong ng tatay ang anak “Nakita mo ba kung gaano sila kahirap? Anong natutunan mo?
Sumagot ang anak “Meron tayong isang aso, pero sila apat at may manok pa. Meron tayong swimming pool pero sila may ilog. Merun tayong magagarbong ilaw sa gabi, ang merun sila bituin. Kailangan nating bumili ng pagkain pero sila inaani nila sa pagtatanim at pagpapatubo nito. Meron tayong malalaking haligi para protektahan tayo sila mga kaibigan. Meron tayong encyclopedia sa kanila naman ay Biblya.
Maraming Salamat Papa, dahil pinakita mo sakin kung gaano tayo kahirap.
Hindi ito tungkol sa pera at pano tayo nito pinapayaman, kundi tungkol ito sa pagiging payak kasama ang Diyos sa ating buhay…..
zzzZZZZZZZ….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento