Martes, Oktubre 11, 2011

Fifth Shift

May mga taong kahit alam na nilang magagalit ka sa isang bagay, ay gagawin pa din nila ito. Mga bagay na dapat at alam na di dapat gawin ay ginagawa.

Kung sa mundong ito, may nakakakilala sating tunay na pagkatao kung pano tayo magalit, tumawa matulog, o di kaya pano ka sumpungin at maglambing. Tama, sa pagkatao natin magulang ang nakakakilala.

Pero may mga bagay, na sadyang di na nasusubaybayan ng ating magulang pag tayo ay nahiwalay na sa kanila.

Hindi na nila alam kung pano ka magisip, makisalamuha sa tao o di kaya magalit ng sukdulan.

Saking pakikipagsapalaran sa buhay na to, marami ng nangyari, nagbago, marami ng impluwensya sa pagiging ako at kung pano na maging ako.

            Maraming tao, ang humubog sa kung ano ako ngayon, pero kung ano ako ngayon masasabi kong hindi ako kilala ng magulang ko o ng pinakamatalik kong kaibigan.
            Sa mundong ito, 3 tao lang ang nakakakilala ng husto sakin una, si Bro pangalawa sarili ko at pangatlo ang Girl friend ko.

Marami ng kaming pinagdadaanang saya, road trip, tawanan, kulitan, iyakan, sakitan at mga tagpong kahit sa pelikula makikita. Dumating din sa puntong nagkakasakitan na kami at nagkakasamaan ng loob. Nakita nya kung pano ako magalit, tumalon sa tuwa at kasamang nangarap. Tumawid sa dagat, katabi sa malamig na gabi, alaga sa higaan, panunuod ng sine at kung ano ano pa.

Sya ang taong mas kilala ako sa sinuman sa buong tao sa mundong ito, wala na kong ibang dahilan, dahil sa haba ng taon, nangyari lahat ng iyon at di ko na alam kung may makakapag tyaga sakin tulad ng ginawa nya. Wala akong itatago.

Siya ang tumiis sa pagtitiis ko, sumalo lahat ng galit ko, kasamang tumalon sa tuwa. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na may kasamang iba maliban sa kanya.

Wala ng panahon ang makakapag palago ng samahan naming tulad ng iba.

Kahit na puro negative ang nasa ulo nya at hindi nya ko makasama sa matagal na panahon, may rason ako para maghintay maghintay sa pagmamahal na pinagtibay namin.

Salamat sa pagtanggap kung ano ako at sa pagtitiis sa kung ano ako.

Mahal kita walang pero pero walang dahilan. MAHAL KITA DAHIL IKAW YAN WALA NG IBA!

Matagal din kaming di nagkita ng girlfriend ko halos isang taon, at ang isang taon na yun ay hindi madali, parang isang dekada ang lumipas yung tipong, sa tinggin nyo pag nagkita kayo ay di kayo magkakilala at isang ibang tao lang.

Pero sa aspetong ito hindi mo maipaliwanag kung anong nababalot na hiwaga merun talaga ang pagibig, dahil pagkakita palang naming animoy parang kahapon lang kami di nagkita at parang pinagdugtong ang araw na nagkahiwalay kami at ngayon. Niyakap nya ako ng mahigpit at ganun din ako sa harap ng maraming tao. Hindi mo maipaliwanag kung bakit ganun o talagang dahil sa koneksyon at pinagsamahan naming ganun nalang yun.

Isa pang bagay ang nakakatuwa ay, kahit gano kami magaway sa telepono at tampuhan magkita lang kami, hindi na kelangan ng paliwanagan at tapos na ang di pagkakaunawan sapat na na makita naming ang isat isa at ayos na. Tawanan na muli at ayaw mo ng matapos araw na parang wala ng bukas.

Ang iba gumagastos ng malaki para lang sa excitement sa kakaibang adventure at sa mga unforgettable moment pero para samin, kahit anong lugar magiging perfect nasasayo na yun para ihandle ang lugar.

Halimbawa tanghalian at nakaupo kayo sa labas ng jolibee, dun kayo kumakain that is not a good place maraming tao at palasak na pero magagawa nating kakaiba ito sa pagsukob at pag gawa nyo ng sariling mundo dito. Pagusapan ang mga bagay at pagtripan ang nakikita. Ang salita ay makapangyarihan samahan mo pa ng imahinasyon mo.

Kuntento na kami na maglakad at pag usapan ang mundo at tumuhog ng fishball sa kanto. Dahil ang buhay/pagibig ay parang kalsada na lalakarin nyo sa simula marami kayong masasalubong na tao, maghahabulan, may maiiwan, may away sa kanto at tampuhan. Desisyon kung liliko ka ba o hindi. Kahit pa makipot ang dinadaan nyo o nakasasakyan ka pa, isa parin ang tinutungtungan mong lupa. Ang mahalaga, may natutunan ka habang naglalakad, masaya ka at may kasama ka.

Masaya ako na ikaw ang kasama ko….

Salamat JCO….

Salamat, hindi talaga ako sanay magpahayag ng saloobin ko lalo na ng masasayang karanasan. Kaya ngayon lang merun nito. Dahil mas gusto ko ang malulugkot, pero heto sinubukan ko. Salamat!! Pero sana may napulot kang aral…..

Higit sa lahat, wag na wag mong kwekwestyonin ang pag ka miss sa yo ng isang tao dahil hindi mo alam kung gaano kasakit ang mangulila sa kanila.

Love is the greatest discovery you can have on your self.

Looking forward to spend the rest of my life with you………..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento