Helo, pagkatapos ng mahabang pahinga sa kabila ng kapaguran......
Heto ay isang imahinasyon lamang at wala kang dapat ikabigla.
Nanaginip ako bigla kung mamatay ako at mabubuhay muli, gusto ko ang isang taong tulad niya. Isang tao na misteryoso at tila walang pakialam sa mundo, makita mo palang siya ay matatawa kana at sa mga kilos nya panalo sa hagikgik ang tyan mo.
Naiisip mo ba kung sino siya? Sige, heto pa.
Hindi ko alam kung gaano siya kamisteryoso pero, kahit masasabi mong may pagkamahina ang utak nya ay matotouch nya parin ang mga tao na nakakapanuod sa kanya may aral na iiwan at mapapabilib sa pagiisip nya.
Hahaha, kuha muna? Tama….
Siya nga.. si Mr. Bean.. Johnny English, Rowan Atkinson
Siguro hindi ko na kelangang ielaborate pa, dahil sa pangalan palang at ang tao sa likod nito maiintindihan mo na ko. Ok? Hehehehe sabay sabay tayong tumawa. ^_^
Kahit tulog tayo, tumatawa tayo, naranasan mo na? o yung biglang mapasipa at nasipa mo ang pader nyo at nagising ka sobrang sakit pero tulog ka ulit tapos maya maya may drama na, na nangyayari sa utak mo at sumasabay na din ang pagpatak ng luha mo.
O kaya tila may istorya ka na maganda na tumatakbo sa panaginip mo at ikaw ang nagdidigta sa mga nangyayari ng biglang may kakatok say o at gigisingin ka, at biglang parang bula na mawawala ito at hindi mo na alam ang nangyari.
Tama ba? Nanaginip ka nga!
Pero ang masakit sa lahat ay sa pagbaling mo sa kaliwa o kanan habang nananginip ay bigla kang magka cramps sa sobrang sakit, maluluha at tatawag ka ng tulong at babangon bigla dahil………
………..
…………………………..
Nanaginip ka. Tama nanaginip ka nung bata ka, nasa swimming pool ka, lumalangoy, sumisisid nakikipaglaro at tila gusto mong maranasan ang pag ihi sa pool dahil hindi naman halata pero sa kabila noon ay parang nasa swimming pool ka na din na may falls at bigla kang babangon dahil basa. Oo basa na ang sapin at lumot pati short mo dahil nagkatotoo na ang swimming pool sa kwarto mo.
May mga panaginip para sa lalake, hehe at mga panaginip ng pakikipag away na nagsasalita ka pa… Pag sinabi sayo ng babae, na naghihilik ka pero nanaginip ka. Sabihin mo, hindi ako naghihilik, napanaginipan nga kita. Dahil sabi, ang mga taong naghihilik hindi natatandaan ang panaginip o walang panaginip at all.
Kaya pag nanaginip ka, hindi ka naghihilik. Ok?
Tapos…
GISSSSIINNGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Wahahahahahaha……………….
Hanggang sa muli…….. twing!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento