Magandang Hapon, heto ako nagsisimula muli salamat sa mga sumubaybay sa unang yugto, ng aking pagsusulat at samahan nyo ko muli sa aking pangalawang yugto.
Heto na heto na ahhhhhhhhhhhhhhhhh……………
Hmmm well, nandito ako ngayon nakaharap sa laptop ko dahil may pumasok na sa isip ko na isulat ako after 1 week na tuyo ang utak ko, walang lumalabas at puro simula lang ang nagagawa ko siguro sa mga susunod na letra matatapos ko na ang naisip kong ito.
Ganito yun, nasa karinderia ako at tapos ng kumain ng biglang may dumating na maputing babae na nagpapasama sa serbedora sa isang mall. Kung mapapansin ko nasa 30 na ang edad ng babae pero maganda sya. Hinihintay nya matapos yung serbedora kumain para samahan sya, pumasok sa isip bakit di ko sya samahan at kunin ang number nya katulad ng napapanuod ko sa mga chick flick movie pero its just a day dream hindi ko magagawa yun. Naimagine ko lang ang mga scene sa mga pelikula na napanuod ko hanggang narinig ko ang mga katagang ito sa babae “kinakabahan na ko malapit na kasal ko”
Nashock ako ng konti dahil ikakasal na sya, pero hinihintay ko lang ang pagkakataon para umuwi na ko pero nakikinig pa din ako sa usapan nila.
Hindi ako tsismoso minsan masarap lang talaga makinig at pagmasdan kumilos ang mga tao sa paligid mo at magsasalitan sila ng mga idea sa isang paksa.
Ang paksa KASAL.
30 year old girl – “Minsan lang daw sya ikakasal sa buhay nya kaya dapat bongga”
- Gusto ng soon to be husband nya na mas maganda ang kasal sa mga klasmeyt nila na una ng nagpakasal.
Land lady – “baka naman, sobrang ganda ng kasal wala na kayong pang start, na mas importante”
Serbedore na nasa 17 years old siguro – “ok na na simple ang kasal, dahil importante naman ang pagsasama.
Di mo iisipin na galing sa 17 years old ang katagang yun, napaisip ako bigla..
Sa panahon ngayon, maraming nagpapakasal pero nauuwi sa hiwalayan, aanhin mo ang bonggang kasal kung maghihiwalay lang din kayo at hindi mo mapapakita sa mga magiging anak mo ang litrato ng kasal mo dahil hiwalay ka.
Maraming gustong magpa kasal sa Pilipinas, pero salat sila sa pag gawa nito.
Marami ang hindi kasal nagsasama at may anak pero nabubuhay sila ng matiwasay at may ngiti sa puso nila…
Sa salitang KASAL, pag inayos mo ay mauuwi sa SAKAL na pwedeng mauwi sa KALAS. Pero wag ka sumuko, dapat sa KASAL at pag kinasal ka na, dapat ito ang lagi mong pinaghuhgutan ng LAKAS.
Sabi nila “ang pagaasawa ay di parang kanin na isinubo at pag napaso ka eh iluluwa mo” katagang tumatakbo sa panahon ngayon na tila naluma na din..
Importante nga ba ang kasal? Hindi ko masasagot. Pero malalaman ko din ang kasagutan dyan. Ang alam ko lang sa ngayon ay pag kasal ka, bilang babae mababago ang apelyido mo at masasabi mo sa ang status mo sa buhay ay MARRIED at pinapatunay ng mga dokumento.
Mahirap ipaliwanag kung anong merun sa dalawang tao na di kasal may anak pero kung titingnan mo isang perpekto mag asawa.
Hindi man nila maipakita sa papel na married sila, pero sa pusot isipan nila ganito sila.
Pero sa Mata ng Diyos, ang taong kasal ay dalawang tao na may puso, may pagkakaunawaan at pinagbubuklod ng isang salita PAGMAMAHAL.
Ito muli ang unang simula sana , nagustuhan nyo…….
I’m gathering my strength and looking for inspiration to continue….
It’s hard.. really. I can say there’s something missing with my writing.
Please comment…. Thanks
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento