Huwebes, Nobyembre 7, 2013

Dekada

          Binigyan ako ng pagkakataon pero sa maling panahon, naibalik ko ang kahapon pero hindi na mababago kung ano yung ngayon. Isang araw lang ang kailangan ko at hihilingin ko at babalik tayo sa nakaraan kung saan di ko nagawa yung mga bagay na gusto ko at inaasahan mo…

Ako si jack, at heto ang aking kwento.
Isa akong successful bussiness man, lugmok sa trabaho puro numero, meeting at kung ano ano pa pero bawat buhay ng tao may hang ups at nagsimulang bumaliktad ang mundo ko ng muli kong makita si caren.
Si caren ay aking highschool crush, top 1 sa list ko. Face of the campus problema lang, ako. Ako kasi yung low class nung highschool, mababa ang self confidence at sino naman ako para magustuhan ng isang campus crush.

Nagbatian kami ni caren, kamustahan at niyaya ko syang magcoffee pumayag naman sya. Binalikan namin ang highschool kung saan masaya, magulo, competitive at naglalaro kami ng baraha. Ung baraha lang naman kasi na yun ang isa paraan para mapalapit ako sa kanya at makatabi at bonding ko sya.
Madami din kaming napagkwentuhan after highschool pero bigla dumating ang dalawang bata at kasama ang asawa nya. Nagpakilalahan at nagkapaalaman.

Umuwi akong malungkot pero kahit pano ok na din dahil nakita ko ulit sya, maganda pa rin sya, ganun pa din boses nya, medyo chubby ng konti pero mukhang wala pa ding makakatalo sa first crush talaga.
Paguwi ko ng bahay nagbukas ako ng fb at hinanap ko sya aking hinalwat ang facebook nya at madami akong nakitang ikinasaya ko at ikinalungkot.

May mga nilike akong picture at naglog out..

Makalipas ang ilang araw muli akong nagbukas at sakto naman birthday nya at binati ko sya..

Nagkakamustahan muli at ito ang mga sumunod na nangyari…

Alam  mo napanaginipan kita kagabi at di lang yun ang unang beses.

Hindi ah, ok na ok ka nga sakin nung high school.

Actually crush nga kita nung 3rd year

Kahit tanungin mo pa sila. Seryoso nung naging kau nga ni banana napaiyak ako.

Ikaw kasi bakit di mo ko niligawan, ikaw lang naman hinihintay ko..

Malay mo tayo parin hanggang ngayon.

Di na mahalaga kung ano ka nung highschool, importante ngayon.

Dina sumagi sa isip ko na mangyayari to, almost 10 years bago ko nasabi.

Salamat sa pagtatanong.

Yung pain kay banana almost a year din.

Di mo naman kelangan maging gwapo para magustuhan ka ng tao. Mabait ka, masaya kasama, simple lang saka mukha ka kasing sweet.

Alam ko kasi di ako yung mga tipo mo.

Sana kasi nagparamdam ka nun, ayaw ko namang mauna magmumukhang cheap.

Nakakainis ka!!

You don’t have to thank me for liking you. You deserve to be like naman tlaga.

Nagtataka nga ako kung bakit till now napapanaginipan pa kita, kahit di naman kita iniisip siguro soul mate kita….

Hiniling ko din na sana isayaw mo ko nung JS pero umasa lang ako.

Masaya ako nakausap kita. Sobra. Di mo alam kung gano mo ko pinasaya.

Sana di mo na ko makalimutan at maging part ako ng life mo.

Oo, hindi. Sasabihin ko sayo harap harapan at yayakapin kita.

Dumating pa sa point na, sana ako nalang. Iaadjust ko ang sarili ko sa kung anong tipo mo.

Sana kung my second life ipromise mo sakin na di mo ko pakakawalan.

Mas mahal kita

Hindi ko alam, para akong binagsakan ng langit binuhusan ng malamig na tubig.
Masaya sobrang saya. Hindi ko maipaliwanag.
Bumalik ang nakaraan sa isang iglap na parang walang nangyari, bulag na kami sa tama sa pagbalik ng nakaraan.

Kung may isang araw ka para balikan ang nakaraan anong gagawin mo????

Ako? Heto..

Hindi man sakto o totoo na maibalik ko ang oras pero 10 years ibabalik ko sa paraang alam ko.

Sisimulan ko to sa paglalaro kasama ka ng baraha…

Bibigyan kita ng bulaklak at yayain kumain sa sinet up kong restorant.

Sa saliw na musika muli kitang isasayaw parang sa JS Prom at di lang kita 4 seconds tititigan.

At higit sa lahat yayakapin kita nang parang wala ng bukas.

Mangyayari to na parang panaginip at pag natapos na ang araw, babalik ako sa realidad na tama at ikaw din.

At mamumutawi sa pusot isipan mo na may isang taong kayang mag time travel sa ngalan ng pagibig.

May sariling time frame nga talaga siguro ang pag ibig, hindi man ako nabigyan noon ng pagkakataon dahil sa kaduwagan ko pero darating talaga ang oras kung saan pagtatagpuin kayo ng panahon sa saktong oras para muling magalab ang apoy na naiwan sa nakaraan. Magliliwanag ito at magbibigay ng kasiyahan ng di mababayaran nino man.

Isang araw para bumalik, isang araw para gawin ang mga bagay na di nagawa.

Isang araw na pagtatama ng mali… at isang araw tatangapin mo sya bilang kasama mo sa buhay dahil kayo talaga ang para sa isat isa kahit ano pa man…

Tinatrabaho ang tunay na pagibig kalakip ang pagtalima sayo ng oras at panahon.

Sabi nga ni bob ong, Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung
tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, hindi

-end

1 komento:

  1. what a nice story. Truth to life ba to? Nakakarelate ako dito, may pgkakahawig sa life story ko. Naramdaman ko yung feeling of regret s dlawang characters. Sana may part 2 pa to. Keep on writing!

    TumugonBurahin