Martes, Pebrero 14, 2012

Number&Music

Bahala ka na dito…. :Pasensya na ngayon lang ako nakabalik......


Kumakanta ka sa dalawang dahilan, ito ay kung malungkot ka at ang isa naman ay kung masaya ka….

Umiikot ang mundo ko sa trabaho at bahay lamang, kung saan mga katrabaho ko lang ang nakikita ko at ang mga kaibigan kong pasyente. Walang ibang chance na ipahinga ang utak ko sa mga paulit ulit na nangyayari sa buhay ko.

Minsan unwine dito sa pamamgitan lamang ng pagwiwindow shoping, pakikipaglaro sa mga bata sa kapitbahay o di kaya pagbisita sa mga kaibigan.

Magisa lang ako dito sa syudad, self supporting at ang mga magulang ko nasa ibang bahagi ng kapuluan na maari ko namang puntahan pero dahil sa pagod ng trabaho, di ko na nagagawa…

Maraming nangyayari sa labas ng mundo ko, na nakikita ko nalang sa balita sa umaga at gabi, minsan sa hating gabi pa. Nasasaulo ko na din ang mga komersyal sa telebisyon dahil sa magdamag itong tumatakbo, di sinasadyang nasusubaybayan ang mga teleserye na kinalaunan ay naikwekwento nadin natin sa mga nagtatanong kung anong nangyari ke ganito o sa bida.

Haayyssss nauumay ka na ba?? Kung anong nabasa mo sa taas ganun ang buhay ko, parang yelo “malamig”. Pirated CD, paulit ulit. ^_^

Pero may mga bahagi din naman ng kwento ko, na ok, tulad ng tawanan habang nakaduty mga nagiimbitang pasyente at mga kulitan.

Dumating din sa punto na nakaktamad na, ayaw ko na, ayaw ko na ding magsulat maraming ginagawa ang bilis ng takbo ng panahon. Hanggang…….

Nagkaroon ako muli ng reason para sumulat nagkaroon ako ng inspirasyon pero hindi galing sa sarili ko kundi sa ibang tao..

At dito nagsimula lahat ng yun, Christmas Party ng aming kumpanya Makulay ang tema ng party at dahil unang beses ko itong pagdalo sa party syempre excited at todo porma..

Ok naman ang party pero ang di ko malilimutan dun yung isang girl na di naman kagandahan pero iba yung dating sakin para akong na stun, na sabi ko sa wakas nakakita din ako ng maganda sa kumpanya pero for me wala lang ok na sakin na alam ko na may crush ako sa loob ng kumpanya di nga lang kami magkadepartment. In short tapos ang storya hanggang dun nalang…

Balik sa trabaho, after a month nagkaroon muli kami ng company gathering kung saan buong company ulit ang kasama, heto na, parang sinasadya isang bus lang kami lahat at ang biyahe sa lupain sa tuktok ng bundok kung saan napapaligiran ka ng mga hamog umaga at hapon, habang nasa biyahe di ko sinasadyang pagmasdan siya na parang bigla nalang BOOOM! May something! Tapos nasabi ko sa mga kasama ko na parang automatic na nangyari, “ganda talaga nya, pakiss nga…! “

Sabay sabi ng katabi ko “sino dyan paps? Si Nikki?
Sabay kinantyawan na ko, pero sa sarili ko, ok na ko.. ok na ko na nakikita ko siya. Ok na yun.

Pero as the 3 days company gathering happens pinapagpatuloy mga kasamahan ko na asarin ako sa kanya. Sakto din at yung mga kasamahan ko ay may mga katext at bumabanat ng pick up line sabay ako din bumabanat pakunwari sa kanya pero hindi naman naririning dahil malayo kami.

Pero ito ang mga higlight – The Awards Night shes stunning with shining blue dress at nakapagpapicture kami sa tulong ng kaibigan na hindi ko naman dinemand SMILE!!

Pangalawa sa circle ng dance floor pinagpareha kami ng bossing ng company dahil trip lang pero hindi sinasadya na kami ang magka partner at ang stunning dito tinanong nya ang name ko SMILE!!

3 sa paguwi namin, pinagtulakan ako ng mga kasamahan ko na kunin ang number at yung iba ay kumantyaw na din.. ginawa ko inabot ko ang phone ko pero HETO, bigo akong kunin hindi nya nilagay sa phone.. ayun SABOG ako, walang nagawa..
Natulog nalang sa biyahe na malungkot emo at kumakanta…

Pero sa pang 4, nagkaroon ulit ng pagkakataon, dahil bumaba yung katabi nya at pinagtulakan nanaman ako na kunin at tabihan sya.. wala me ngawa saka gusto ko din, hahaha.. ginawa ko, tinulak tulak ako hanggang nagkatabi kami… nagusap pero casual we just met at know our names and no number na binigay ulit
Heto ang malaman na binanat ko “Ma’am sira ata yung cellphone ko,
Bakit??
Kasi wala yung number mo.. haha

Pero wala di daw pwede kaya sabi ko, ok lang po. Nice meeting you mam, sabay abot ng kamay ko….  ^_^
No hard feelings im ok, atleast nakatabi ko at nakamayan ko… pero parang may kurot pa din.. haysss…. Masakit din para akong nareject..

Pero after that 3 days heto ang malaman, ayaw mawala sa isip ko at napapakanta ako ng mga kantang pwede sa mga nangyari..

(soundtrack: 3 Araw by parokya ni edgar)

Ang hirap, para tuloy akong tinamaan ulit, pero positive IN LOVE ako pare.
Pero hindi na pwede dahil, taken na sya dahil di binigay number at sa kabila ng masusi kong pag reresearch ng FB nya bigo ako…


Dumaan ang mga araw wala lang, nasa isip ko lang siya… tumtakbo kasabay sa saliw ng mga musikang iniisip ko..
(Pangarap Lang kita soundtrack)

Walang chance na nagkita kami in one month dahil walang rason, di ako pinapapunta ng office, kinakamusta ko nalang sa kolektor na pumupunta samin…

Nagpaparegards ako, wrong sent kunwari sa company pown ng office na hopefully nababasa nya… hahaha hopeless romantic…

Isang araw, di sinasadya siguro nakatadhana na din, na napadaan siya ng aming unit kung saan bumisita sya para sa mga gamot.. haggang tenga ang ngiti ko at umakto lang ako na casual sabay bati, Hi ma’am Nikki, kamusta?? ^_^

Ok lang po sir, check ko lang po storage area ng mga meds.

Ok po ma’am dito po, mailap pa din kayo ma’am kahit sa company phone ah…

Alam ko mga sinesend mo dun ah, (sabay nakangiti)

Hindi parin ba ma’am pwede mahing number nyo?

Hindi pa din, gumagana ba tong thermometer nyo?

Opo ma’am, (tila nug magusap kami parang kami lang nasa unit) magic!

Nagpatugtug ako ng parokya song na sakto samin, mukhang nangingiti sya,,, sabay bumanat na ko. May diin at may utos!

Ma,am, punta tayong sementeryo isama kita!!

Huh? Bakit naman?/

May dadalawin tayo, dalawin natin yung puso kong patay na patay sayo..

Napangiti ko sya, na tila parang kinilig.. sabay sinabi ko na…

Ma,am Nikki, seryoso…

Ok lang kung ayaw mong ibigay sakin yung number mo, pero bigyan mo naman ako ng kahit isang araw para makilala ka, isang araw lang pagktapos nun, exit na ko..
Email o ipatxt mo nlang po sakin kung kelan kayo free… ako na bahala..

Isang araw lang po… Promize and Please… just one..

Kitang kita sa mukha nyang napaisip pero dito nagiba ang ikot ng mundo ko sa susunod na sasabihin nya…

Nakangiti: Sige sa sabado 10am kita tayo sa MOA..

San po dun?

Hmmm Egg, hihintayin kita…

Salamat ma’am… darating ako….

SMIILLLLLLLLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE……….

Sabay paalam nya na aalis na siya….

Ma’am Meryenda muna po,

Sige sir, punta pa kasi akong BFAD pina cover lang talaga ni ma’am lea to..

Yun na ang isa sa masayang araw ko..

Sabado!!

Hindi ako late saktong sakto maaga pa at hinihintay ko siya sa EGG sa moa, at heto na nagsimula ang isang araw ng ayaw ko ng matapos…

Naglakad lang kami, nagkwentuhan ng mga buhay buhay at kung paano kami napunta kung nasaan man kami ngayon…

Tumatawa siya sa mga joke ko at mga banat, may mga rebelasyon akong nalaman… nanuod kami ng sine, dinala ko ko siya sa tabing dagat… nanuod ng fire works at dumating na sa punto na kelangan ng magpaalam…

Haysss ganun talaga…..

Muli kong dinugtungan ang oras na magkasama kami niyaya ko siyang kumain para makapagusap na at ng  matapos na kami….
Uwian na… pero bago yun…

Hinawakan ko ang kamay ni ma’am at sinabing ma’am Thank You sa isang araw na to…
Salamat sa kabaitan at ngiti… at ok na po sakin kung wala akong number nyo mahalaga may isang araw ako na tulad nito na mananatili sakin sa habang buhay.

Ngayon ako naman ako tutupad sa sinabi kong promise… Thank You po..

Nakatitig lang ako at siya ay nakangiti at sinabing wala yun…
Thank you din… Sulit naman yung araw at di ako nagkamali na pumunta dito…

SMILLLEEEEE

At we part ways with a wave and smile with our hearts

But I have to keep my promise…. And the day endssss


At that night im thinking of her, wishing masaya siya….
Dala dala ko ang tuwa at ang ibang klaseng pakiramdam at ang pangako ng isang araw lang…

Maya maya

Laking gulat ko may text siya sakin na nagthank you…

___ Thanks for the day im home na…
Youre nice and thoughtful..
Again Thanks…
Save my number… ^_^ nikki

WWWOOOOWWWWWWWW!!! SMILEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

--- to be continued……………………

What do you think will happen next??

Will our this love goes? Or the boy will kept his promise for that one day its over….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento