Ang hilig nating magplano puro plano pero di naman natutuloy.
Plano na may patutunguhan pero kulang naman sa gawa.
Para kayong si Boy Abunda king of talk.
Kaya tuloy minsan o kadalasan yung mga mangyayari palang may resulta na agad kayong iniisip.
Pinapangunahan nyo na lahat mangyayari. May mga if at but na agad kayo.
Bakit kasi di muna natin subukang ienjoy mga bagay na padating, kapulutan ng aral at ngumiti sa darating.
Hindi yung maniniwala na agad kayo sa iba kasi ito naramdaman nila o ganito nangyari sa kanila.
Gawin nyo lang gabay yun at patunayan sa sarili nyo na may sarili din kayong adventure na gustong maranasan at may matutunan.
Puro kasi puro kasi, puro ganito kasi nangyari without knowing na kayo mismo naramdaman nyo.
hay naku...
Live Life!! No ifs No Buts!! Suck it up!
Take the rissk! Embrace the result!!
It a matter of Life is what you make it!!
Either mali o tama these choices will lead you to something you will learn and enjoy.
Malay mo way to ni God na dumating ka sa Happily Ever after mas magandang term is Praktical ever after. :)
Huwag mong bitawan ang isang bagay, na ayaw mong makita ng iba…
May mga bagay sa mundo na mas maganda kung bibitawan nalang at hayaan. Parang isang paru paro na hayaan mong lumipad at pumili ng bulaklak na dadapuan.
Pano mo malalaman na, magiging masaya ang isang tao kung di mo siya hahayaan na lumayo at hanapin ang kaligayahan o hanapin sya ng kaligayahan.
Masasabi mo ba sa sarili mo na tama ang ginawa mo, kung di mo nakita ang resulta? O di kaya talagang nakatadhana na pakawalan mo ang isang tao dahil may mas magandang mangyayari sa kanya.
Madaling sabihin ng ibang tao, na mali ang ginawa mo at isusumpa ka nila dahil. Oo sige magpapakatototoo na ko. Hindi ako ito.
Heto ang ibig kong sabihin, at napagtanto ko sa sarili ko..
Mas madaling magpakatotoo kesa ukubli mo ang sarili mo sa isang madilim na bahagi parang di malaman na ikaw.
Oo, isa akong lalake na umibig at nanakit ng babae. Maraming nagalit, nadismaya, minura ako at maraming pumatak na luha. May mga sumumpa, nagtanong at malamang na hindi ko alam na ginawan na ko ng kung anung pangalan.
Tama, pero kung iisipin mo hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Nagmahal ulit ako dahil sa mga rason ko at dahil simple nagmahal ulit ako.
Mga rason na tipikal na irarason ng ibang lalaki, at siguro hindi lang naman ako yung tao na nakipaghiwalay dahil;
Long distance ang relationship
Dahil wala ng masyadong bonding
Dahil talo pa ang nanay mo kung magcheck
Dahil hindi mo na alam ang gagawin sa super call nya.
Dahil di mo na alam ang pinagka iba ng chat at text.
Dahil nasasakal ka na………
Nagrarationalize ka pa! Simple lang naman ( May mas mahal kang iba ) Yun un!
Tama, iniwan ko sya dahil nagcacare sya, dahil gusto nya ko makausap, dahil gusto nya sa kanya lang ako, dahil gusto nya kami lang ang tao sa mundo.
Oo, mali ako dahil nalaman ko na ang mga kasagutan sa mga tanong at dahilan na yan.
Dumating sa punto na tinanong ko na ang sarili ko kung pano at bakit ko nagawa ang mga bagay nayun. Lalo na ng nakikita ko sya na masaya sa iba. Regrets!!!
At paulit ulit na tumakbo sa isip ko ang katagang “Huwag mong bitawan ang isang bagay, na ayaw mong makita ng iba…”
Tama masaya na sya sa ibang tao ngayon, at naiinggit ako dahil dapat ako yung kasama nya, na nagpapangiti sana sa kanya ngayon.
Pero…………………………………………
Paglipas ng mga araw may nalaman ako sa sarili ko
Bukod sa mahal ko pa sya at dahil minahal ko naman talaga sya at isa sa umimpluwensya kung ano man ako ngayon eh…
Heto yun,
Nalaman ko na ang buhay at pagibig ay parte ng tinatawag nating destiny o fate…
At matatanong mo sa sarili mo kung “kung siya ang kasama ako, nandito kaya ako sa kinalalagyan ko ngayon?
Kung Oo, masaya ako for you dahil your destiny is still working for you and kinalaunan may kakapuntahan, kung baga my turning point depende sa pangangailangan mo o sa will ni God.
Kung hindi, heto ang sagot. Alam ng Diyos ang pangangailangan natin kaya ilalagay nya tayo kung san tayo nababagay. Kung baga everything must be according to his plan.
Dapat ganito ang arrangement ng buhay ng taong ito. (The Adjustment Bureau)
Naitanong ko bigla sa sarili ko, kung ako kaya ang kasama nya sasaya kaya sya ng ganun sa nakikita ko ngayon?
Ang sagot;
Mas maaninag ko ang kasiyahan nya ngayon, na sa tingin ko kahit ako ang kasama nya ngayon ay hindi ko mapapakislap ang mga ngiti nya.
Mas maliwanag ang litrato ng kasiyahan sa kasalukuyan.
Hindi ko maimagine ang sarili ko na pinapasaya sya ng ganun.
Tama ang sabi nila; “Shes Happy”
And I think its going for a wedding
Naitanong ko din sa sarili ko, nandito kaya ako sa kinatatayuan ko ngayon kung kasama ko sya? Sagot ko hindi.
At hindi ko maiisip ang idea na to, at di ko marerealize na si God my plano talaga samin, plano na magkahiwalay at magkaroon ng mas masayang buhay depende sa kung ano tayo at batid nya kung ano ang pangangailangan natin.
Ang hanap ko sa simula ng makapasa ako, magkaroon ng trabaho at makatulong sa pamilya.
Ngayon nagresign ang tatay ko sa trabaho at nasa bukid nalang, nanay ko nagtitindahan.
Malaking tulong na hindi na ko pabigat at nakaktulong kahit pano.
Mabibigay ko kaya sa kanya ang takbo ng buhay na gusto nya?
Kung isa kang family oriented na tao at pinalaki sa paghihigpit ng sinturon, mas magiisip ka ng gusto mo para sa family mo kung saan di ka makakabigat.
May mga bagay na talagang nakalaan para pakawalan at para sa iba.
Kaya wag kang magtaka at magalit sa mundo.
Life is a matter of choice pero ang mga choice na pinagpipilian mo ay dadalhin ka sa tamang sagot kung ano ang nakasulat sa libro. at habang tumatakbo ang buhay mo huhusgahan ka kung pano ka naging isang tao sa mga nakasalamuha mo at pano mo binigyan ng kabuluhan ang buhay sa mga desisyon na gagawin mo.
Magisip ka kaibigan, malalaman mo balang araw na tama ang mga nangyari sa buhay dahil yung ang kaloob ni God, ganun nya inayos ang buhay mo at masasagot mo ang mga tanong sa sarili mo.
Tulad ko, ngayon bahagi ako ng mapait na nakaraan nya pero masasabi mo pa ba na masama akong tao dahil sa nangyari na yon? Masama ba akong tao dahil hiniwalayan ko siya o dahil talagang nakatadhana akong hiwalayan siya para mabigyang daan ang mas makulay na buhay para saming dalawa.
Nagkaroon ako ng trabaho at Nakita ko sya na mas masaya sya iba, na narealize ko na hindi ko maibibigay sa kalagayan ko ngayon.
Ngayon kung tatanungin nyo ko kung mahal ko siya, Oo, mahal ko siya bilang siya at bilang naging bahagi ng buhay ko, nothing personal nothing deeper just the way she is just the way we are. Just let it flow.
Kaya kaibigan ko, wag mag alala it’s the Will of “D”
Life is a matter of choice, these choices will lead you to your answer no matter how wrong it is.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento