Pero…………………………………………
Paglipas ng mga araw may nalaman ako sa sarili ko
Bukod sa mahal ko pa sya at dahil minahal ko naman talaga sya at isa sa umimpluwensya kung ano man ako ngayon eh…
Heto yun,
Nalaman ko na ang buhay at pagibig ay parte ng tinatawag nating destiny o fate…
At matatanong mo sa sarili mo kung “kung siya ang kasama ako, nandito kaya ako sa kinalalagyan ko ngayon?
Kung Oo, masaya ako for you dahil your destiny is still working for you and kinalaunan may kakapuntahan, kung baga my turning point depende sa pangangailangan mo o sa will ni God.
Kung hindi, heto ang sagot. Alam ng Diyos ang pangangailangan natin kaya ilalagay nya tayo kung san tayo nababagay. Kung baga everything must be according to his plan.
Dapat ganito ang arrangement ng buhay ng taong ito. (The Adjustment Bureau)
Naitanong ko bigla sa sarili ko, kung ako kaya ang kasama nya sasaya kaya sya ng ganun sa nakikita ko ngayon?
Ang sagot;
Mas maaninag ko ang kasiyahan nya ngayon, na sa tingin ko kahit ako ang kasama nya ngayon ay hindi ko mapapakislap ang mga ngiti nya.
Mas maliwanag ang litrato ng kasiyahan sa kasalukuyan.
Hindi ko maimagine ang sarili ko na pinapasaya sya ng ganun.
Tama ang sabi nila; “Shes Happy”
And I think its going for isle
Naitanong ko din sa sarili ko, nandito kaya ako sa kinatatayuan ko ngayon kung kasama ko sya? Sagot ko hindi.
At hindi ko maiisip ang idea na to, at di ko marerealize na si God my plano talaga samin, plano na magkahiwalay at magkaroon ng mas masayang buhay depende sa kung ano tayo at batid nya kung ano ang pangangailangan natin.
Ang hanap ko sa simula ng makapasa ako, magkaroon ng trabaho at makatulong sa pamilya.
Ngayon nagresign ang tatay ko sa trabaho at nasa bukid nalang, nanay ko nagtitindahan.
Malaking tulong na hindi na ko pabigat at nakaktulong kahit pano.
Mabibigay ko kaya sa kanya ang takbo ng buhay na gusto nya?
Kung isa kang family oriented na tao at pinalaki sa paghihigpit ng sinturon, mas magiisip ka ng gusto mo para sa family mo kung saan di ka makakabigat.
May mga bagay na talagang nakalaan para pakawalan at para sa iba.
Kaya wag kang magtaka at magalit sa mundo.
Life is a matter of choice pero ang mga choice na pinagpipilian mo ay dadalhin ka sa tamang sagot kung ano ang nakasulat sa libro. at habang tumatakbo ang buhay mo huhusgahan ka kung pano ka naging isang tao sa mga nakasalamuha mo at pano mo binigyan ng kabuluhan ang buhay sa mga desisyon na gagawin mo.
Magisip ka kaibigan, malalaman mo balang araw na tama ang mga nangyari sa buhay dahil yung ang kaloob ni God, ganun nya inayos ang buhay mo at masasagot mo ang mga tanong sa sarili mo.
Tulad ko, ngayon bahagi ako ng mapait na nakaraan nya pero masasabi mo pa ba na masama akong tao dahil sa nangyari na yon? Masama ba akong tao dahil hiniwalayan ko siya o dahil talagang nakatadhana akong hiwalayan siya para mabigyang daan ang mas makulay na buhay para saming dalawa.
Nagkaroon ako ng trabaho at Nakita ko sya na mas masaya sya iba, na narealize ko na hindi ko maibibigay sa kalagayan ko ngayon.
Ngayon kung tatanungin nyo ko kung mahal ko siya, Oo, mahal ko siya bilang siya at bilang naging bahagi ng buhay ko, nothing personal nothing deeper just the way she is just the way we are. Just let it flow.
Kaya kaibigan ko, wag mag alala it’s the Will of “D”
Life is a matter of choice, these choices will lead you to your answer no matter how wrong it is.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento