Huwebes, Setyembre 15, 2011

Friday D13

Inuunahan na kita, hindi ito ang ieexpect mo na katatakutan dahil sa pamagat nya, pero kung iyon ang gusto mo, bahala ka ng humusga kung matatakot ka.

HALA!!!!!!

            Maligayang pagdating sa lugar kung saan hindi natutulog ang mga ilaw kaalinsabay sa saliw ng mga sumasayaw na usok. Dito mo makikita ang ibat ibang klase ng tao mula sa may kaya, kayang kaya at kayabangan.

Makikita mo dito ang mga taong kalbo na nakakalbo pa, kulot, singkit ang mata, mga driver na hindi pa boundery, mga taong kala mo mayaman pero mayaman lang ang suot, taong sunod sunod lang, taong walang magawa at nagpapalipas ng oras, mga personalidad, business man at mga nakaposturang hayop kung gumalaw.
Dagdag mo pa ang mga taong gusto lang ng ice tea at sumabay sa mga swerte.

Dito makikita mo kung pano maglabas ng pera ang mga taong ito, maglabas ng libo na mismo sa harapan mo ilalagay, sampung libo, bente mil, 50k grabe di mo kakayanin, pero makikita mo talaga yun mismo. Mismo sa bulsa nila at mga wallet. Merun din namang pa limang daan lang at 100 na magbabakasakali na mapalago ang pera nila.

Ibat ibang pagkain para sa ibat ibang klase ng tao, mga magagaling at nagpipitagang mananayaw at mga security camera na kahit saan ka tumungin makikita mo maliban lang sa comfort room at pag umuwi ka na pwedeng nakangiti o pinagsakluban ng langit.

Maligayang pagdating!!!!!!!!!
Ito ang casino, casino nino nino.
Maraming elektronikong laro at baraha ang makikita mo, may mga raffle din.
Maraming lamesa kung saan tataya ka sa pamamagitan ng chips na katumbas ng perang pinapalitan mo. Itoy sugal, sugal kung saan dedepende ka sa swerte mo, sa kakahayan mong lumaro o swerte ka lang talaga.

Sugal nga eh! Kukunin o magbabakasakali ka sa gagawin mo.
Mahirap matalo pero masarap manalo, pano ka nga naman mananalo kung di ka tataya diba? Kung sa tunay na buhay nga kung di mo susubukan ang isang bagay pano mo malalaman na kaya mo.

Tama ka, bakit ko alam ang mga to? Oo dahil ako mismo ay nakapasok na, at naranasang maglaro at subukan ang luck ko dahil nakakenganyo nga naman lalo na’t may dala kang pera o babalatuan ka ng kasama mo.
Tulad ng ilan nanalo naman ako at masarap sa pakiramdam umuwi ng nadoble o triple pa ang pinuhunan mo pero ang saklap pagumuwi kang luhaan.

Payo ko sayo pagpupunta ka dito, wag magdadala ng pera, mabilib lang sa mga nanalo at swerte! Magenjoy sa paligid mula sa mga dancer, singer at mga astig at magagarang pumorma na tao.
Solve na ka nyan….

Umikot at magmasid dahil ang nakakatakot na katotohanan ay may mga taong tulad nila na kayang maglabas ng malalaking pera at kayang umuwi kahit walang laman ang bulsa. Sa kabila ng mga kababayan nating naghihirap at namamalimos sa lansangan habang dito isang kisap lang ng mata nawawala ang sampung libo. Ang daming namamalimos at nagugutom pero dito ganun lang kabilis ang pera at dito ang lakas maglabas ng pera, hugot dito, pagtalo! Hugot ulit pagnatalo, hugot ulit pagtalo, withdraw pagnatalo ulit, MALAS!!
Habang sila na nakasakay sa jeep di man lang makahugot ng piso pambigay, habang naka sakay sila ng taxi o kotse nila at may kumatok sa bintana di man lang makabigay
Sana binigay nalang nila sa kawang gawa, madami pang sikmura siguro ang nalamanan, marami pang sakit ang nalunasan at buhay na nagdugtungan..

Hay buhay, napakasaklap na katotohanan na ito pala ang nangyayari.
Pinagpaguran nila ganun ganun nalang o talagang wala silang magawa sa pera nila?
Sana may magawa tayo kahit simple lang para sating salat na kababayan.

Hanggang sa muli bankrupt na ang utak ko, Zero balance.
Pero sana di kita nabigo sa post kong ito, sana feeling mo nanalo ka na din.
Kasi ako, uuwing nakangiti dahil panalo ako ngayon. Hahahaha





Hindi pa huli ang lahat, may Apat na daan ka pang Segundo kapatid…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento