Lunes, Setyembre 19, 2011

The 17 years old Bad Guy

Sinusubukan natin bilang nurse na maging pinaka mabuti at pinakamaintindihing nilalang sa mundo, kayang sumabay at umangkop sa ibat ibang klase ng tao.

Pero naranasan mo na ba bilang nurse na masubukan ang pisi ng pasensya mo? Ako maraming beses na at di ko alam kung pano ko nalalagpasan at hindi napapatid ang pisi.

Masakit sa loob at magagalit ka sa mundo kapag di pareparehas ang desisyon na ginagawa mo sa mga alaga mo. Gusto mo lang maging patas, pero sa tuwing sasabihin mo, ang mga bagay parang sablay.

Nauunawan mo ba ang sinasabi ko? Pwes ating pagbulay bulayan pa.
Isa kang nurse at tao din na nakakaintindi sa bawat sitwasyon ng pasyente, gusto mo din tumulong sa alam mong paraan kahit maliit lang. Tulad ng magpapasingit sayo kahit di nakatala ang pangalan nila sa araw na iyon upang magamot, singit kung baga. Heto pa, kulang ang pambayad at papaextend ang gamit ng oxygen kahit kulang sa budget.
Pagbibigyan natin dahil gusto nating tumulong at makatulong at dahil naiintindihan natin sila bilang mabuting nurse. Pero hindi naman siguro sa lahat ng panahon at oras pwedeng ganon dahil ikaw din ang magigipit sa huli. You’re a Good Guy.

Gagawin mo lahat dahil nurse ka at call mo yun, You’re a Good guy pero sa isang iglap mawawala yun sa kabila ng mga tinulong mo, kung di mo mapagbigyan sa kung anuman  kahilingan nila ulit. Kahilingan na laging ginagawa at kung sabihin natin kumita na. Lumang style na. Now you’re the Bad Guy. At kung anu anu na sasabihin sayo dahil lang di mo napagbigyan, pero ang hiling ay hiling na parang Genie in the bottle 3 wish lang. dahil hindi na hiling ang isang bagay kung paulit ulit na. Kung mapapagbigyan pinagbibigyan pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

Hindi mo naisingit, You’re the bad guy!
Hindi mo pinagbigyan sa 4 na pagkakataon dahil kapos sa budget, You’re the bad guy!
Na gets mo na?

Gumawa ka man ng mabuti at masama, may masasabit masasabi parin sila sayo.. Di mo sila ma please kahit sa 100 magandang ginawa mo, makagawa ka lang ng 1 di mapagbiyan o di maganda. Hell Yeah! You’re the bad guy.

Pero atleast ginawa mo ang alam mong tama at dapat

May mga taong mahirap pakisamahan, kahit ginagawa mong maging perfect partner sa kanila lumalabas sa huli kaw ang mali.

Heto pa, im a Good Guy here but turns Bad Guy.
Ang usapan, bawal magpautang at bawal magpapasok ng pasyente ng line of 7 ang hemoglobin. Kahit sino pa yan, Yan ang usapan…

Dumating si pasyente. Tama! line of 7 ang hemoglobin so ako secure muna ng blood then after that wala tayo paguusapan pag may dugo na.
Then twing!!
Heto si pakner, tinanggap, Common!!
Ngayon? Nawalan ng kredibilidad sayo ang pasyente, (pwede na man pala bakit sabi nung isa hindi pwede) nakuha nyo point ko?
Yes!! Im the Bad Guy here!! Common!

Isa pa, bargaining kapos sa budget. Katulad ng usapan, Bawal utang so tinangihan ko at pinaliwanag kung bakit.. and then, yes! Tama ka ng iniisip. Oo at heto im the bad guy again!

Hindi mo alam kung san mo ilulugar sarili mo, nakakfrustrate na, ikaw na mabuting nurse na sumusunod lang ay lumalabas pa na masama ng walang kalabanlaban..

haayyyssssssssssssssssssssss

YEAAAHH!!!!! PISS OFFFF!!
IM THE BAD GUY HERE!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento