Huwag mong bitawan ang isang bagay, na ayaw mong makita ng iba…
May mga bagay sa mundo na mas maganda kung bibitawan nalang at hayaan. Parang isang paru paro na hayaan mong lumipad at pumili ng bulaklak na dadapuan.
Pano mo malalaman na, magiging masaya ang isang tao kung di mo siya hahayaan na lumayo at hanapin ang kaligayahan o hanapin sya ng kaligayahan.
Masasabi mo ba sa sarili mo na tama ang ginawa mo, kung di mo nakita ang resulta? O di kaya talagang nakatadhana na pakawalan mo ang isang tao dahil may mas magandang mangyayari sa kanya.
Madaling sabihin ng ibang tao, na mali ang ginawa mo at isusumpa ka nila dahil. Oo sige magpapakatototoo na ko. Hindi ako ito.
Heto ang ibig kong sabihin, at napagtanto ko sa sarili ko..
Mas madaling magpakatotoo kesa ukubli mo ang sarili mo sa isang madilim na bahagi parang di malaman na ikaw.
Oo, isa akong lalake na umibig at nanakit ng babae. Maraming nagalit, nadismaya, minura ako at maraming pumatak na luha. May mga sumumpa, nagtanong at malamang na hindi ko alam na ginawan na ko ng kung anung pangalan.
Tama, pero kung iisipin mo hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Nagmahal ulit ako dahil sa mga rason ko at dahil simple nagmahal ulit ako.
Mga rason na tipikal na irarason ng ibang lalaki, at siguro hindi lang naman ako yung tao na nakipaghiwalay dahil;
Long distance ang relationship
Dahil wala ng masyadong bonding
Dahil talo pa ang nanay mo kung magcheck
Dahil hindi mo na alam ang gagawin sa super call nya.
Dahil di mo na alam ang pinagka iba ng chat at text.
Dahil nasasakal ka na………
Nagrarationalize ka pa! Simple lang naman ( May mas mahal kang iba ) Yun un!
Tama, iniwan ko sya dahil nagcacare sya, dahil gusto nya ko makausap, dahil gusto nya sa kanya lang ako, dahil gusto nya kami lang ang tao sa mundo.
Oo, mali ako dahil nalaman ko na ang mga kasagutan sa mga tanong at dahilan na yan.
Dumating sa punto na tinanong ko na ang sarili ko kung pano at bakit ko nagawa ang mga bagay nayun. Lalo na ng nakikita ko sya na masaya sa iba. Regrets!!!
At paulit ulit na tumakbo sa isip ko ang katagang “Huwag mong bitawan ang isang bagay, na ayaw mong makita ng iba…”
Tama masaya na sya sa ibang tao ngayon, at naiinggit ako dahil dapat ako yung kasama nya, na nagpapangiti sana sa kanya ngayon.
Pero………………..
…………..
…..
..
? ? ? ?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento