Biyernes, Setyembre 16, 2011

Reflections of 15 Mirage

Ang mga sumusunod na salita ay pawang mga salitang aking inipon upang maging inspirasyon at kung ano pa mang magiging kahulugan sa inyo. Hindi ko orihinal na inisip at mula sa isip ng ibang tao, sana magustuhan nyo:

Ang pagsali sa buhay ng taong may mahal ng iba ay parang pagsabit sa jeep.
Alam mong bawal pero ginagawa mo parin.
Umaasa ka kasi na sa gitna ng yahe, aalis din yung  taong nasa loob at ikaw ang makakaupo. Pero di mo ba naisip, kapag nakaupo kana maaring may sumabit ding iba at ikaw ay magagaya sa naunang bumaba luhaan at nagiisa.

Bago ka magreact, isipin mo muna kung bakit nagbago sayo ang isang tao.
Kasi minsan ikaw din mismo ang gumagawa ng dahilan kung bakit sila nagbabago.

Ang taong gusto mo, parang ice cream. Matutunaw yan kapag tinitigan mo lang, kaya dapat habang maaga, dilaan mo na.

Isang repleksyon: Kung sa mundong ito, normal lang patayin ang mga taong ayaw mo.
Sa tinggin mo ba, buhay ka pa hanggang ngayon?

Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan. Kundi essay na sinusulat araw araw. Huhusgahan ito hindi basa sa kung tama o mali ang sagot mo, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga sinulat mo o wala.
Allowed ang Erasures.

Wag kang magsersoyo sa mga taong di interesado sayo.
Para ka ding nagpakapagod mag review sa isang long quiz na hindi naman pala recorded.

Kaya nahihirapan ka magpatawad ng isang taong nakasakit sayo, ay dahil inilalagay mo sa isip mo na ikaw lang ang nasaktan.

Walang dahilan para hindi ka magmahal ulit, kung bigo ka sa una at nasaktan sa pangalawa malay mo sa pangatlo eh? “ikamatay mo na?!
Hindi lahat ng mga salita inspiring.

Sa tamang panahon, may isang taong magbibigay alam sayo kung bakit para ka sa kanya.
At kung bakit hindi ka para sa iba.

Pano mo masasabing espesyal ka sa isang tao kung ang bawat gingawa niya sayo ay ginagawa nya din sa iba..

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pagiisa.. Kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakikipaglaban upang makasama ka.



Minsan kailangan talaga tayong mahirapan at masaktan para mag improve. Gaya nga ng sabi sa physics, hindi ka makakaalis sa pwesto mo kung walang friction. Wag mong hayaan na ang buhay mo ay maging parang padulasan na sobrang smooth nga pero ang movement naman laging downwards.


Kung nakikita mo ang dahilan para sumuko.
Huwag mo nalang tinggnan.

Siguro kaya tayo mahiyain ay dahil alam natin kung ano ang isip ng mga kapwa natin Pilipino. Alam natin kung mapapahiya tayo dahil ganun din tayo manlait sa kapwa.

Kung ayaw mong maguluhan, wag mo tingnan sa kumplikado. Parang math lang yan eh. Every equation should be in its simplest form.

Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON wala na rin saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. Ang tao pwedeng mag adjust. Pero ang bagay at panahon hindi.

Isipin mo nalang ikaw ang huling pahina ng coloring book niya.. Makukulayan ka, maghintay ka lang.. Pudpod na ang crayola pagdating sayo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo. At wala ng next page pagkatapos mo.

Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga.
Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.

Kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa my kumukuha, un pa kayang mga bagay na mas mahalaga sayo? Walang nagtatagal sa panahong ito at kung my iiwan ka. Siguraduhin mong hindi iyon mahalaga.

Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinapasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.

Hindi ka dapat naiinip sa mga bagay na alam mo naman na dadating.
Maging mali lang ang mainip kapag alam mo naman na hindi dadating pero hinihintay mo padin.

Sa tamang panahon may isang taong magbibigay alam sayo kung bakit para ka sa kanya.
At kung bakit hindi ka para sa iba.

Huwag mong bitiwan ang isang bagay na ayaw mong makitang hawak ng iba.

Parang elevator lang yan, bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung meron naming hagdan, di mo lang napapansin.

Pag hindi ka mahal ng isang tao, wag kang magalit kasi may tao din na mahal ka pero di mo naman mahal, kwitz lang.

Pag dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa kasi di ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una..

Hinuhusgahan tayo base sa ating knowledge, skill at attitude, kung mapapansin natin, mababa lang ang porsyento sa attitude gayong ang personalidad ng tao ang humuhubog sa tao.

Stay if you’re happy leave if you’re not

Don’t make decision when you’re angry, and don’t make any promises when you’re happy.

Don’t hold too long to what is never meant, sometimes we need to let things free before it hurts us badly.

Salamat hanggang sa muli………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento