If you believe, Never Give Up and Work Hard, You will Always Succeed!!
Rainbow Jewel by Anonymous
Halos Anim na buwan bago ulit ako naka Gimmick, puro trabaho lang kasi at masasabi ko na din na, hindi safe umuwi ng gabi sa lugar ko, kaya siguro kung may mga pagkakataon man ay hindi ako sumasama o gusto ko nalang magpahinga dahil sa pagod sa trabaho.
Pero may mga tao talaga na sadyang di mo mahindian pag humiling o dahil hindi mo na makikita yung taong yun kaya dapat mong puntahan.
Iba talaga pag may pinagsamahan, at masasabi mong bahagi ng buhay mo.
Kadalasan pumapasok ako ng 2 ng hapon at uuwi ng 10 ng gabi o higit pa, pero ngayon bago pa sumikat ang araw duty na ako para makapunta sa despedida ng aking mentor at halos pangalawang ina narin dahil halos isang taon nadin akong malayo sa pamilya.
Sa gabing ito, nakalimutan ko kung saan ako umuuwi at game ako.
Nakalimutan ko kung anong nangyayari sa paligid ko, nakatawa ng walang humpay at nakalimutan ang pagod sa trabaho.
Nakakilala ng bagong kaibigan at nadampian muli ng alak ang aking lalamunan. Q.C ang lugar. Hindi ko alam kung bakit o sadyang masaya lang talaga ko dahil after 6 mos ngayon nalang ulit ako nakapag bonding sa mga kaibigan ko ng ganito.
Whew! Ang saya kakaiba nanaman, at winner to.
Despedida ni ma’amm, kainan at konting salo salo muna kasama ang pasyente at kwentuhan kamustahan sa work, nakita ang mga dating mukha at mga bagong kasamahan sa trabaho. Hanggang sa pumunta na kami sa aming bonding area.
Ang lugar sarili namin. Consumable ang Pagkain, may mga lamesa na pang 3 at 2 tao, videoke machine at billiard table. Malamig at kumportable sa lugar. Amin ang lugar! At Masarap ang Pagkain.
Syempre, laging hiwalay ang mga boys. kwentuhan at billiard ang ginawa namin.
Sa laro, kumportable tayong laruin ang mga bagay na alam natin, kung saan tayo mananalo. Pero ang laro na to, hindi basta alam mo umasinta at itutuk ang bola ok na. Pero masasabi mo ba na magaling ka kung di mo to laging nilalaro pero alam mo kung pano tumira? O swerte lang talaga.?
Billiards 9 balls. Rules:
May 10 bola sa lamesa, ang putting bola ang tinatawag na pamato at siyang gagamitin mo para asintahin ang mga bolang 1,2,3 hanggang ang pang 9 na bola.
Gamit mo ang tako o stick para tirahin ang puting bola.
Panalo sa laro ang taong makakapagpasok ng 9 ball.
Samakatwid, kahit ikaw na magaling, maipasok mo man ang 1 hanggang 8 na bola at hindi mo maipasok ang 9, my chance kang matalo…
Oo tama ang iniisip mo, hindi ako magaling, marunong lang akong umasinta, umasinta ng titirahing bola at bahala na kung saan pumasok, pero nanalo ako sa laro… hahahaha
Sabi nila “si ___ pahanap Butas lang! tapos tawanan!
Ang saya! O sasabihin mong nakatsamba ako? 6 boys kasama ako, 5 kalaban ko. With rematch dahil lakas ko daw.
Hindi ko alam, pero tsamba ba ang 10-0?? Undefeated ako Nine Ball!
Hahaha, tao tayo at sabi nila bilog ang bola, kaya hindi mo alam kung anong law of motion ang makakapagexplain ng “TSAMBA” bola yan umiikot pagbinato o tinamaan pa ng isang bola. Papasok yan at papasok sa tamang force at rolling nito.
Kaya hanggang di pa tapos ang laban, di ka pa talo. May PAG ASA pa. Go lang!!
Habang may buhay may pagasa, kung may pangarap kang di pa natutupad, Go lang!!
Maabot natin yan!! Di tayo susuko…
Kaya nga tayo nagtitiis sa mga hirap dahil may gusto tayong marating at mapatunayan.
Talo ka kung sa simula pa lang sumuko kana, dahil ang salitang “suko na ko” e para sa mga taong lumaban na hanggang sa pinaka huli.
Ang tsamba ko, tsamba mo din, parehas tayo nabubuhay para sa mga mahal natin.
Masaya, Nakakapanabik, Sana Maulit Ulit!!!
Wag Mong Maliitin ang Kakayahan mong Tsumamba Kaibigan!!!
![]() |
| Sample Picture of the Battle ^_^ |
Umibig ka na ba? O takot ng umibig pa?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento