Biyernes, Setyembre 16, 2011

14 Hundred Seconds


Pilipino time!

Nagbabago na nga ba o Ano?

Call time is 7:00 am.
Pero bakit dumadating ang ilan sa atin ng 8:00?
Oh talagang 8:00 ang time kasi inadvance ang call time dahil alam natin ang sarili nating Gawain pagdating sa oras.

Malayo o malapit dapat marunong tayo dumisiplina sa sarili natin sa mga simpleng bagay na ito. DISIPLINA may Friend

Pero ito ang mga naiisip kong dahilan king bakit nahuhuli tayo mga kapatid.

1. Dahil ayaw natin malate bukas sa ating class, magaalarm tayo ng maaga pero likas na yata satin mga Pilipino na pag-alarm na ang ating orasan ay ating papatayin dahil inaantok pa tayo. Sasabihin natin, 5 minutes pa. ^_^ Kaya ang ending? Kaboom late sa class si estudyante at parang “The Flash at hinangin ang hair sa bilis.

2. Likas na sating mga Pilipino ang matulog lalo na masarap at malamig ang panahon, mahangin, masarap sa pandinig ang patak ng ulan at nakakaantok ang lamig. Oo nga naman bakit ka gigising ng maaga kung masarap humilata sa sa kama at matulog kasama ang kalamigan. Lalot na at may katabi?? Hmmmm???

3. Kahit na alam natin na may pasok tayo kinabukasan, gigimik pa tayo dahil likas na ata sa karamihan satin yun. Kaya ang ending puyat ka at mas matutulog ka. Mabagal ang kilos mo sa paghahanda pumasok.

4. Tayong mga Pilipino, kilala sa pagiging malinis kaya naman isang dahilan kung bakit tayo nahuhuli eh, dahil matagal tayo sa paliligo. Trenta minutos ata tayo maligo at kung anu anu pang ritwal at orasyon ang ginagawa natin. Isama mo pa ang pagpili ng damit na susuotin at karamihan satin bago palang ito plaplantsahin. Hahanapin mo ang favorite mong panyo at medyas at dahil texting capital tayo may katext ka pa habang naghahanda sa pupuntahan mo. Iha anong oras na???? BF: I miss you, bango bango naman bebe ko bagong ligo. GF: I miss you too, kaw ah binobola mo ko.. ^_^ jejeje

5. Dahil din siguro sa mabilis nating kilos, dahil malalate na tayo, ay may pagkakataon na may naiiwan tayo sa bahay tulad ng ID at kung ano pa man. Na nakadadagdag sa konsumo nating oras sa pagpunta sa ating pasok.

Rush Hour ang pinakamabagal satin, RUSH HOUR na yun ah mabagal pa, at kadalasang dahilan kung bakit tayo nalalate ay Traffic. Traffic kasi mam, pahinto hinto yung jeep, may nagbang gaan sa kanto. Lakas ng ulan. Ang ilan sa mga rason.

Pero siguro dahil halos pareparehas ng dahilan at ginagawa nating mga Pilipino, kaya tayo nalalate. At nagkakasabay sabay sa pagsakay ng jeep.
Sabay sabay ng maliligo ng 30 minutos, sabay sabay magpapatay ng alarm clock. At hihirit ng 5 minutes pa.


Resulta? Sabay sabay lalabas ang mga pribadong sasakyan na makikipagunahan sa pagliko sa kanto, unahan sa pagkamit ng kilometraheng 80km/hr. Super kung humarurot!
Sabay sabay mag aabang ng jeep at ang mga jeep naman ay sabay sabay na maguunahan sa pasahero. Sabay sabay na magbebeat ng red light.

Resulta? Banggaan ng Kotse at Jeep. Ayaw magbigayan sa lansangan dahil pareparehas ayaw malate. Ayaw maantala ng kahit segundo, kaya pag may hindi agad umandar na sasakyan sa harap. Katakot takot na busina agad ang maririnig mo. Ayaw pagbigyan ang mga tumatawid, kaya ang resulta makikipagpatintero sa mga jeep ang mga tumatawid.
Nagmamadali, ayaw ng umakyat ng overpass dahil mataas at nakakapagod. Makikipagpatintero ulit sa mga sasakyan.
Resulta? Nakaka-bangga ka ng sibilyan, ang masakit tatakbuhan mo pa, na driver ka.
Marami din ang nagkaksakit dahil di sila kumakain ng umagahan, resulta? Ulcer at sakit ng tyan.

Mali man ang mga rason ko sa pagiging late natin, pero tinggin ko kahit pano may tama naman ako. Pustahan tayo ngayong oras na to may 10 pilipino ang nagmamadali sa pagpasok sa trabaho dahil malalate na sila.
May 5 sasakyan ang nagbang gaan.
May 5 pilipino ang naliligo palang.
At may isang blogger na malalate na sa pasok nya dahil ipopost nya pa itong blog nato para mabasa ng libo libo nyang fans. Na pagkatapos mag facebook o habang nagfafacebook ay pupunta saking blog.

Paalam malalate na ko!! Ay maliligo pa ko, SHittt asan ang favorite kong panyo????!!!
Asar walang kuryente?? Nay, pakipara yung jeep malalate na ko… Brooommmmmm!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Blangggg!!!




Thank sa magcocoment. Sa mga may repleksyon.
Paki super like naman if nagustuhan nyo… Disiplina ang kelangan hehehe
see yah 15,16,17!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento