Huwebes, Setyembre 1, 2011

9 & half


The power that cannot be measure by common sense, the power that makes impossible possible. The name of the Hurricane the blows everything over is LOVE –
Thriller Bark by Denguin Cook

Umibig ka na ba? O takot ng umibig pa?

O wala talaga? May mga bagay sa mundo na hindi mo maipaliwanag kung minsan kahit anong isip mo, kahit anong eksplenasyon mo parang kulang.

Ako umibig na ko, maraming beses simula nung elementary, bata palang ako kumekerengkeng na, kung interesado ka halinat sumama kwekwento ko ang bawat saya, lungkot at kasawian ko sa buhay..

Time Line: Elementary Days to High School

1. The who ang girlalu na to, nung elementary na laging lumalabas ang strap o kung strap nga ba ang tawag sa baby bra ng mga babae, hindi ko alam kung pano ako nainlove pero nakita ko nalang sarili ko na nagiging concern sa kanya lalo na pagnalalaglag ang strap ng baby bra nya.

Tinuturo ko sa kanya pagnalalaglag dahil nakikita ko, dahil magkaharap kami ng upuan at sinesenyas ko sa kanya yun, ngumingiti naman sya pag inaayos nya.

Puppy love na ito mga kapuso, hanggang sa dumadating na sa punto pag recess at nagkakasabay kami eh, nililibre ko na sya, nagpapapansin ako pag may time.
PS, may ka-love team na iba si girlalu na alam ng buong klase till grade 3 pa daw sila.

Dumating pa sa point na nagkapartner kami sa sayaw dahil sa field demonstration, folk dance ang tema hanggang invited ako sa birthday nya. Nag effort magbigay ng tuta at gift sa kanya. Pumorma sa birthday nya with Black pants and black shoes with polo ni daddy only to find out na pwede pala ang casual at tsinelas. Hahaha
Pag love talaga minsan kumikitid ang malawak nating pagiisip.

Na experience ko din mag cheer sa volley ball dahil sa girl na to, tagabitbit pa ng tsinelas and gamit..

Tuloy natin, nagtuloy tuloy naman ang love story hanggang high school na akala ko di ko sya magiging kaklase, dahil ang mama nya ay faculty sa ibang school at magkakadiscount sya dun. Well tuloy natin, date kuno dito with friends sabay umuwi pag hapon.

This time nauso na din ang cellpone 3210, padala ng quotes and imiss you message. Haha
Until one time may sinulatan ako na girl na pinadala ko sa bestfrend ko, dahil maimpluwensya sya dahil president sya ng class.
Di ko alam na, nakarating sa kanya yung pagsulat ko sa ibang girl, at nagkaGap kami sa isat isa… at di ko na alam kung ano nangyari hanggang wala na…

May mga narinig ako na nasaktan daw sya, at kung anu ano pa, pero dahil bata pa kami mabilis naghilom ang mga sugat at parang walang nangyari.
Magkaibigan ang Lola nya at Mommy ko.

Natapos ang High school na parang walang nangyari pero love team kami nun kahit mukha akong bao na may buhok.

Ngayon:
magkaibigan kami at may asawat anak na sya.

Ngayon:
Narealize ko na, walang formal na paguusap na naging kami nun but indeed naging masaya ako sa kanya, un ata tinatawg nila na M.U at Puppy Love talaga.
Walang dates at flowers.

Regrets: Bakit di kaya ako naging ninong ng anak nya? Wahahaha

Ngayon: Wala lang, gusto ko syang makita, how well she was doing.

Ang initials nya ay P.A.G.L. as in…..

Time Line: High school

2. The who ang girlalu na ito na hindi naman naging kami, pero crush ko from 2nd year to matapos ang highschool. Wala lang, ito siguro sinasabi nilang Love at first sight, di mo maexplain. Basta crush ko sya. At marami din nagkakagusto sa kanya to mention. But nagtx kami with my 5110 phone. Oh yeah high tech!

Not much to tell kasi, hanggang friend lang kami at ok na ko dun, di ko sya niligawan ah.
At wala naman talaga mga espesyal na nangyari.

P.S Pinasulat ko sya sa autograph na uso noon ipasulat at ninakaw ko picture nya sa folder nung nagfile sya ng certificate of candidacy for student government may accomplice ako. Hahahah at isa papala, sinundan ko sya, para malaman lang ang bahay nila.

Ngayon: Di ko na alam how shes doing, alam ko lang, Bussiness Ad yata ang course nya.

Ngayon: Naging part sya ng buhay ko, pinaramdam nya skin pano maging crazy dahil sa love at first sight at di makatulog sa gabi.

Regrets: Bakit kaya di ko niligawan? hehe

DHDR


Time Line: High School

3. ……………………. The who ang girlash na ito na kapartner ko nung J.S, na habang nagpapraktis kami ay, smooth. May mga anggulo sya na perfect at elder sakin.
Nakita kong dahilan kaya ako na hook sa kanya ay dahil sa mabango ang kamay nya at ang panyo nya.

Ito yung sinasabi nila na pag na inlove ka walang pinipiling lugar, at dahilan at mga nakakabaliw na dahilan na unjustifiable. SK chairwomen sya sa kanila, mabango at ok mag asikaso. Katext ko sa 3315 ko, level up ang phone! at kapit bahay ng frend ko.

Dito ako natutuo magsulat ng message from phone na ilipat sa ticler para may remembrance, humingi ng panyo dahil sa pabango  nya para baon sa pagtulog ang amoy nya.  Nagsulat ng madaming love letter at unang umiyak. “mahal” tawagan naming. Na pagnaririnig ko ngayon ay nacocornyhan ako.

Love is the greatest discovery you can have on your self talaga, korny ka noon, ayaw mo ng aminin ngayon diba? hehe

Tapos. Tapos! Bigla nalang nawala!

Bigla na lang nawala nararamdaman ko sa kanya, parang nagpalit lang ako ng damit ayaw ko na. tapos tsupi na ko. Na parang walang nangyari.
Yun siguro sinasabi nila na inflatulence o infatuation o kung anu man yun.
Isang biglang bugso ng damdamin na wala lang pala pag lumipas na… tsk tsk

I said my sorry tru may bestfrend at lipat na ako ng lugar

Ngayon: May asawa na sya siguro at di na din ako kilala siguro.

Ngayon:Ewan L.M

Ngayon: Dito ako natuto, natuto na siguraduhin muna yung nararamdaman bago mag Go,
Narealize ko na bata pa din talaga ako nuon, at di pa siguradaong magisip at korny ako noon. Hehe

Regrets: None

Time Line: Vacation High school to College Days

4. Hmmm… The girl with many friends.



------------------------------- to be continued ---------------------------------

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento