Biyernes, Setyembre 9, 2011

11's Summit

Natanong mo naba sa sarili ang mga tanong na to?

  1. Pano kaya kung may iba kang ginawang bagay sa buhay mo? Nandyan ka ba ngayon sa kinalalagyan mo?

  1. Pano kung on the way ka papunta sa trabaho mo ngayon at may ginawa kang iba, parehas pa din kaya ginagawa mo ngayon o ganon pa din kaya ang mood mo?


  1. Pano kung tumakbo ka sa E.R ng isang hospital ng nakasibilyan pero staff ka sa ospital na ito sisitahin ka ba? O pano kung nakasibilyan ka at di ka kilala na staff sa ospital? Parehas kaya ang magiging pakitungo sayo o sisigawan ka din tulad ng ordinaryong tao? Hinuhusgahan talaga siguro tayo depende sa suot natin bilang tao, nagbabago ang pakitungo natin sa ibang tao depende sa estado sa buhay depende sa nakikita mo o kaya nalalaman mo. Parehas kaya ang pakitungo mo sa pasyente na may kasamang kamag anak na nurse o sa pasyenteng attorney ang asawa. Hhhmmm napaisip ka noh? Pero kahit konting porsyento mas magiging ma-ingat ka dahil sa mga taong ito.

  1. Sinubukan  mo na bang bukasan ng susi mo ang kaparehas na model na sasakyan mo?


  1. Wag mong bitiwan ang isang bagay na ayaw mong makitang hawak ng iba (10 ulit)

  1. Nakabili ka naba ng sariwang manok na frozen? O ng Modern Antique? Artificial Fresh Flower diba mas astig? Tara hanap tayo…


  1. Ang mga bagay na mababasa mo ay purong kaguluhan at walang patutunguhan, parang wala lang at inistorbo ka lang.

  1. Wala! Walang pumapasok na idea sa utak ko at puro latak lang, walang maabot na magandang idea, o gumagapng na imahinasyon. Purong kaguluhan lang, bakit kasi binitiwan mo ang bagay na ayaw mo naman pala makitang hawak ng iba.


  1. Sabi nila kung talagang kayo, kayo ang magkakatuluyan kahit ano pang mangyari. Kahit gano pa kaperfect ang present mo kung nakalaan ka sa iba, wala ding saysay ito, papatibayin ka lang nito bilang tao at magiging bahagi ito ng buhay mo.

  1. Pasensya na talaga sa istorbo, dumadating talaga ito siguro sa isang manunulat ng kung ano ano. Kaya wala, walang kapaki pakinabang ito.
  2. Akala ko, ito na ang tuktok pero lagapak lang pala mga idea ko, bitter, butter, better. Well, see you guys sa susunod……………….


Tik tak tik tak tik tak tik

tak tik tak tik tak tik tak (repeat 10x)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento