Lunes, Marso 10, 2014

Hang Over Part III

isang araw...

May di kilalang numero ang tumawag sakin, pero di ko sinagot dahil di ko kilala pero tinext ko nalang ito at tinanong ko kung sino. Sumagot lang sya at tinanong ang pangalan ko.

Sumagot ako ng oo, at nagpakilala sya na sya si Carol, laking gulat ko at di ako makapaniwala na sya un, Yung babae sa airport tinatawagan ako at kinakausap ko pero di ko lang sigurado kung sya nga yun.
Pero base sa mag detalye na tinanong ko, mukhang sya naman yun. Imbes na hopstality ang makuha ko sa kanya, pagkainis at galit ang banat nya. Ano daw ba kasi karapatan ko ipost ang picture nya sa FB, at lalo na im a stranger.

Pinaliwanag ko naman ang dahilan ko, at nagpasalamat naman sya, dahilan na yung araw na nakita ko sya ay parang gumaan lahat na nararamadaman ko sa kabila nag hang over at sakit ng ulo.

pero di nagtagal ang usapan namin dahil pinutol na nya ito, muli ako nagpasalamat kahit sakabila ng sabi nya na may asawa na sya at shes pregnant.

Paalam.

Pero isang gabi, walang magawa naiisip ko sya habang pinapatugtog ang your beautiful ni james blunt "its time to facet he truth ill never be with you" bigla nalang sumagi sa isip ko, ang asawa? eh bakit magisa lang sya bumabyahe? dapat kasama nya asawa nya lalo nat buntis sya.

Kaya kinakabukasan muli ko syang tinext at pinasalamatan. Inihahayag ang saloobin sa detayadong paraan pero ang natanggap ko lamang ay isang malamig na balikat. nawala ng parang bula.

Katulad ng mga walang humpay na inuman sa gabi, lango sa alak nalilimutan ang nangyayari, masayang pakiramdam at sakit ng ulo. Isa lamang itong gabi ng inuman at pag gising mo kinabukasan ay parang walang nangyayari at tatanong mo sa sarili mo, pano anong nangyari at akoy nakauwi pa.

aray!! hang over!!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento