Huwebes, Marso 27, 2014

para sayo

Gitna ng puti at itim mukhang manipis na hinahanap hanap.
Binabalik balikan
Inaasam asam
Bawat hudyat ng ngiti buka ng bibig sayoy hinihintay'

Naghahandang lumipad
Naghahandang mahulog

Paulit ulit mang masdan Maganda Mong mukha Di magsasawang mahulog ang loob.

Dahil kilala na Kita, handa na akong makilala ka pa.
Dahil kasama na kita, ang nais ko lang makasama ka pa.
Araw araw merong spark, duty duty magdamag.
Dahil kilala na kita, handa na akong makilala ka pa.

Mula oras ng pag gising hanggang pagidlip, lagi kang nasa isip.
Istorbo kang nagsisilbi, nakakabaliw.

Akoy maligayang lubos saking mundo ikaw ay naparito.
May baon kang instant ngiti may libre pang kaway

Dahil kilala na kita, handa na akong magpakilala pa.
Dahil kasama na kita ang nais ko lang makasama ka pa.
Araw araw merung spark, holding hands pa sway sway pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento