Isang araw ....
Di na ko nakatiis dahil pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay wala pa din ako sa frend list nya. Kinamusta ko naman ang bayaw ko at wala pa din sya sagot. Parehas kami na di parin inaacept ang frend request.
Sobrang dalang naman nya magopen ng fb o busy sa work?
Kaya nagmessage na ko, heto ang sinabi ko "hello" Hello lng ang nasabi ko dahil wala ako maisip na sasabihin pero nakatingin lang ako sa screen ng laptop ko at biglang...
Hi po, ako po pala yung... kung natatandaan mo pa.. yung nakasabay nyo. Di ko lang alam kung natatandaan mo ko. pero nagbanga na ating mga mata at napagmasdan nadin po kita ng ilang ulit. Ilang araw ko din hinanap fb account mo at sa tulong na din ng ilang kaibigan natagpuan ko ang ilan sa bahagi ni nylorac reye. Mapapansin mo din nman sa profile pic ko na ikaw ung nakalagay. Malamang nagtatanong ka bakit? At anong gusto ko ipahiwatig. Hmmm..
2 bagay, makipagkaibigan at makita muli ang nagpaniwala sakin na totoo :)
ang love at first sight..
Salamat sa pag accept kung iaacept.
automatic enter.
Sent.
kahit ako natulala, sinend ko kaagad.
Bugso ba ito ng damdamin. Oh ano?
Pero isa lang masasabi ko, pagsusumikapan ko namakita kang muli at makilala ka..
Kahit ilang beses kahit paulit ulit.
Dahil alam ko sa sarili ko ang tulad mo ay minsan lang dadating sa buhay ko....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento