Huwebes, Enero 23, 2014

Hang Over

                 Galing ako sa party ng sarili kong despidida kinagabihan, kaya sobrang sakit ng ulo ko na parang mabibiyak. Di ako komportable sa sarili ko, kahit naligo at uminom na ako ng sprite at biogesic. 
Naduduwal pa ako pero kelangan kong kumilos dahil mahuhuli ako sa eroplano papuntang Manila.

Pagminamalas ka nga naman di pa dadating yung driver mo, at napilitan pa kong magmaneho. Pagdating mo sa Airport sasalubong pa sayo ang pila, para mapabilis di ko na chineck in ang bagahe ko at ng makaupo na ko sa boarding area sapagkat masakit parin ang ulo ko, gusto kong itulog.

Habang nakaupo ako at naghahanap ng posisyon para matulog, ay nakakabwisit naman yung mag asawa o mag jowang Pilipino Amerikano sa harap ko dahil digtahan sila ng diktahan sa nilalaro nilang text twist. 
Natiis ko yung magjowa na ewan, dahil nag music nalang ako, pero yung iaanounce na madedelay daw ang eroplano namin, eh doon ako nabadtrip na para bang gusto kong magreklamo at iexplain nila sakin anong nangyayari.

Di na ko mapakali, humihilab din ang ulo ko, baling ng upo dito lingon doon.

Hanggang na napasigaw ako sa sarili ko ng PUTANG INA!!!

Pati ako nagulat sa reaksyon ko, maliwanag kitang kita ko detalye ng nakita ko. Maputi, malamais ang hibla ng buhok at nakapikit. Tila nawala ako sa kamalayan ng sampung segundo para lang pagmasdan ang angel sa bangungot ko.

Nawala sa pakiramdam ko ang hangover at sakit ng ulo, inalis ko ang pagkakatingin pero agad ko namang binalik. Kumpirmado! Di ako nananaginip at di ko na inalis ang paningin ko sa kanya habang minamasahe sya ng mga bulag sa airport.

“hello there, Angel from my nightmare, the shadow in the background of the morgue”

Ang lyrics na tumutunog habang tinitingnan ko sya. Pero akoy napabiling ng bigla na syang nagmulat ng mata. Pero dahan dahan kong binalik ang pagkakatingin ko upang tingnan sya ulit at sakto naman, di sya nakatingin sakin.

Tumayo na sya, at akoy palihim na tumalikod pero sinundan ko sya ng tingin kung saan sya pupunta. Pumunta sya sa palikuran at mga 5 minuto lng ako nakatingin sa labasan.

Ayun lumabas na sya at palihim ko parin syang sinusundan ng tingin ng biglang napansin nya ata na nakatingin ako sa kanya mga 2 segundo pero inalis ko na tingin ko sa kanya pero syempre binalik at nakita ko na puwesto sya ng upuan 7 upuan mula sa kinakaupuan ko. 

Wala syang katabi kundi yung bag nasa kanya. Tumayo sya sabay ang tingin ko, pero inalis ko ulit. Pag lingon ko pabalik wala sya di ko sya makita kaya medyo tumayo ako at inilabas ang ulo ko sa may blind spot sa likod.

Sakto naman at paglabas ko nakatingin sya sakin at muli akong umupo. Sunod na tingin ko, kumakain na sya ng tinapay. Malas naman at may umupo sa gitnang upuan kaya medyo di ko na sya makita kaya pumapaharap ako ng konti para masulyapan sya. Hanggang sa nagdesisyon ako na tinggnan nalang sya, di bale ng mahuli nya minsan lang naman to mangyari sa buhay ko.

Muli kong nadinig ang announcement at syempre delayed nanaman ang flight namin from 9:20am magiging 11:20am. My mga nauna ng eroplano na umalis, nagwiwish naman ako na sa next plane sana di pa sya sumakay at boom!! Ok lng, malaki tyansa na magkaplane kami.

Sige ko pa din syang pinagmamasdan, hanggang sa naisip ko na. Kunin ang camera ko at picturan sya. Filing naman nung nasa gitna namin sya pinipicturan ko. Hahaha pero wala ng hiya hiya. At yun nakakuha naman ako ng maayos na kuha kahit zoom. Pero tinggin ko alam na nung girl na tinitingnan ko sya pero parang wala lang sa kanya.

Nagbabalak na ko na tabihan sya pero natotorpe ako at di ko alam sasabihin, gwapo naman daw ako sabi mga kaibigan ko at ikinunsulta ko na ang problema ko sa bestfrend ko tumawag sya at pinalakas ang loob ko. Sinabi nya minsan lang mangyari yan baka mawala pa yan. Pero sa huli natorpe pa din ako at hanggang tingin nalang.

Ilang minuto ang lumipas at nakakuha na ko ng lakas ng loob ng biglang tawagin na kami for boarding sbay tayuan ng mga tao. Tumayo na din sya at sabay ko namang sinundan. Nakita ng aking mga mata ang pangalan nya sa damit “carol ever” napangiti nalang ako at tinandaan sa isip ang pangalan na yun at habang sinusundan ko sya, laking gulat ko na ang tangkad nya pala. Oo nasa likod nya ko. Nasa 5ft 8in siguro sya habang ako nasa 5ft 5in lang. Natawa nalang ako at ang sumunod ko na hiniling ay sana magkalapit kami ng upuan.


YES!!!!!


Seat number 3 sya, ako 28. Ang lapit. Hahaha
Pero wala akong nagawa ang dami pasahero eh, tiis tiis nalang muna.
Pero habang akoy nagmumuni muni sa eroplano at unti unti bumabalik ang sakit ng ulo ko, aking napagtanto na, totoo pala ang love at first sight at ngayon ako nanininiwala dito.

Hangang sa pag gising ko ay palapag na kami ny Manila, sinabi ko sa sarili ko hahabulin ko sya at kakausapin. At ginawa ko namang habulin sya un nga lang wala na sya di ko na nakita pero maalala ko, may logo ng San Miguel ang damit nya kaya malamang ay doon sya nagwowork.
Kaya, nga nga akong umuwi at bigo dahil di ko sya nakausap.
Tulala lang ako sa bahay, ng bigla kong naisip na ipost ang litrato nya na may nakalagay na pag lumingon ka, akin ka. J

Para akong detective na hinahanap pangalan nya sa internet, facebook at san miguel website pero bigo ako wala man lang ako makitang pangalan nya. Di kaya mali pangalan nakuha ko, sinubukan ko namang baligtarin pero wala pa din.

Isang araw, sa muli kong pagbubukas ng facebook ay nakita kong nagcomment ang kaklase ko nung high school na kilala nya daw yun at mukhang X ng klasmeyt namin dati. Lumaki ang mata ko, ibig sabihin my pag asa pa ulit na makita ko. Kaya sinagot ko agad kaklase ko at ginawa kong profile pic ung kuha nya.

at muli akong nagulat sa nakita ko sa cellpone ko, nagtx ang boyfrend ng kapatid ko at sinabi nya na. Kuya kaklase ko sya ng high school kilala ko sya Carol Eyer name nya.

Pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko at mali pala talaga ang pagkakakita ko pangalan.
Agad kong tinanong kung kamusta si carol at ano fb name nya.
Pagsinuswerte nga naman at sunod sunod ang blessing iadd ko sya sa fb at nagustuhan ko naman amga narininig kong istorya sa kanya. Lumilinaw ang bukas na sana magkita kami.
Kahit pano may alam na ko sa kanya.
Pasok sya sa taste ko, pasok na pasok at sobrang naattract ako sa kanya na nasabi ko sa sarili ko na ito na yung tipo ng babae na gusto kong gumising tuwing umaga na sya ung nakikita ko.
Di ba pag may gusto gusto tayong isang bagay kukunin natin, ganito gagawin ko dito at GAME NA KO!!




Isang araw……





























































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento