Miyerkules, Hunyo 18, 2014

Titig

Nasa rurok ako ng pakiramdam kung saan merun lang akong isang tyansa para gawin ang lahat. Di ako pwedeng magkamali kahit alam kong wala akong pag asa sa simula palang. Marami akong tanong na alam ko na ang sagot pero susubukan ko pa din para sigurado ako.

Ilalaban ko. Takot akong malaman mo na gusto kita dahil alam ko naman na hindi ako ang mga tipo mo at baka masupalpal mo lang ako.

Nung una kitang makita alam kong merun na, alam kong sa loob ko merun na agad nabuong pagtinigin.

pero magkalayo tayo, pero dahil merun tayong kaonting kapangyarihan medyo binago natin ang takbo ng tadhana, umayon kahit pano at dahil na din sa lokasyon ng bahay mo.

Napalapit ka sakin at dito nagsimula ang mga little conversation natin kung tawagin ko ay moments.
Gusto kitang makilala, ng di mo nahahalata na gusto kita.

Nagsimula ang lahat sa pagtingin ko sayo ng 3 segundo, suot suot mo ang scrub suit mong sky blue at naka long sleeves ka sa loob, pero ngayon nandito ka na malapit sakin parehas ng lugar.

Sisimulan ko ang lahat sa Reprocessing kung saan magkakaroon tayo ng getting to know each other, marami agad akong nalaman sayo about sa family mo at kung pano tayo pinagtagpo ng tadhana.

Lumipas ang araw marami akong nadidiskubre sayo, maraming ngiti at tawa akong nalalaman sayo at dahil doon di ko mapigilan na mahulog sayo. pero bago ka pa dumating like na kita pero ngayon nahuhulog na ko...

Ang mga ngiti mo, ang pagka simple mo, hanggang sa pananamit pati na ang tingin sa sarili. Napakasimple. Ang boses mo nagsisilbing himig saking pandinig at dito lumabas ang salitang melody bilang code name mo. Dumating din ang mga araw kung saan nababaliw na ko sayo at kelangan ko ng iopen sa mga kasamahan ko dahil nahihirapan na kong itago.

Nalaman nilang lahat, pero ikaw di pa din, patuloy ang ang pag tago ko at pagkahulog ko sayo.
Sobrang takot ako na malaman mo pero, panay naman ang paramdam ko ng swabe sayo.

Dumating sa punto na, stalker na ko tinititigan ko na ang mga litrato mo sa fb, nagbabackground check at simula ng dumating ka,araw araw na kong my diary, gumagawa ng video, nagdaday dream at natutung magdasal muli..

Dumating pa ang time na nagmoment tayo, na sobrang lalim na about life yung nagpaguusapan natin.
Dumating yung time na feeling ko nahahalata mo na.. nahuhuli mo nakong nakatingin sayo pero bakit mo ko nahuhuli? kasi tinitingnan mo din ako?

May mga moment akong ginagawa para swabeng maakbayan ka, mahawakan kamay mo o makasama ka lalo na yung mapangiti ka.

dumating na din sa puntong inaasar na tayong dalawa, pero sayo wala pa din.

ilang beses ko ng gustong sabihin sayong gusto kita, ilang beses na muntik na.

Alam kong 3 buwan palang tayo magkakilala pero sa 3 buwan na yun madami na kong nalaman. madami na dahil sobrang interesado ako sayo.

Sa sobrang pagkapuzzle ko sayo nagsesearch pako sa net kung pano magparamdam ng swabe o kung pano malaman na gusto ako ng girl.

nakita ko nalang ang sarili ko nahuhulog na sayo pero di ko masabi. nababaliw na din ko sa kakahanap ng kanta na para satin.

isang araw,  sasabihn ko na sana pero di ko nasabi walang salitang lumabas sa bibig ko kundi kamusta sa duty...?     laking pangaasar sinabi sakin ng mga kaibigan ko. gusto kong lumubog sa kinauupuan ko sa sobrang katangahan at kaduwagan ko.

ang hirap! ang hirap magkamali lalo na kung alam mo na di ka naman crush ng crush mo.
Na alam mong di ang mga katulad ko, ang tipo nya. lalo na, ns alam mo na yung inaasahang sagot kahit magpakapositive ka.

ang hirap! nakakaduwag!

Hindi ako 5'8, hindi ako kagwapuhan , di ako maputi, di ako Christian merun lang ako charakter, alam kong merun akong Paginoon sa buhay ko at lalo na ang kayang ko lang naman gawin ay mahalin ka...

Isang araw, sinurpresa kita at sinabi ko ang nararamdaman ko. di ka makapaniwala kahit alam ko nang alam mo pero nasurpresa ka pa din dahil, di mo ito inaasahan.

Hinarap ko ang takot ko at kahit nanginginig pa ko.

Sinabi ko sayo na............


I LIKE YOU!!

Sobrang gaan ng pakiramdam ko, we still have what we have.. I know naman di ako nanliligaw at sinabi ko sayo yun despite, mga the moves ko.

We have a casual and mas matapang na ko magtanong, ang mahirap dun wala ngang nagbago na-aware ka lang nai like you. pero merun akong mga ginagawa para sayo.
Na di ko naman alam kung may dating o kahit pano nafafall in love ka na ba...?

Alam ko sa sarili ko na ikaw na, alam ko na if im still look for best ang end point ko is im still looking for someone. pero ako, ill stay with you hoping and wishing your the best among the others at wala ng ibang best.

hanggang sa....
you still tell yourself na your looking for a Christian and you tell me na,

your not ready for commitment...

sinubukan kong isink in sa sarili ko para matanggap ko na, di talaga ako yung gusto mong lalaki na hindi ako yung Christian na hinahanap mo, kasi ako si Jonathan.

Alam ko naman sa simula palang talo na ko pero atleast sinubukan ko kahit walang dating yung effort ko. Ok lang mahal kasi kita saka para sayo naman. sabi ko nga sayo db? malakas ka sakin!

Pero alam mo yung nakakaiyak??
Yun eh yung nagrequest ako sayo kung pwede ba kitang titigan kahit sampung segundo lang...

Sampung segundo tinitigan kita sa mata, tinitigan mo din ako...
Nakakaiyak kasi, mas narealize ko sa sarili ko na ikaw talaga yung gusto ko.
Yung handa akong masaktan at ibigay sayo lahat.
Yung titig na yun ang nagbigay sakin ng pag asa na ikaw, ikaw na yung hinihintay ko pero.......

di ka pa ready db?

db?

Akala ko all this time ako yung duwag... akala ko ako yung walang guts ipaglaban yung gusto ko.

Mali pala..

Pero siguro magsisinungaling ka kung sasabihin mo saking wala kang naramdaman nung nagtitigan tayo,
kasi alam ko sa sarili ko merun un...   merun.....

Sana makapagdesisyon ka din para sa sarili mo, pero wag kang mag alala.
Kasama pa din ako sa nagdadasal para makita mo ang desire ng puso mo.
Kahit di na ako yun...


- _ _

PS

I love you
Its all about you nang dumating ka dito.. Everything is about you!
till noww......



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento