A letter to you _ _ _ _
Ang dami daming tao sa pilipinas, di ko alam kung bakit syo
pa ko nahulog at ang nakakatakot doon.
Baka tuluyan akong mahulog at lumagapak,
matagal na kitang nakikita pero di lang kita pinapansin ayaw ko ding malaman mo
na gusto kita baka kasi mabigyan ng malisya bawat gagawin ko at bawat
bibigkasin ko.
Ok na yung my relationship tayo bilang head nurse at staff
nurse.
Dumating ka sa saktong oras, sa oras na kelangan ko ng tao,
sa oras na akala ko, ok ako un pala para na kong kahoy na puro anay sa loob.
Nang dumating ka nagkaroon ng bagong kulay ang mundo kong ginagalawan,
ginanahan ako magduty at kahit puyat nagigising ako ng tama sa oras.
Ikaw lang ang gumising sakin ng madaling araw at pinahirapan
akong matulog.
Ikaw din ang nagpasigaw sakin dahil gustong gusto kong sabihin
sayo kaso di pwede. Bakit?
Syempre alam mo naman ang sagot, di naman ako kasi ang tipo
mo belong lang naman ako sa mga below average na kagwapuhan, mga hanap mo above
average o class A pa.
Umiinom ako na ayaw mo, di ako nakakapagsimba every Sunday
pero I know I have GOD in my life.
Merun lang naman ako, na pwedeng maipagmalaki sayo ay
character.
Trabaho? Pwede pero di naman ako kumikita ng malaki.
Wala pa kong
bahay, di ko afford ang magkaroon ng ate susan at lalong lalo na di ako maputi at
kamukha ni james reid.
Ang daming bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, at isa na
dun kung bakit kita nagustuhan at minahal. Well, kung tatanungin mo ko kung
bakit kita mahal wala akong maisip na dahilan pero un ang nararamdaman ko. Kung
sa tanong naman kung bakit napansin kita?
Simple lang ang sagot ko, dahil para
sakin napakasimple ng ganda mo at un ung definisyon ko ng ganda. Simple walang
arte, swabe.
Wala akong pakielam sa kulay mo na nirereklamo mo, para
sakin ok na yan.
Di mo lang alam kung gano kaganda ang tanawin pag
tinitingnan kita.
Hindi ka marunong maglaba? Ako ang maglalaba tuturuan pa
kita
Di ka magaling magluto? Ok na sakin kahit prito araw araw, o
mag aaral tayo ng sabay para magluto ng adobo, sinigang at kung ano pang gusto
mo.
May hika ka? Hayaan mong pahiramin kita ng hanggin ko para
makahinga ka lang. O yakapain ka tuwing malamig para di ka sumpumgin.
Dahil sa libo libong babae nandito ikaw ang pumukaw ng
paningin ko, mas maraming maganda dyan perfect body pero nagdedetriotrate yun
eh.
Pero ang ugaling merun ka, bilang mapagmahal sa pamilya di
nawawala yan.
Yung ugaling dapat matuto ako mag improve ako, di lahat
merun nyan.
Yung gigising ng maaga para pumasok ng walang bayad, di
lahat matitiis yan.
Yung uunahin ang needs kasa wants, gustong gusto ko yan.
At syempre ikaw mismo gustong gusto ko.
Di ko alam kung nagmamadali na ako, pero narealize ko sa
sarili ko kung kaya naman at kung gusto mo din.
ikaw na yung gusto kong makasama sa buhay ko. Oo alam ko na 21
ka palang at balak mo 22 mag boy friend wiling naman ako maghintay kahit 27 or
28 na ko noon. 5 years gap.
Wala naman siguro pinipiling edad ang pagmamahal at dahil
ikaw na ang gusto ko.
Araw araw ikaw ang pipiliin kong makasama. Araw araw ikaw
ang gusto kong uwian.
Dahil ang true love di hinihintay pinipili yan!! Db?
Kung di mo man alam lahat, handa akong ituro sayo lahat ng
alam ko, lalo na sa nursing world.
Di mo kelangang umiyak mag-isa, kasi nandito naman ako.
Kung kelangan mo ng kakwentuhan bukas ang aking tenga para
makinig.
Di mo na kelangang umalis pa ng bansa, kasi dito palang
bubuhayin na kita.
Hayaan mo, susubukan kong magpaputi para sayo.
Kung kaya pa, magpapatangkad ako at abs.
Alam kong minsan lang dumating ang isang tulad mo, gusto
kong dito ka nalang.
Kaso ang masakit doon, iba pa ang mga prioritization mo sa
buhay.
Gusto kong sabihin o magmakaawa kung pede lang mahalin mo ko
kaso baka di ka naman maging Masaya
sakin kasi pinilit ko ang isang bagay na di
mo naman gusto.
Sa araw na ito alam kong marami kang iniisip, pwedeng
successful ka na sa gusto mo o kaya may bf ka na,
na aakap sayo pag malamig
para di ka na hikain.
Pero sinulat ko toh para masabi sayo na minsan sa buhay mo,
my isang tao na nagmahal sayo ng totoo.
Na gumawa na paraan para mainlove ka sa kanya....
Na may isang taong kaya kang mahalin selfishly.....
Salamat ingat ka.
Mahal pa din kita...
Nawala man ang iniikutan ng mundo ko pero alam ko nanjan ka
padin.
Masaya na ako kahit di na ako ang dahilan ng kasiyahan mo.
Aaaa... nnaaa... nnnaaa... naaaaa...
Aaaaa... naaaa.... naaaa... naaaaa.....
Gitna ng tabang at tamis
Saya’t hinagpis na hinahanap-hanap
Binabalik balikan
Inaasam asam
Bawat hudyat ng lambing
Buka ng bibig sayo’y hinhintay
Naghahandang lumipad
Naghahanang bumitaw
Paulit ulit mang masdan
Maganda mong mukha
Di magsasawang mahulog ang loob
Dahil kilala na kita
Handa na akong kilalanin ka pa
Dahil kasama na kita
Ang nais ko lang, makasama ka pa
Araw araw merong spark
May holding hands pa sway sway pa
Dahil kilala na kita
Handan na akong kilalanin kappa
Aaaa... nnaaa... nnnaaa... naaaaa...
Aaaaa... naaaa.... naaaa... naaaaa.....
Mula oras ng pag gising
Hanggang pag idlip
Pati nananaginip
Ilaw kang nagsisilbi, nagbibigay bagay
Akoy maligayang lubos
Saking mundo, ikaw ay naparito
May baong instant
ngiti
May libre pang kaway
Paulit ulit mang masdan
Maganda mong mukha
Di magsasawang mahulog ang loob
Dahil kilala na kita
Handan a akong kilalanin ka pa
Dahil kasama na kita
Ang nais ko lang, makasama ka pa
Araw araw merong spark
May holding hands pa sway sway pa
Dahil kilala na kita
Handan na akong kilalanin kappa
Naalala mo toh?
Its for you... J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento