Biyernes, Abril 5, 2013

Yung ako..


Yung taong naging ako ng makilala kita..
Akala ko kuntento na ko sa mga kaibigan ko, masaya na ko.
Akala ko di ko na kayang magtiwala ulit
Akala ako di na ako magmamahal.

Kaya ko papala ng makilala kita, merun pa din pala sakin yung elemento ng surprises.
Gumagana pa din pala ang utak kong romantiko at mga biglaang desisyon na masosorpresa kita.

Iba ako, pinili kong maging iba hindi dahil iba ako. Pinili kong maging iba para mapansin ako.
Yung pagiging iba na simple pero di pansinin, yung pagiging iba na aangat sa lahat, yung pagiging iba na di nakasanayan ng iba.

Nadiskubre ko sa sarili at narealize ko na kailangan ko din ng pagmamahal, pagmamahal mula sa isang babae. Pagmamahal na bagong diskubre.

Iba ka, tulad ng iba. pero katulad ng lahat ng nagsisimula masaya hanggang may lungkot at away. May madisikubre ka na di maganda. My lumalabas na ayaw mo. Pero sa kabila ng lahat mahal mo at minahal mo.

Nadiskubre ko sa sarili ko na kaya ko talagang iadjust ang buhay ko depende sa taong mahal ko, nalaman ko na ako yung tipo ng tao na sobra kung mag bend at blend para sa mahal ko.

Sobrang tipid ko at kuripot pero handa akong gumastos para sa iba, para sa mahal ko kaya ko pala…

Narealize ko na tumatanda na ako at sa loob ng 8 taon natuto akong tumayo sa sariling paa at malayo sa mahal sa buhay. Marami akong nasayang at namiss na pagkakataon. Nawala  sakin ang pagaasikaso ng magulang, pag aaruga pag may sakit, nawala yung nagmamalasakit na on the spot. Sariling hain sa lamesa at sariling kain. Kalat ko linis ko, pinagkainan ko hugas ko. Wala yung feeling na o anak kamusta trabaho kumain ka na? pahinga ka na… pero kahit pagod maglalaba pa.

Ang dami kong sakripisyo sa buhay, nandyang nagmahal ako at linoko binigyan ng pagkakataon pero niloko parin siguro bayad yun sa mga nagawa ko ding pagkakamali.

Buong buhay ko gusto kong hindi ako napapansin dahil mahiyain ako, wala akong self confident, wala akong maipag malaki sa sarili ko dahil ganito lang ako. Madalas akong nagtatago sa sumbrero ko, sa anino ng iba. Walang identity.

Nalaman kong matampuhin ako, siguro dahil gusto ko ng atensyon. Atensyon na nawala sakin ng matagal na panahon. Palautos ako sa mga kapatid ko siguro dahil buong buhay ko inaasikaso ko sarili ko.

Nalaman kong ayoko ng tinatago ako ,dahil buong buhay ko na akong nagtago. iba yung feeling na ikaw ito pinagmamalaki. Dahil iba ako sa mga usual na taong nakilala ko.

Nadiskubre kong mas ok na minsan di ka magsalita para wala nalang away, tiisin mo nalang yung tampo at sama ng loob para walang diskusyon.

Hindi ka naman maghahanap ng wala..
Di ka naman magdedemand kung di mo gusto..

Nalaman kong kung di ko kayang ibigay sa iba yung sarili ko o yung mga gusto nila  kaya ko pala kasi mahal ko sila.

Nalaman kong dapat isakripisyo ang sarili sa pagmamahal, kahit minsan di na ikaw ito. Dahil kung alam mong ito yung makakatulong para sa inyo, gagawin mo.

Dahil kung may sarili kang pamantayan sa pagmamahal at puro gusto mo ang masunod kesyo di kasi ako ganyan at ganito lang ako. Di ko kayang ibigay yan kasi di ako ganyan. Isa lang sagot dyan. MAHALIN MO NALANG SARILI MO!!


Bigayan lang, dahil sa pagmamahal bukal sa loob yan.. di mo iniisip ang sarili mo. Iniisip mo yung makakapagpasaya sa kanya. Anumang pagod, puyat pag alam mong napasaya mo sya at naapreciate ka nya.. ok na yun…

Marami pa kong nadiskubre… nadiskubre ko na kung walang kayang magpawala o maglambing sakin. Ako nalang ang gagawa para sa sarili ko kahit alam ko na ang paglalambing ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo.

Bawal ang Kill Joy sa pagmamahal.. sakyan mo bawat trip ng mahal mo. Kung gusto nyang makipag asaran sige lang, chismisan go… kung gusto nyang magpaka EMO cheer up mo lang dahil humahanap lang ng atensyon yun. Subukan mo ding lumagpas ng border, di naman kabastobastos ang mga double meaning na salita, kung in a relationship kayo. Bawal ang KJ. Libog? Normal yan trip nyo yan eh.. saka isa yan sa mga needs namin..


Suportahan lang… Nalaman kong kahit badtrip ako dapat di ako mabadtrip pag down yung isa lalo na kung una syang nag open ng problema.. ano kung masungitan ka, ok lang yun cheer up lang dahil kelangan nya ng may makikinig at magpapaayos ng nararamdaman nya…

Ito yung pagbibigay ng pagmamahal na di mo kayang ibigay pero ibibigay mo…


Kung gago ka, gago ako. Kung trip mo asaran go.. isa akong salamin na kaya kang gayahin. Kaya kung paparamdam mo sakin na wala lang ako, ibabalik ko sayo yun. Kung tipong sobra na binibigay ko.. titigil ako..

Sa pagmamahal nabigay mo na ang lahat pero kulang pa din, nabigay mo na ang buo pero hinihingian ka pa din ng sukli. Pero sa sukli na yun minsan kelangan, para maibalik din sayo ng buo.

Give and take!!  di dahil ganito ako wala ka ng gagawin.

Nalaman ko na kaya ko pa din kontrolin ang galit ko at palipasin, kaya kong baguhin ang ugali ko at iwasan ang panunumbat. Nalaman ko na mahina ako mag cope up sa away dahil di ako makatulog sa gabi , pero di ko pinapahlata.. umiinom sa tuwing may sama ng loob. Di ko kayang itago pag may mali pero kaya kong tiisin.

Nalaman ko dapat open minded marunong magfocus sa pakikinig…. FOCUS
Makinig at tumingin ka pag may nagsasalita, ang tenga pag pinagdugtong hugis puso kaya kung marunong kang makinig marunong kang magmahal.


Nalaman kong dapat kahit naramdaman mo na, sya na.. wag mo pa ding ibigay lahat dahil madidisapoint ka lang ng sobra… hinay hinay, huwag mong gawin sa kanya nalang umikot mundo mo, mahirap baka wala ng matira sayo.


Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo, pero lahat ng gusto nya naibigay mo pagdating sayo. Wala.

Sa pagmamahal dapat di naghihintay ng kapalit o ng sukli pero pano mo nga maibibigay ng buo kung wala naman bumabalik. Nakakapagod din yun. Lugi negosyo, para kang naghintay sa wala. Para kang tanga.. dapat praktikal na ngayon, realidad.


Ang pinakamahirap naman sa paghihiwalay eh hindi yung nawala sya ,kundi yung taong naging ako nung nandyan sya..

Di ko pala kaya… pero choice nya yan..

Ikaw mahal mo? Papakawalan mo??

Praktikal na sagot: Depende…….
 Ako? Walang pero pero o ano ano..

MAHAL MO EH… kahit masakit? Bakit my pagmamahal bang walang nagkaksakitan? Mahalin mo nalang sarili mo kung ganun!

Kahit demending? Bakit pagmamahal bang walang demand?

Kahit matampuhin? Hay naku, magtanong kapa! Sapakin na kita

Kahit magastos? Eh di magtitigan kayo buong maghapon ewan di ka magutom

Kahit ? magtanong ka pa sige!

MAHAL MO NGA EH dapat yan lagi mangibawbaw tapos

EH MAHAL TALAGA KITA EH…. J

1 komento:

  1. wow! Amazing! Parang ang lalim ng pinaghuhugutan ni blogger. Tama lahat ng cnabi mo. Pagmahal mo, mahal mo. Walang pero, wlang kahit walang tanong2. Sana my kasunod p to!

    TumugonBurahin